Atasha Muhlach ibinahaging 17 years old na ng unang magkaroon ng cellphone at magkaroon ng access sa social media

Si Atasha unti-unti naring nakikilala ngayon sa mundo ng pag-aartista.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Atasha Muhlach nagsisimula palang matutunan ang social media. Ito ang pagbabahagi niya sa bago niyang panayam.

Mababasa dito ang sumusunod:

Atasha Muhlach 17-anyos na ng magkaroon ng sarili niyang cellphone

Larawan mula sa Instagram account ni Atasha Muhlach

Sa isang panayam sa kaniya ay ibinahagi ni Atasha Muhlach na 17-anyos na siya ng magkaroon ng sarili niyang cellphone. Sa parehong edad narin siya nagkaroon ng access sa social media. Kaya naman sa ngayon sa edad na 22-anyos ay pinag-aaralan niya parin umano ang paggamit ng social media.

“Actually, I’m still learning the ropes of social media because I was only given a phone at the age of 17.”

“So, it was always a landline of the house growing up. It was very old-school living. We weren’t really given access to social media that’s why I’m still learning the process of it.”

Ito ang pagbabahagi ng isa sa mga kambal nina Charlene Gonzales at Aga Muhlach.

Larawan mula sa Instagram account ni Atasha Muhlach

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga anak ni Aga Muhlach at Charlene Gonzales

Sa ngayon, makikitang unti-unting nakilala si Atasha sa mundo ng showbiz. Nagsimula sa pagmomodel ay napatunayan niya rin na kaya niyang maging isang TV host. Hindi niya rin inaalis ang posibilidad na sumali siya sa mga beauty pageants tulad ng kaniyang ina.

Nitong nakaraang taon ay nakapagtapos si Atasha sa kolehiyo. Siya ay nagtapos sa with honors sa Nottingham Trent University sa United Kingdom.

Larawan mula sa Instagram account ni Atasha Muhlach

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Habang ang kapatid niyang si Andres patuloy parin sa pagcocomply sa mga school requirements niya para tuluyan naring maka-graduate sa kaniyang Business and Communications degree sa Spain.

Samantala, sa isa mga bagong fashion show ng kilalang Filipino brand clothing line ay makikitang parehas na rumampa ang magkakambal. Kaya naman ang kanilang mga magulang na si Aga at Charlene super proud sa achievements ng kanilang mga anak. Habang nasisigurado na hindi napabayaan ng mga ito ang kanilang pag-aaral.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement