Aubrey Miles buntis sa pangalawang anak kay Troy Montero

lead image

Aubrey Miles buntis sa kaniyang pangalawang anak kay Troy Montero. Proud na ipinakita ng aktres ang kaniyang baby bump sa isang Instagram post.

Aubrey Miles buntis sa kanilang baby ng aktor-host na si Troy Montero. Sa isang Instagram post kahapon, proud na ipinakita ng aktres ang kaniyang lumalaking baby bump. Ibinunyag nito na bagaman nasa second trimester na siya ay nakakaramdam pa rin siya ng morning sickness.

Samantala, lubos din ang kasiyahan ni Troy sa parating nilang supling. Sa sarili nitong Instagram account, ni-repost nito ang litrato ni Aubrey at nagbigay ng isang sweet na mensahe para sa kaniyang long-time partner.

"To my Sweetness, you have been nothing short of amazing, day in and day out. I love you. And lastly, I'd just like to say you look PHAT - Pretty Hot And Tempting... Still ❤️ ?"

Dagdag pa nito na sadyang pinili nila na hindi muna ianunsyo ang pagbubuntis ni Aubrey hanggat hindi ito nakakalampas ng first trimester.

"We just wanted to be safe, although we still have a long way to go, at this moment we're feeling so blessed. Now heading into her 2nd trimester, we can finally see something lol."

Sinabi din ni Troy sa kaniyang post na naging mas close ang kanilang relasyon dahil sa pagbubuntis ni Aubrey. "From the late night craving runs to laying in bed together discussing what the baby could look like or if it's a girl or a boy..."

Bagama't lumalaki na ang tiyan ni Aubrey, nilinaw nito na hindi siya hihinto sa kaniyang pag-eehersisyo at pagkain ng masusustansiyang pagkain. Bilang isang fitness advocate, tinuturing nito na isang hamon ang pagiging healthy sa kabila ng mga nararamdaman niyang mga sintomas ng pagbubuntis.

"I’m not on a specific diet now," saad nito sa isa pang Instagram post. "So far I think I’m doing good with my food and liquid intake while in my 2nd trimester. I still eat my normal food, but I added more veggies and fruits. I decided to load up with juices for times when I feel hungry and I don’t need to eat because I just ate hahahha..."

Ang pagbubuntis ni Aubrey ang katuparan ng pangarap nila ni Troy na magkaroon ng isa pang anak. Mayroon na silang dalawang anak—si Maurie, 16, at si Hunter, 9. Si Maurie ay anak ni Aubrey sa kaniyang dating nobyo na si JP Obligacion.

Nakatakdang manganak si Aubrey sa susunod na taon.

 

Finally??

A post shared by Aubrey Miles (@milesaubrey) on

Gusto mo din bang maging kasing fit at seksi ni Aubrey habang buntis? Narito ang limang exercise na puwede mong gawin!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner