Look: Baby Chanco, instant celebrity dahil sa malagong buhok!

Isang Japanese baby ang naging instant internet celebrity dahil sa malago niyang buhok. Tignan ang mga cute pictures ni Baby Chanco dito. | PHOTO: Baby Chanco's Instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Seven months old pa lang si Baby Chanco ngunit mayroon na siyang mahigit na 144,000 na Instagram followers. Naging hit na hit ang kaniyang “hair story” sa internet dahil sa kaniyang malago at mahabang buhok.

Hair story

Pinanganak si Baby Chanco noong December 2017. Madami na talaga siyang buhok. Aliw na aliw ang kaniyang mommy sa kaniyang cute na cute na mala-lion hairstyle kaya ginawan niya ito ng Instagram account noong May, noong limang buwang gulang si Baby Chanco.

Hindi naglaon, naging viral ang mga pictures ng cute na Japanese baby na ito. Dumami ang kaniyang followers. Hindi naman nakapagtataka na magiging instant internet celebrity si Baby Chanco dahil sa kaniyang nakakatuwang buhok na hindi lamang malago, nakatayo pa!

Sa mga pictures na pinost ng kaniyang mommy, pinapakita siyang natutulog, naglalaro, at kumakain. Minsan nilalagyan siya ng mga cute na mga clip at pantali ng kaniyang mommy. Ngunit karamihan ng pictures niya ay nakalugay lamang ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Manghang-mangha ang mga netizens kung paano siya nagkaroon ng ganito kadaming buhok! Wala pang pormal na interview ang kaniyang magulang pero na-feature na si Baby Chanco sa iba’t ibang international websites katulad ng Allure at Today.

Ang kaniyang “hair story,” kung tawagin ng kaniyang mommy, ay gumagawa ng history!

Narito ang ilan sa mga paborito naming mga pictures ni Baby Chanco:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Isinaling ng may pahintulot mula sa wikang Ingles ni Candice Venturanza
https://sg.theasianparent.com/baby-chanco

Malago rin ba ang buhok ng baby mo? Narito ang ilang tips sa pagpapaligo sa newborn mo!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Nalika Unantenne