Naranasan mo na bang mainis dahil hindi sumang-ayon sa iyo ang asawa mo? Naramdaman mo ba na parang invalidated ka o hindi niya pinapahalagahan ang iyong opinyon? Una sa lahat, normal lang ang away mag-asawa.
May mga pagkakataon talaga na hindi ka papanigan ng iyong asawa at magkakaroon kayo ng hindi pagkakasunduan. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ka na niya mahal. Sa katunayan, dapat nga ay mas matuwa ka kapag ginagawa niya ito. Dahil ibig sabihin ay nakikinig talaga siya sa iyong sinasabi at gusto niyang itama ang mga opinyon mo, sakaling ito ay mali o hindi makabubuti para sa iyo.
Paano mabilis na mareresolba ang away mag-asawa
Dahil mas makikilala niyo pa ang isa’t isa habang tumatagal, malalaman niyo rin na may mga bagay kayong hindi pagkakasunduan. Pero paano nga ba maiiwasan o mas mabilis na mareresolba ang away mag-asawa?
1. Maghanap ng middle ground
Agree to disagree ika nga. Sa lahat naman ng pagkakaiba ay mayroong tinatawag na middle ground. Dapat niyong matutunan na magkasundo sa isang paraan. Kahit pa sa pagpapalaki ito ng anak o pagdedesisyon tungkol sa mga maliliit lang na bagay. Hindi healthy para sa isang relasyon na nagtatago ng mga differences para lang magkasundo.
2. Palalimin ang pag-unawa
Para magwork ang isang relasyon, kailangan niyo pareho ng malalim na pag-intindi. Upang ma-encourage ang iyong partner na maging open sa iyo, dapat mong iparamdam na iniintindi mo siya. Laliman ang iyong pang-unawa dahil kadalasan ay mga mga bagay talaga silang magagawa na hindi mo ikatutuwa. Leave room for errors dahil wala namang perpektong relasyon.
3. Tukuyin kung ano talaga ang problema
‘Wag niyo nang hayaang lumaki ang isang problema. Habang ito ay hindi pa ganoong ka-seryoso, tukuyin na agad kung saan ito nagmumula at ‘wag hayaan na ito ay maipon lang at maging mas malaking issue pa sa hinaharap.
4. Mag-set ng boundaries
Para maiwasang magka-iringan kayo palagi, importante na mayroong boundaries sa inyong relasyon. Hindi naman ibig sabihin na kayo ay mag-asawa ay hindi na kayo maaring magdesisyon para sa inyong sarili. May mga bagay kasi na hindi natin dapat kinokontrol at kung may respeto ka sa boundaries ninyo, hindi na ito magiging issue sa inyo.
5. Respetuhin ang opinyon ng bawat isa
Matutong makinig sa iyong partner. Hindi naman mahalaga kung sa tingin mo ay tama o mali siya. Mas mahalagang maiparamdam mo sa kanya na pinahahalagahan mo ang opinyon niya at nakikinig ka. Isa sa mga pinakamalaking pagkakamali ng mga taong nasa relasyon ay ang pag-i-invalidate ng feelings ng kanilang partner. Madalas kasi, kapag hindi tayo apektado ng isang bagay ay ayaw na lang natin pag-usapan ito.
Paano mapanatili ang peace sa isang relasyon
Anumang pagtatalo, bilang mag-asawa, obligasyon niyo sa isa’t isa na subukan na ayusin ito. Para maiwasan ang madalas na pagtatalo tungkol sa maliliit man o malaking bagay, maging open sa isa’t isa. ‘Wag hayaan na lumilipas ang araw na hindi niyo inaayos ang inyong gusot. Para mapanatili ang peace sa inyong relasyon, siguraduhin na parati niyong nabibigyan ang inyong partner ng assurance. Ang maliliit na bagay kasing ito ang magpapanatili ng inyong love para sa isa’t isa.
SOURCE: Psychology Today
BASAHIN: 9 Genuine signs that your husband is your soulmate