Nararamdaman mo na ba ang mga sipa ng iyong anak? Ilang months bago maramdaman ang paggalaw ng baby sa tiyan? Alamin kung bakit mo kailangang bantayan ang paggalaw ni baby sa tiyan.
Ilang months bago maramdaman ang paggalaw ng baby sa tiyan?
Naalala mo ba ang unang beses na sumipa si baby sa loob ng iyong tiyan?
Mula sa panahong nakakaramdam ka na ng kiliti galing sa maliliit na galaw, hanggang sa malalakas na suntok at tadyak ni baby, isa ito sa mga ‘di malilimutang sandali ng pagbubuntis.
Pero alam mo ba na ang pagbibilang ng mga paggalaw ng baby sa tiyan ay nakakatulong din para malaman ang lagay ng iyong anak sa iyong sinapupunan?
Ilang months bago maramdaman ang paggalaw ng baby sa tiyan?
Mahalagang bantayan ang paggalaw ng sanggol sa iyong tiyan kapag nagsimula na ang ikatlong trimester, dahil ang pag-iiba ng galaw ng bata ay maaaring senyales ng pagkabalisa ng iyong sanggol.
Bilang isang ina, araw-araw mo nang nararamdaman ang paggalaw ng baby sa tiyan partikular ang mga malalakas na sipa nito. Kaya naman nalalaman mo na ang kaibahan ng normal, regular at hindi.
Madalas naming naririnig mula sa ibang nanay na napanatili nilang ligtas ang kanilang anak dahil binilang nila ang bawat sipa ng kanilang baby sa kanilang pagbubuntis. Dahil rito, naipapaalam agad nila ang mga hindi pangkaraniwang kinikilos ng kanilang baby at naikonsulta sa doktor sa tamang oras.
Paggalaw ng baby sa tiyan | Image from Freepik
Ilang months bago maramdaman ang paggalaw ng baby sa tiyan?
Ang paggalaw ng baby sa tiyan ay karaniwang nararamdaman ng isang ina kapag apat hanggang anim na buwan na ang kaniyang tiyan. Magkaiba kung ilang months bago maramdaman ng isang ina ang paggalaw ng kaniyang baby sa tiyan kaysa sa paggalaw ng baby na mararamdaman na ng sino mang hahawak sa tiyan ni mommy.
Ibig sabihin, maaaring maramdaman mo ang paggalaw ni baby sa iyong sinapupunan kahit na hindi pa ito nararamdaman ng sino man sa pamamagitan ng paghawak sa iyong tiyan.
Kung panganay naman ang iyong pinagbubuntis, iba rin kung ilang months bago mo maramdaman ang paggalaw ng baby sa tiyan. Kadalasang walang mararamdamang movement ni baby hanggang sa ika-20 weeks o 5 months.
Kapag nasa ika-24 linggo na ang iyong pagbubuntis pero hindi mo pa rin nararamdaman ang paggalaw ng baby sa iyong tiyan, mahalagang kumonsulta sa iyong midwife o doktor para matingnan nito ang heartbeat at movements ng baby.
Sa umpisa ay gentle ang paggalaw ng baby sa iyong tiyan. Habang tumatagal ang pagbubuntis ay mas lumilikot ito at makararamdam ka na rin ng pagsipa ni baby sa iyong tiyan.
Ano ang pakiramdam ng pagsipa ng baby sa tiyan?
Ayon sa Web MD, inilalarawan ng mga buntis ang paggalaw ng baby sa kanilang sinapupunan na parang may mga paruparo umano sa kanilang tiyan.
Bukod pa rito, may nervous twitches o tumbling motion din daw sa kanilang sinapupunan. Para sa mga first time mom, medyo mahirap pa umanong malaman kung ang nararamdamang motion sa tiyan ay paggalaw ng baby o hindi.
Pero para sa mga mommy na higit isang beses nang nabuntis ay kabisado na ang paggalaw ng baby at kaya na niyang malaman kung ang internal motions ba ay galaw ni baby, gas, o gutom lamang.
Sa 2nd trimester hanggang third trimester ng iyong pregnancy ay mas distinct na ang movements ni baby. Dito mon a mas mararamdaman ang pagsipa, pagsuntok, at pagsiko niya sa iyong sinapupunan.
Paggalaw ng baby sa tiyan: Bakit mahalaga ang sipa ng baby?
Makakaiwas sa stillbirth
Tinatawag na stillbirth kapag wala nang buhay ang bata sa loob ng iyong tiyan kapag siya ay ipinanganak kahit lagpas na siya ng 20 linggo.
Hindi inaasahan ang ganitong pangyayari, ngunit minsan ay maaari ring mapigilan at maiwasan sa pamamagitan ng pagbabantay at pagbibilang ng sipa ni baby. Ito ay para makasiguro na magiging mababa ang risk factor ng stillborn.
Ayon sa Count the Kicks, isang stillbirth prevention public health campaign mula sa Amerika, bumaba ng 32 porsyento ang kaso ng stillbirth nang nagbilang ang mga nanay ng sipa at paggalaw ng kanilang anak sa kanilang tiyan. Umabot sa 24 libong sanggol ang naliligtas mula sa posibildad ng stillbirth kada taon sa US.
“Statistically, that means 1 out of every 167 pregnancies ends in stillbirth. For African American mums, that number is even more alarming – 1 in 94!”
Sa isang isinagawang pag-aaral, 50 porsiyento ng kababaihan ay namatayan ng sanggol dahil sa stillbirth. Napag-alaman din na naramdaman nila ang pag-iiba ng kilos ng kanilang baby ilang araw bago makunan.
Ito ang nagpapatunay na ang maraming kaso ng stillbirth ay hindi biglaan at maaari mo pang maligtas ang iyong baby lalo na kung napapansing mo na ang mga warning signs at nalalamaan mo kung ano ang normal sa hindi ng paggalaw ng baby sa tiyan.
Sa katunayan, ang unti-unting paghina ng galaw ng fetus sa tyan ay isang early sign. Habang ang heartbeat ng bata ang mahuhuli.
Ang pagbantay sa galaw ng iyong baby ay para ma-detect mo ang mga maaaring pagbabago o kakaibang pattern nito. Kadalasan, ito ay nagpapakita ng senyales na may problema sa iyong anak bago humina ng tuluyan ang heartbeat ng fetus. Ang tanging oras lamang na maliligtas mo ang iyong baby ay kapag naramdaman mo na ang pagbabago sa galaw at pattern nito.
Paggalaw ng baby sa tiyan | Image from Freepik
Kaya naman mahalagang i-monitor ng mga nanay ang paggalaw ng kanilang baby araw-araw. Dagdag pa rito, nakakatulong din ang pagbilang ng paggalaw ng baby sa tiyan sa bonding ninyo.
Ito ang special time ninyo ni baby kaya naman magfocus sa galaw nito. Maaaring ito ang unang hakbang mo kung nais mong makahanap ng opportunity sa family time kasama si baby. Maaari mo ring isama ang iyong asawa at iba mo pang anak! Mapapatibay ang inyong pagsasama at mapapanatili ang strong connection sa bawat isa.
Paggalaw ng baby sa tiyan: Paano i-track ang sipa ng baby?
Pinapayuhan ang mga buntis na magsimulang magbilang ng pagsipa ni baby sa kanilang ika-28 linggo ng pagbubuntis o kaya naman sa ika-26 linggo kung ikaw ay high risk at kambal ang ipinagbubuntus.
Subalit kahit ang ibang normal na pagbubuntis ay nagkakaroon pa rin ng problema. May pagkakataong nakakaranas ng distress si baby at hindi nagpapakita ng warning signs. Kapag hindi masyadong magalaw si baby, kailangan mo na ng agarang aksyon para rito.
Ang pagkakaroon ng record sa iyong baby araw-araw ay makakatulong sa iyo upang malaman ang kondisyon nya. Maaari mo rin itong ipakita sa iyong OB-GYN kung may napapansin kang kakaiba rito.
Sobrang galaw ni baby sa tiyan
Ayon kay Dr. Rebecca Singson, isang OB-gynecologist mula sa Makati Medical Center, importante na bilangin mo ang fetal kicks pagsipa ni baby para masiguro mo bilang nanay kung mayroong kakaiba sa ikinikilos ng iyong anak.
Ikaw umano bilang nanay ang makakaramdam sa normal na pag galaw ng baby sa tiyan o sobrang galaw ni baby sa tiyan.
“Kasi they found na kapag siyempre pag-increase or decrease ‘yong fetal kicks, kapag sobrang likot ni baby alam mo naman kung ano ‘yong normal na galaw ni baby as a mother you have that instinct.”
Kung nararamdaman mong masyadong malikot ang baby sa loob ng iyong tiyan o sobrang galaw ni baby sa tiyan, maaari itong senyales ng pagkabalisa at problema.
“Kapag sobrang likot ni baby, maaaring nara-wrap ‘yong cord around at nagpupumiglas siya to get free. Puwede rin namang nagsi-seizures si baby and nag-hypoxia kaya naging malikot na siya. Or kapag anxious si Mommy puwede ring maging cause ‘yan for increase ng galaw ni baby.” paliwanag ni Doc Becky.
Maaari ring epekto ng komplikasyon sa iyong pagbubuntis kapag hindi masyadong gumagalaw ang iyong anak sa loob ng tiyan, kaya importanteng mai-report ito sa iyong doktor.
“Kapag decrease, usually ‘yan ang mga signs ng fetal distress. Usually, nakikita natin ‘yan kapag si Mommy may preeclampsia, hypertension o impending abruption ng placenta. Pwede ‘yan na ang first sign na nakikita ‘yong nagde-decrease ‘yong fetal movements. You really have to report that.
Kasi kapag meron nun then you have to go through ultrasound monitoring or ‘yung tinatawag na test of fetal well-being para ma-evaluate kung okay pa ba si baby o hindi, so naagapan.” dagdag ng doktor.
Gaano kadalas ang normal na pag galaw ng baby sa tiyan?
Ayon sa Web MD, sa umpisa ay panaka-naka o paminsan-minsan lang ang paggalaw ng iyong baby sa tiyan. Pero habang lumalaki si baby o habang nadaragdagan ang buwan na nasa sinapupunan mo ito ay mas dadalas na rin ang paggalaw ni baby. Karaniwang sa second trimester ay mas malakas at mas madalas na ang pagsipa ni baby.
Mayroon umanong pag-aaral kung saan nabatid na sa 3rd trimester ng pregnancy ay mas madalas ang galaw ng sanggol. Sa panahong ito ay posibleng gumalaw ang baby nang 30 times kada oras.
May certain time din daw kung kailan posibleng sumipa si baby, nakadepende ito kung tulog siya o active. Karaniwan umanong active ang baby nang 9 p.m at 1 a.m, kung kailan naman oras ng iyong pagtulog.
Sa 3rd trimester din ay kaya nang tumugon ng baby sa mga tunog at paghawak sa iyong tiyan, sa pamamagitan ng kaniyang pagsipa o paggalaw.
Tips para matrack ang sipa ng baby
Narito ang ilang tips na makakatulong sa ‘yo upang mapadali ang pagbibilang ng sipa ni baby:
- Pumili ng isang oras sa isang araw kung kailan mo bibilangin ang paggalaw ni baby.
- Gumamit ng online resources at mga available na app na makakatulong sa ‘yong ma-track ang paggalaw ng baby sa tiyan. Accesible ito dahil digitised at madali mong maipapakita sa ob-gyn mo. Ang theAsianparent’s Kick Counter ay isa sa mga pwede mong gamitin.
- Magsimula sa ika-28 linggo ng iyong pagbubuntis. Bilangin ang galaw ni baby araw-araw at oras oras.
- Ang bawat baby ay magkakaiba. Kaya naman magbilang ng sipa kapag ang iyong baby ay active o nararamdaman mong malakas ang galaw niya.
- Dapat hindi bumaba sa 10 ang sipa ni baby sa loob ng isang oras.
- Komportableng umupo habang ang paa mo ay nakataas o nakalagay sa gilid habang binibilang ang galaw. Kasama na rito ang sipa, rolls, pagsundot at suntok. Pero hindi kasama ang pagdighay.
- Bilangin din kung gaano katagal si baby bago makagawa ng 10 movements.
- Halos lahat ng kaso ay nagkakaroon ng 10 sipa sa loob ng kalahating oras. Pero bawat baby ay iba-iba.
- Ang regular na pagmo-monitor ng galaw ni baby ay makakatulong sa ‘yo upang makagawa ng pattern kung anong normal sa iyong anak. Kung sakali mang mapansin ang pag-iiba ng galaw, pwede mo agad itong sabihin sa iyong ob-gyn.
- Siguraduhing bilangin ang paggalaw ng baby sa tiyan araw-araw ng walang palya.
Hindi masyadong magalaw si baby: Kailan ako dapat pumunta sa doctor?
Normal na pag galaw ng baby sa tiyan
Ang salitang ‘normal’ ay iba-iba para sa mga sanggol dahil ang activity patterns nila ay unique at magkakaiba. Ang pagbabantay ng bilang ng paggalaw ng baby sa tiyan ay makakatulong sa ‘yo upang malaman kung ano ang kasalukuyang lagay ng iyong anak sa iyong tiyan.
Lahat ng hindi kasama sa ‘ordinary’ ay maaaring maging senyales ng problema o komplikasyon at oras kung kailan ka pupunta sa iyong doktor.
Paggalaw ng baby sa tiyan | Image from Freepik
Komunsulta sa iyong ob-gyn kapag:
- Kung mayroong pagbabago sa movement pattern. Ito ay kapag matagal maka 10 kicks si baby than the normal.
- Kahit anong pagbabago sa lakas ng paggalaw ng baby sa tiyan. Ito ay kapag napansin mong mahina ang ang kanyang pagsipa. Ang ganitong klase ng pagbabago ay mahalagang pagtuunan ng pansin. Hindi mo kailangang maghintay ng iba pa kapag napansin ito o kaya naman hindi na naramdaman ang galaw ni baby sa tiyan. Kailangan mo na agad pumunta sa doktor.
- Kapag nakaramdam na parang may kakaiba sa paggalaw ng baby sa tiyan. Kung nag-aalala, tawagan ang iyong doktor! Bigyang pansin ang kutob ng isang ina. Maaaring may dahilan at kadalasang tama!
Kung palagi mong binibilang ang paggalaw ni baby sa isang araw, kailangan ay maging kapareho nito ang paggalaw kinabukasan o kung paano siya nakakagawa ng 10 movements.
Tandaan, lahat ng hindi kasama sa salitang ‘ordinary’, lahat ng kakaiba at kasama na ang mommy-instinct at gut feeling ay kailangang bigyan ng pansin at ‘wag balewalain. Maaari itong maging vital signs na ang iyong baby ay hindi maayos at unang hakbang para maligtas ang iyong anak.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Karagdagang impormasyon isinulat ni Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!