August Events Ngayong 2024 Na Pampamilya! Tiyak Na Magugustuhan Ng Kids

Nag-iisip ka ba ng pwede niyong gawin ngayon month for family bonding? Punta na sa mga August events na ito ngayong 2024!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngayong buwan ng Agosto 2024, puno ng kapana-panabik na mga kaganapan ang Pilipinas na tiyak na magugustuhan ng buong pamilya, lalo na ng mga bata. Narito ang ilang August events na maaari ninyong daluhan para sa masayang bonding moments.

August events in the Philippines na pwede niyong puntahan

Nag-iisip ka ba ng pwedeng gawin ngayong August 2024 bilang family bonding niyo? Puwedeng pumunta at mag-enjoy sa mga events na ito sa Philippines ngayong month!

1. Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2024

  • Kailan: August 2-11, 2024 
  • Saan: Ayala Malls Manila Bay at iba pang venues tulad ng Greenbelt, Trinoma, U.P. Town Center, at Market! Market!

Para sa mga pamilyang mahilig sa pelikula, huwag palampasin ang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. Ito ay isang prestihiyosong event kung saan tampok ang mga pelikula ng mga independent filmmaker ng bansa. Makikita dito ang mga makabuluhang pelikula na may iba’t ibang tema at kwento.

 Highlights ng Cinemalaya 2024:

  1. “Alipato at Muog” sa direksyon ni JL Burgos
    Isang dokumentaryo tungkol sa pagkawala ng aktibistang si Jonas Burgos noong 2007.
    Gala night: August 6, 5:00 PM
  2. “Balota” sa direksyon ni Kip Oebanda
    Pinagbibidahan ng celebrity mom na si Marian Rivera. Tungkol ito sa isang guro na boluntaryo sa halalan na tumakbo sa kagubatan upang protektahan ang isang ballot box matapos magkaroon ng karahasan.
    Gala night: August 4, 5:00 PM
  3. “An Errand” sa direksyon ni Dominic Bekaert
    Tungkol sa isang driver na gumagawa ng isang mahalagang utos mula Baguio patungong Maynila habang nabubunyag ang mga lihim.
    Gala night: August 3, 8:30 PM
  4. “Gulay Lang, Manong” sa direksyon ni BC Amparado
    Isang magsasaka ng gulay at isang pulis ang nagsanib-puwersa upang hulihin ang miyembro ng Benguet Marijuana Cartel.
    Gala night: August 5, 8:30 PM
  5. “The Hearing” sa direksyon ni Lawrence Fajardo
    Tungkol ito sa legal na laban ng isang batang bingi na inabuso ng isang makapangyarihang pari.
    Gala night: August 7, 8:30 PM
  6. “Kantil” sa direksyon ni Joshua Caesar Medroso
    Magkasintahang maghihiwalay dahil sa demolisyon ng kanilang nayon, ngunit napigilan ng pagtuklas ng isang alien shell.
    Gala night: August 7, 5:00 PM
  7. “Kono Basho” sa direksyon ni Jaime Pecana II
    Dalawang half-sisters ang nagdadalamhati sa pagkamatay ng kanilang ama sa isang siyudad na bumabangon pa mula sa tsunami.
    Gala night: August 6, 8:30 PM
  8. “Love Child” sa direksyon ni Jonathan Jurilla
    Dalawang batang magkasintahan ang nagpupunyagi kung paano nila palalakihin nang tama ang kanilang anak na may autism.
    Gala night: August 5, 5:00 PM
  9. “Tumandok” sa direksyon nina Richard Salvadico at Arlie Sumagaysay
    Isang komunidad ng Ati sa Iloilo ang lumalaban upang mabawi ang kanilang lupang ninuno na nanganganib makuha.
    Gala night: August 4, 8:30 PM
  10. “The Wedding Dance” sa direksyon ni Julius Lumiqued
    Adaptasyon ng kwento ni Amador T. Daguio, na tumutok sa kultura ng Cordilleras, lalo na sa mga kababaihan sa komunidad.
    Gala night: August 3, 5:00 PM

Siguraduhing mag-book ng tickets sa Ayala Malls Cinema Ticket Booth o sa sureseats.com

2. Asian Festival 2024

  • Kailan: August 2-11, 2024 
  • Saan: Lucky Chinatown

Isang sampung-araw na selebrasyon ng kulturang Asyano na puno ng mga aktibidad na angkop sa buong pamilya, lalo na sa mga anime lover. Walang entrance fee kaya’t maaari itong dayuhin ng buong pamilya nang walang alalahanin sa gastos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Highlights ng August 2024 events na ito:

  • One Piece Karaoke Competition (August 3)
  • Pirate Flag Making Art Contest (August 3)
  • One Piece Cosplay Competition (August 4)
  • AniSong Competition (August 10)
  • Music Pop Icon at Anime Idol Cosplay Competition (August 11)

3. Patrons of the Arts: Hayop at Halaman

  • Kailan: August 17-18, 2024 
  • Saan: Elements at Centris, Quezon Avenue

Isang kakaibang art-centric event na nagpapakita ng mga likha ng mahigit 300 artists na may tema ng fauna at flora. Kung ikaw o ang iyong pamilya ay mahilig sa sining at kalikasan, tiyak na magugustuhan niyo ang “Hayop at Halaman.” Mayroon ding mga aktibidad na pwedeng salihan ng buong pamilya.

Highlights ng August events na ito:

  • Art exhibits
  • Hands-on workshops
  • Art market

Entrance fee ay PHP 100 lamang. Bukas ito mula 10 AM hanggang 8 PM.

4. Adarna House Back to School Warehouse Sale

  • Kailan: August 2-4, 2024 
  • Saan: 109 Scout Fernandez corner Scout Torillo Streets, Barangay Sacred Heart, Quezon City

Para sa mga magulang na naghahanap ng murang mga libro para sa kanilang mga anak, ang Adarna House Warehouse Sale ay tamang-tama. Pwedeng dalahin ang inyong anak sa event na ito ay mag-enjoy sa pagpili ng mga gusto nilang libro. Makatipid ng hanggang 70% sa mga libro at mag-enjoy sa mga prizes at freebies.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Highlights ng August events na ito:

  • Up to 70% off sa mga libro
  • Prizes at freebies

Bukas ito mula 8 AM hanggang 5 PM.

5. Recollex: Retro Games, Toys, and Collectibles Expo

  • Kailan: August 24-25, 2024 
  • Saan: QQ Mall, Quiapo, Manila

Para sa mga batang 90s at kanilang mga anak, ang Recollex Expo ay isang pagkakataon na balikan ang mga paboritong laro, laruan, at collectibles mula sa nakaraan. Magsama-sama ang buong pamilya at makipagtagisan sa iba’t ibang gaming competitions.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Highlights ng August events in the Philippines na ito:

  • Cosplay competition
  • Free play gaming stations
  • Hourly raffles
  • Street Fighter at Smash Brothers tournaments

Makabibili ng ticket sa recollex.helixpay.ph.

Ngayong Agosto 2024, siguradong hindi kayo mauubusan ng mapupuntahan para sa masayang family bonding. Pumili na sa mga August events na ito at gumawa ng mga alaala kasama ang inyong mga mahal sa buhay!

Facebook Events, Cultural Center of the Philippines

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan