Sa pag-aaral na isinagawa sa Italy, dito nakakita ng matibay at malakas na ebidensya na may nangyayaring transmission mula infected na nanay papunta sa kanyang unborn child.
Ang study na ito ay kabilang ang 31 na buntis na nagpositibo sa COVID-19 at na-ospital dahil dito. Nakita rin na present ang virus sa placenta, umbilical cord, breast milk at ari ng babae.
Ayon sa lead study author ng pag-aaral at mula sa University of Milan. na si Claudio Fenizia, mataas ang bilang ng mga posibleng positibo na babae sa COVID-19.
“Given the number of infected people worldwide, the number of women that could be affected by this could be potentially very high.”
Dagdag pa nito na posible ang in-vitro transmission dito ngunit masyado pang maaga para magsabi ng risk at iba pa nitong potential consequences.
“Although in utero transmission seems to be possible, it is too early to clearly assess the risk and potential consequences.”
Bukod dito, pinapayo pa rin ng World Health Organization (WHO) na kailangan pa ring magbigay ng gatas ang ina na positibo sa COVID-19 sa kanilang mga anak.
“We know that children are at relatively low-risk of COVID-19. But are at high risk of numerous other diseases and conditions that breastfeeding prevents.”
Paano nahawa ang sanggol sa COVID
Sa ginawang contact tracing, napag-alaman na nahawa ang sanggol sa kanilang kapitbahay na bumisita sa kanya noong kapapanganak pa lang sa kanya.
Ayon din sa taskforce, maraming kapitbahay ang dumalaw sa kanila noon at hinawakan o kinarga pa nga ang sanggol. Nagpakita naman kaagad ang sanggol ng mga sintomas ng COVID tulad ng lagnat, ubo at kahirapan sa paghinga.
Sagot naman ng taskforce kung paano nakalusot ang ganito,
“There were a number of patients under surveillance (PDP) and people who had tested positive [for the virus] who continued their daily activities and did not self-isolate in Tlanakan district.”
Ayon naman sa Jakarta Post,
“PDP is a designation for people who have symptoms consistent with COVID-19 but whose illness has not been confirmed, meaning they are awaiting either testing or test results.”
Sintomas ng COVID-19 sa baby
Sa kasalukuyan, base sa bilang ng kaso ng sakit sa buong mundo, ang mga baby at mga bata ang hindi pinaka-apektado ng sakit na COVID-19. Dahil karamihan sa mga tinamaan ng sakit ay mga matatandang 60-anyos pataas at ang iba pang may iniinda ng karamdaman o mahina na ang immune system.
Ayon nga sa isang pahayag ng CDC sa kanilang website ay sinabi nilang bagamat may mga naitalang kaso ng mga sanggol at batang nag-positibo sa coronavirus ay hindi naman daw nakaranas ang mga ito ng mga malalang sintomas kumpara sa mga matatandang tinamaan ng sakit.
Bagamat dagdag nila ay hindi naman naiiba ang nararanasang sintomas ng COVID 19 sa baby at matanda. Ang mga sanggol na nag-positibo sa sakit ay naiulat na nahihirapang makahinga, may ubo, lagnat at nagsusuka.
Source:
Basahin: