TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Nanay: Ayaw bisitahin ng biyenan ko ang newborn baby namin dahil kamukha ko ito

3 min read
Nanay: Ayaw bisitahin ng biyenan ko ang newborn baby namin dahil kamukha ko ito

Narito ang kwento ng isang misis na minabuting huwag nalang pansinin ang pangit na pakikitungo ng kaniyang biyenan at alagaan nalang ang kaniyang pamilya.

Ayaw ng biyenan makita si baby dahil kamukha ito ng kaniyang Mommy. Ito daw bigla ang nangyari ng malaman ng isang lola ang itsura ng kaniyang bagong silang na apo. Kabaligtaran ito ng labis niyang excitement noong hindi pa ipinapanganak ang sanggol. Kuwento ng bagong silang na ina, hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya. Lalo pa’t kung may labis na apektado rito ay ang asawa niya.

ayaw ng biyenan

Image from Pixabay

“Ayaw ng biyenan ko sa baby ko”

Ayon kay Gemma, hindi niya tunay na pangalan halos maiyak daw sa excitement ang biyenan niya noong malaman nito na siya ay nagdadalang-tao sa isang sanggol na babae. May naisip na nga din daw itong pangalan sa kaniyang magiging apo. Halos araw-araw nga din daw itong tumatawag sa kaniyang anak at namomoblema kung paano niya makikita ang kaniyang apo ganoong malayo siya. Pero naisipan na daw ito ng paraan ng kaniyang biyenan at handang-handang na sa pagdating ng baby girl ng kanilang pamilya.

Unang inakala ni Gemma na sa wakas sa pamamagitan ng kaniyang baby girl ay matatapos narin ang gusot sa pagitan nila at ng kaniyang biyenan. Dahil una palang ay hindi na maganda ang pakikitungo nito sa kaniya. Ni hindi nga daw dinalaw nito ang kaniyang anak na lalaki. Hindi akalain ni Gemma na mauulit ito sa anak niyang babae na isinilang na kamukhang-kamukha niya.

Nang manganak daw si Gemma ay agad nagpadala ng group text ang kaniyang asawa sa mga kamag-anak nila kasama ang larawan at birth stats ng anak niya. Pagkakita rito ng kaniyang biyenan ay ang tanging nasabi lang nito ay kamukha ito ni Gemma at tila wala ng interes na makita sa personal ang sanggol at mabisita.

Para kay Gemma ay madaling balewalain ang ipinakitang ugali ng kaniyang biyenan at magpatuloy sa sariling buhay nila. Ngunit ang asawa niya ay patuloy na umaasa na magbabago ang isip nito at magiging maayos rin ang pakikitungo sa kanila. Pero magka-ganoon man, buo na ang desisyon ni Gemma. Hindi siya papapekto sa biyenan niya at aalagaan nalang ang kaniyang pamilya.

Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Gemma? Ano kaya ang gagawin mo?

Sa ating mga Pilipino ay hindi na bago ang hindi pagkakaroon ng maayos na relasyon sa pagitan ng mga mag-biyenan. Ika nga ng iba, hindi naman ang biyenan mo ang aasawahin kung hindi ang anak niya, kaya hindi dapat magpadala o pansinin kung ano mang sasabihin nila.

Dapat isaisip na kayo ay may sariling pamilya na kailangan patakbuhin. At hindi na dapat palakihin at ubusin ang iyong oras sa mga bagay na alam mong hindi magdudulot ng maganda sa iyong pamilya.

Ang pagbabalewala o hindi pagpansin sa mga sinasabi ng iyong biyenan ay hindi naman nangangahulugan sa lahat ng oras na binabastos mo sila. Ito ay isang paraan lang din para mailagay sila sa tama nilang kalagyan o limatahan sila sa panghihimasok ng pagpapatakbo ng iyong pamilya.

Ngunit tandaan na kahit ano pang mangyari ay kailangan mong panatilihin ang iyong respeto at paggalang sa iyong biyenan. Dahil pangit man o hindi kaaya-aya ang trato nila sayo ay sila parin ang magulang ng iyong asawa. Hangga’t kaya ay huwag mag-sawang gawin ang lahat para maging maayos ang pakikitungo sa kanila.

Source: Kid Spot

Photo: Freepik

Basahin: 10 tips para masolusyunan ang problema sa biyenan

 

 

Partner Stories
New to the Mom Game? Celebrate Mother's Day with These Awesome Deals and Activities
New to the Mom Game? Celebrate Mother's Day with These Awesome Deals and Activities
Parents, here's what you should do when your child sees you and your spouse fighting
Parents, here's what you should do when your child sees you and your spouse fighting
#SendLoveWithBebeBata
#SendLoveWithBebeBata
13 Must-haves for Your Online Baby Checkout Checklist
13 Must-haves for Your Online Baby Checkout Checklist

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Parenting
  • /
  • Nanay: Ayaw bisitahin ng biyenan ko ang newborn baby namin dahil kamukha ko ito
Share:
  • "I'm Glad You Shared That": A Simple Phrase That Can Change Your Child's Life Through the Power of Non-Judgmental Listening

    "I'm Glad You Shared That": A Simple Phrase That Can Change Your Child's Life Through the Power of Non-Judgmental Listening

  • How to Communicate with a 2-Year-Old During Tantrums and Meltdowns That Give Moms a Headache

    How to Communicate with a 2-Year-Old During Tantrums and Meltdowns That Give Moms a Headache

  • Teaching Kids to Learn from Problems: 10 Everyday Situations as Examples

    Teaching Kids to Learn from Problems: 10 Everyday Situations as Examples

  • "I'm Glad You Shared That": A Simple Phrase That Can Change Your Child's Life Through the Power of Non-Judgmental Listening

    "I'm Glad You Shared That": A Simple Phrase That Can Change Your Child's Life Through the Power of Non-Judgmental Listening

  • How to Communicate with a 2-Year-Old During Tantrums and Meltdowns That Give Moms a Headache

    How to Communicate with a 2-Year-Old During Tantrums and Meltdowns That Give Moms a Headache

  • Teaching Kids to Learn from Problems: 10 Everyday Situations as Examples

    Teaching Kids to Learn from Problems: 10 Everyday Situations as Examples

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko