Lalaking ayaw magsuot ng face mask, patay nang mabaril sa checkpoint

Isang magsasaka sa Agusan del Norte ang nabaril ng isang pulis nang uminit ang ulo at mag-amok nang dahil lamang ayaw niyang mag suot ng face mask.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lalaking ayaw mag-face mask, patay matapos umanong manlaban nang pagsabihan siyang magsuot lamang ng face mask.

Lalaking ayaw magsuot ng face mask, patay nang mabaril sa checkpoint

Isang magsasaka sa Agusan del Norte ang nabaril ng isang pulis nang uminit ang ulo dahil ayaw daw sumunod ng magsasaka at magsuot ng face mask.

Ayon sa imbestigasyon, ang magsasakang si Junie Piñar, 63 taong gulang, ay napag-alamang lasing nang dumating sa checkpoint.

Dahil sa nakataas na protocol ngayong COVID-19 outbreak, agad na sinabihan si Piñar na magsuot ng facemask dahil wala itong suot.

Lalaking ayaw mag face mask, patay nang mabaril sa checkpoint | Image from Unsplash

Ngunit sa hindi inaasahan, bigla na lang itong nagalit sa mga barangay health worker at tinangka pang sugurin ang isang tanod ng itak niyang dala-dala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil sa nangyaring kaguluhan, agad na humingi ng tulong ang tanod sa isang pulis na si Sgt. Rolly Llones. Ngunit gaya ng naunang tanod, sinugod rin ng lasing na magsasaka ang pulis.

Ayon sa Provincial Director ng Agusan del Norte Police Provincial Office na si Col. Ramir Perlas, dalawang beses tinangkang tagain ni Piñar ang pulis ngunit nakailag ito. Sa kabila ng warning ng pulis sa suspek, nagpatuloy pa rin ito sa pag-aamok at tila walang naririnig. Dahil na rin sa sunod-sunod na atake, walang nagawa ang pulis kundi paputukan si Piñar.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan si Sgt. Rolly Llones sa Nasipit Police at naglabas na rin ng temporary preventive restriction ang kanyang hepe para sa kanya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lalaking ayaw mag face mask, patay nang mabaril sa checkpoint | Image from Unsplash

Pagsusuot ng face mask, mandatory na

Nitong April 2 lamang, inilabas ang utos patungkol sa pagsusuot ng face mask sa buong Luzon.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, required na magsuot ng face mask o improvised face shields ang sinumang aalis ng kanilang mga bahay.

“For areas placed under ECQ [enhanced community quarantine], the IATF hereby adopts the policy of mandatory wearing by all residents of face masks…whenever allowed to go out of their residences pursuant to existing guidelines issued by the national government,”

Mahigpit nang ipinag-uutos ang pagsusuot ng face mask para sa mga taong nasa labas at wala sa kanilang mga tahanan. Dagdag nila, sinabihan nila ang mga local government unit upang mag labas ng protocol sa pag susuot ng face mask.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang babala naman para sa mga hindi susunod sa utos dahil may karampatang parusa ang mga susuway o makikitang walang suot na face mask.

Lalaking ayaw mag face mask, patay nang mabaril sa checkpoint | Image from Unsplash

Bakit kailangang mag face mask?

Mahalaga ang pag susuot ng face mask lalo na para sa mga taong expose sa labas. Isa kasi itong paraan para makaiwas sa maliliit na droplets na naglalaman ng COVID-19.

Para sa mga nagsusuot ng surgical mask, ang tamang pagsusuot nito ay dapat ang kulay blue na parte ay nasa harap at ang white ang nasa loob. Ang kulay blue ang nagsisilbing tagasala ng mga liquid na tatama sa iyong mukha.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pag uwi ng bahay, itapon agad ang face mask at ‘wag nang hawakan pa ito.

COVID-19 Philippines Update

As of April 5, patuloy na umaakyat ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19. Ngayong araw, 3,246 na ang bilang ng kaso ng coronavirus dito sa Pilipinas. Habang 64 naman ang naka recover at 152 ang mga namatay.

Samantala, ayon naman sa mga health official, asahan pa ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Ito ay dahil marami pa ang mga paparating na resulta na isinagawa sa mga pasyenteng minomonitor.

Narito ang breakdown ng COVID-19 dito sa Pilipinas as of April 5:

CONFIRMED

RECOVERED

DEATHS

3,246 64
152

Samantala, mahigit dalawang linggo na lamang ang natitira bago matapos ang ipinatupad na Enhance Community Quarantine sa buong Luzon. May ilang balita rin na maaari itong maextend pa ng 15-20 days ngunit wala pang opisyal na anunsyo para rito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source: ABS-CBN

BASAHIN: Ang tamang paghugas ng kamay at paggamit ng face mask ayon sa doktor

Sinulat ni

Mach Marciano