LOOK: Aubrey Miles at Troy Montero, ikinasal na makalipas ang 18-year relationship!

Matatandaang naudlot noon ang plano nilang pagpapakasal dahil sa COVID-19 pandemic.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa wakas, makalipas ang 18 years na pagsasama ay pormal nang naselyuhan ng wedding ang relationship nina Aubrey Miles at Troy Montero!

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Kaganapan sa wedding nina Aubrey Miles at Troy Montero
  • Engagement ng celebrity couple
  • Aubrey Miles and Troy Montero as parents

Kaganapan sa wedding nina Aubrey Miles at Troy Montero

Sa wakas, makalipas ang 18 years na pagsasama ay pormal nang naselyuhan ng wedding ang relationship nina Aubrey Miles at Troy Montero!

Opisyal nang ikinasal sina Aubrey Miles at Troy Montero sa halos dalawang dekada nilang pagsasama. Pinasilip ng kanilang kaibigan na si Gretchen Fullido ang ilang kaganapan sa kanilang wedding.

Ayon sa Instagram post ni Gretchen, si Mandaluyong Mayor Menchie Abalos ang nagkasal kina Troy at Aubrey. Sa opisina ng alkalde naganap ang pag-iisang dibdib ng celebrity couple.

Makikita rin ang wedding ni Aubrey, kung saan nag-kiss pa ang dalawa bilang pagpapakita ng kanilang pagmamahalan sa isa’t isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matatandaan na sa kanilang vlog noong 2021, sinabi nila na noong 2020 ay plano na pala nilang magpakasal sa Batanes. Tanging kapatid ni Troy na si KC Montero, misis nito, at nanay ni Aubrey Miles lang sana ang kasama pati ang kanilang tatlong anak.

Ngunit dahil sa COVID-19 pandemic ay napurnada ang kanilang plano. Ngayong lumuwag na ang mga restrictions ay natuloy na rin ang wedding nina Troy Montero at Aubrey Miles.

Larawan mula sa Instagram account ni Gretchen Fullido

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Engagement nina Aubrey Miles and Troy Montero

Labis na inabangan ng kanilang mga followers ang engagement ng mag-long-term partner at celebrity couple na sina Aubrey Miles at Troy Montero. Halos 18 taong na kasing magkarelasyon ang dalawa kaya naman marami ang naksubaybay kung kailan nga ba sila mae-engage.

March 2022 nang isapubliko ni Troy Montero ang naganap na proposal niya sa partner na si Aubrey Miles sa kanyang Instagram account.

Sa larawang pinost niya, makikita ang dalawang sweet na sweet na nagtititigan habang nakasakay sa isang kayak habang nagbabakasyon sa Boracay. Binida ni Aubrey ang kanyang diamond na engagement ring na bigay ni Troy.

Sa caption niya sa post tinag niya ang account ni Aubrey Miles at sinama ang hashtags na #SheSaidYes at #Engaged.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Together 18 years, engaged 8 hours… Here’s to forever with you.”

Samantala sa Instagram account naman ni Aubrey Miles, ibinahagi niyang sobrang nai-excite raw siya sa ideyang mayroon na siyang suot na engagement ring at alam na raw talaga niya na si Troy na ang para sa kanya,

“Woke up to this forever happiness. I’ve always known it’s him. Yesterday, I realized how exciting it is to get engaged and wearing a ring on my left hand.”
“It’s too beautiful not to share this. If you know how it went down? I said ‘ Thank you and YES!’ Lol pag kita ko sa ring napa thank you muna ako bago yes (Lol, when I saw the ring, I said thank you first before saying yes).”

Larawan mula sa Instagram account ni Aubrey Miles

Aubrey and Troy as parents

Ibinahagi nina Aubrey Miles at Troy Montero ang karanasan nila bilang parents. Ang mag-partner kasi ay may tatlong supling na galing sa iba’t ibang generation dahil sa malaking age gap.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Isa sa kanilang naging pagsubook bilang parents ay ang pagkakaroon ng Autism Spectrum Disorder (ASD) ng kanilang babaeng anak na si Rocket. Hindi raw nila agad ito ibinahagi sa publiko dahil nais nilang i-educate pa ang kanilang sarili tungkol sa developmental condition ng anak.
Sa isang post niya sa Instagram account ibinahagi ang kondisyon ni Rocket kasabay ang awareness tungkol sa autism para sa iba pang mga magulang na nakararanas nito,

“Yes, our Rocket has ASD, Autism spectrum disorder. We didn’t share this right away because we are still learning about ASD. It was important for us to educate ourselves about it. At first we were confused, and questioned ourselves, how and why. We searched around for an ASD specialist before anything else.”

Binasag din ni Aubrey ang karaniwang iniiisip kaagad sa taong may autism. Ayon sa kanya, hindi raw dapat ituring na problema ang naturang kondisyon. Ito raw ay isyung nasa mental na aspeto ngunit hindi nangangahulugang na wala nang solusyon.

“Some people might think someone with autism acts crazy, has mental problems, physical issues and other stuff. Yes, it’s mental but not a problem, yes it can be physical but it’s not an issue and definitely not crazy.”

“As for Rocket she has the common symptoms like; delayed speech. No eye contact. Difficulty communicating. Can focus on one thing for hours. Repetitive, she does things over and over again like running and flapping her hands.” 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva