Normal bang sinisinok si baby sa loob ng tiyan ng buntis?

Normal bang sinisinok si baby sa loob ng tiyan ng buntis?

Baby hiccups inside the womb: Ang sinok ni baby ay normal at bahagi lamang ng pregnancy journey ni mom. Ngunit kung ito ay lumakas, dapat na bang magalala?

Baby hiccups inside the womb

Ang pagbibilang ng sipa o movement ni baby ay tiyan ay isang tagpong hindi mapapalampas ng mom-to-be. Walang makakapantay na bagay kapag naramdaman na ni mommy ang mga galaw na ito. Isama pa si daddy na minsan ay hindi maramdaman ang mga galaw dahil biglang titigil sa pagsipa si baby.

Mahalaga ang pagbibilang ng galaw o sipa ni baby sa tiyan dahil isa itong paraan kung paano malalaman na healthy at active si baby sa loob. Dahil ayon sa maraming pag-aaral, ang paghina ng galaw o biglang pagbabago ng pattern ng fetus ay isang senyales na hindi okay si baby sa loob. Kaya mahalaga na i-monitor at bantayang maigi ang mga maaaring pagbabago sa galaw ni baby.

Sa pagbibilang ng sipa ni baby, kailangan ay maka sampung galaw ang bata sa loob ng 2 hours. Maganda kung may listahan ka o tinatawag na fetal kick chart para maayos ang pag monitor dito.

baby-hiccups-inside-the-womb

Baby hiccups inside the womb | Image from Freepik

Pero para sa mga first time mom, mahirap para sa kanila na malaman kung galaw ba ito o sinisinok lang si baby sa tiyan. May pagkakataon rin na sobrang sinukin si baby. Ang tanong ng mga mommy normal ba na sinisinok si baby sa tiyan?

Baby hiccups inside the womb: Normal ba ito?

Unang mararamdaman ang pagsinok ni baby sa tyan pagsapit ng 2nd o 3rd trimester ng isang pregnant mom.

Normal ang pagkakaroon ng sinok ni baby dahil ito ay parte ng pag mature ng kanyang lungs. Kung mapapansin mo, ang hiccups ni baby ay ilang beses din na mararamdaman sa isang araw. ‘Wag kang mag-alala mommy dahil ito ay normal lang at bahagi lang talaga ng pregnancy journey mo.

Sa halip, ang pagsinok ni baby ay isang magangang senyales na ito ay active.

Paano malalaman kung ito ay kick o sinok ni baby?

Ang pag galaw ni baby sa tyan ay isang magandang sign na healthy si baby. Pero minsan mahirap malaman kung si baby ba ay umikot, sumipa o suminok lang.

baby-hiccups-inside-the-womb

Sinisinok si baby sa tiyan | Image from Freepik

Kadalasang gumagalaw si baby kapag hindi ito komportable sa kanyang position. Minsan din ay hindi nila maiwasang gumalaw kapag kumakain ka lalo na kapag mainit at malamig ang kinain ni mommy.

Kung nararamdaman mo pa rin ang tila pagtibok na galaw ni baby, ito ay maaaring pagsinok lang niya.

Fetal hiccups complications

Gaya ng ating sinabi, ang pagsinok ni baby ay normal para sakanila. Ito rin ay bahagi ng pregnancy journey ni mommy. Pero sa ibang kaso, kung ang sinok ni baby ay nagiging madalas o kakaiba, ito ay maaaring senyales ng problema sa kanilang umbilical cord.

Nangyayari ito kapag humina o hindi na nagiging sapat ang dugo at oxygen na pumupunta kay baby. Sa malalang kaso, ang sobra sobra at kakaibang sinok ni baby dahil sa umbilical cord ay maaring magdala sa inyo sa stillbirth.

Komplikasyon ng cord:

  • Stillbirth
  • Damage sa brain
  • Pag iiba ng heart rate ng bata
  • Pag iiba ng blood pressure ng bata
baby-hiccups-inside-the-womb

Baby hiccups inside the womb | Image from Dreamstime

Baby hiccups inside the womb: Kailan dapat mag-alala?

Kung mapapansin mo ang biglang pagbago o paglakas ng pagsinok ni baby s iyong tyan pagkatapos ng iyong 28th week, ‘wag magdalawang isip na pumunta o magpakonsulta sa iyong doctor para masuri si baby at matignan kung may dapat bang ipangamba.

 

Source:

Medical news Today

BASAHIN:

Ilang beses ba dapat sumipa si baby sa loob ng tiyan?

Sipa ni baby sa tiyan: Paano bibilangin at kailan dapat mag-alala?

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.


May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

app info
get app banner