Ano nga ba ang mga sintomas ng asthma sa bata? 18 buwan pa lamang si Lottie Provis nuong May 2015 nang matagpuan siya ng kanyang mga magulang na nagkukulay asul, hindi gumagalaw at nalulunod sa sariling suka. Binigyan lamang siya ng mga doktor ng ilang oras para mabuhay dahil sa pamamaga ng kanyang daluyan ng hangin. Nagawa ng mga medics na magpadaan ng tubo sa kanyang lalamunan.
Nang nakauwi na siya matapos ma-comatose nang isang linggo, inatake nanaman siya ng asthma matapos ang isang buwan. Sa panahon na ito, 4 na buwan siyang na-comatose.
Sa sumunod na taon, 9 na beses na hospital si Lottie hanggang sa napagtanto ng mga doktor ang koneksyon ng pag-atake ng kanyang asthma sa panahon. Siya ay inaatake ng asthma dahil sa paglanghap ng pollen sa hangin na dala ng mahangin na panahon.
Si Lottie ay nabubuhay pa ngayon na gumagamit ng steroid inhaler ang mga atake ng asthma.
Asthma sa bata: Mga importanteng kaalaman
Ang asthma ay ang pamamaga ng mga bronchial tubes na daluyan ng hangin patungong at palabas ng baga. Natatayang 80% ng mga batang may asthma ay nakikitaan na ng sintomas nito bago mag 5 taong gulang.
Ang pag-isi ng paghinga ay ang pinaka-karaniwang sintomas ng pagkakaroon ng asthma. Ngunit, hindi madalas na lumalabas ang sintomas na ito sa mga sanggol na may asthma. Kadalasan rin, ang mga sanggol nakakaranas ng pag-igsi ng paghinga ay hindi nakararanas ng asthma.
Sintomas ng asthma sa bata
Ang mga unang senyales ng pagkakaroon ng asthma sa bata ay kadalasang nagsisimula dahil sa impeksiyon sa paghinga. Ang mga batang nagkakaroon ng viral na impeksiyon sa baga ay dapat bantayan ang mga sumusunod na sintomas:
- Hirap sa paghinga
- Mabigat na paghinga sa paggawa ng pang araw-araw na gawain
- Maiigsing paghinga
- Madalas na pag-ubo
- Mabibilis na mababaw na paghinga
- Madaling pagkapagod
- Hirap sa pagkain o paghigop
- Pag-asul ng mukha o labi
Hindi lahat ng pag-igsi o pag-ubo ng bata ay sintomas ng asthma. Karamihan dito ay dahil sa ibang prublema sa paghinga at malalaman lamang kung may asthma sa kanilang ika-2 hanggang ika-3 taong gulang.
Mga sanhi at panganib na dala ng asthma sa bata
Hindi parin malinaw sa mga duktor kung bakit nagkakaroon ng asthma ang mga sanggol. May mga kinikilalang maaaring pinagmumulan nito tulad ng pagkakaroon ng allergy at asthma sa pamilya. Kung ang nanay ay nanigarilyo habang nagbubuntis ay mas malaki ang panganib na magka-asthma ang ipinagbubuntis.
Ang viral infection ay ang kadalasang sanhi ng pagkakaroon ng asthma ng bata na may edad 6 na buwan pababa.
Pagsusuri sa asthma sa bata
Ang mga pangkaraniwang tests na isinasagawa sa pagsusuri sa asthma ay hindi maisasagawa sa mga bata dahil hindi pa nila kayang pigilan ang kanilang paghinga. Hindi rin kayang ipaliwanag ng mga bata ang kanilang mga nararamdaman kaya nakasalalay ito sa pagsusuri ng duktor ng mga sintomas ng bata.
Importante na ibigay sa duktor ang kumpletong medical history ng bata. Ipagbigay alam sa mga duktor ang mga napapansin na pattern sa pag-atake ng mga sintomas.
Maaaring ipasubok ng duktor ang mga gamot para sa asthma. Ang paggaaan ng paghinga dahil dito ay senyales na may asthma ang bata.
Paggamot sa asthma sa bata
Karamihan ng gamot sa asthma ay tinatanggap sa pamamagitan ng paghinga nito. Ang mga gamot na pwede sa mga masmatandang bata ay pwede rin sa mga sanggol ngunit mas konti lamang.
Ang ibang gamot sa asthma ay ginagamitan ng nebulizer kung saan nilalagay ang gamot sa isang machine na nilalabas ito bilang usok. Ang usok ay lalabas sa isang face mask na isusuot ng bata.
Iba pang gamot na maaaring inumin ng bata ay ang albuterol. Isa itong uri ng broncodilator na nagpapaluwag sa daanan ng hangin sa bata upang mapadali ang kanilang pag-hinga. Ang iba pa na may matagal na bisa ay corticosteroids at leukotrine modifiers na nagtatanggal ng pamamaga na nakakatulong sa paghinga.
Kadalasan ay iba’t ibang mga gamot ang gagamitin ng bata nang sabay sabay. Ang duktor ang magdidikta nito base sa lala at dalas ng mga atake ng asthma.
Maaari rin makatulong ang pag-iwas ng bata sa mga maaaring maging rason ng atake ng asthma tulad ng alikabok, amag, pollen at usok ng sigarilyo.
Kung naghihinala na may asthma ang bata, magpasuri agad sa duktor. Alalahanin rin na ang mga may sintomas ng asthma sa pagkabata ay hindi nagtutuloy-tuloy sa asthma sa pagtanda. Ganito pa man, kailangan parin sundin na gagawin na treatment plan habang hindi pa nakaka-usap ang duktor.
Source: DailyMail, Healthline
Basahin: First aid tips: What to do if your child has an asthma attack