X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Totoo nga ba ang mother's instinct? Heto ang pananaw ng mga expert

4 min read

Tumutukoy ang mother’s instinct sa kakayahan ng nanay na mag-response o makaramdam agad sa pangangailangan ng kanilang mga anak, o hindi kaya ay kung may kinakaharap itong challenges. Alamin natin kung ano ang tingin dito ng mga eksperto.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Mother’s instincts nag-exist nga ba? Heto ang sabi ng experts
  • Strategies that will help you cope with mommy stress

Mother’s instincts nag-exist nga ba? Heto ang sabi ng experts

baby buhat ng nanay - mothers instinct

Nagdudulot ng labis na pressure ang mother’s instinct dahil sa pagtingin ng lipunan dito | Larawan mula sa Pexels

Sikat na sikat ang ang ‘mother’s instincts’ na kaisipan para sa parents at soon-to-be parents. Ang pagkakaroon ng instinctive desire ng babae kung paano dapat alagaan ang bata ay madalas na ini-expect ng lipunan. Ano nga ba ang mother’s instinct at bakit ito napasa-pasa sa kada henerasyon?

Ano nga ba ang mother’s instinct?

Sa pagbibigay ng kahulugan ni Dr. Catherine Monk, isang psychologist at professor ng medical psychology sa Columbia University Medical Center, tumutukoy raw ang mother’s instinct sa inborn o natural na kakayahan ng isang nanay sa isang certain na stimuli.

“The word instinct refers to something innate — inborn or natural — involving a fixed behavioral response in the context of certain stimuli,”

Ito raw ang pagtingin ng lipunan na automatic nang mayroong part sa isang nanay ang ilan sa caregiving behaviors. Mother’s instinct din ang nagtulak sa mga tao na kinakailangan nilang mag-anak dahil alam naman na nila ang gagawin once na lumabas na si baby. Sa panahong ito nagki-kick-in daw ang instinct at instant na feelings ng motherly love.

Dahil daw dito, nagdudulot pa ng labis na pressure ang ganitong pagtingin sa mga nanay. Kaya tuloy nakakaramdam ng matinding pressure ang maraming mother dahil dito.

Kaya nga ayon din kay Monk, exaggeration din daw ang ganitong pagtingin.

paa ng baby - mothers instinct

“To manage this kind of pressure, it’s important for moms and moms-to-be to remember that parenting is absolutely a learned behavior.” | Larawan mula sa Pexels

“The idea of a maternal instinct can be quite exaggerated.”

Makikita ang masamang epekto ng mother’s instinct sa iba’t ibang paraan, kabilang na diyan ang:

  • Nakaka-contribute sa postpartum depression dahil sa labis na pressure na dala nito.
  • Madalas na maramdaman ng mommies ang failure kapag hindi na-meet ang expectations.
  • Pagkaramdam ng pagsisisi sa sarili o self-blaming.
  • Pagkaramdam ng labis na pagkahiya sa sarili.
  • Pagkakaroon ng feeling na hindi parating enough para maging ina.

Pagpapayo pa ni Monk, mahalaga raw na malaman ng mommies na ang parenting ay natututunan at hindi basta-basta na lang nakukuha once na magkaroon ng anak.

“To manage this kind of pressure, it’s important for moms and moms-to-be to remember that parenting is absolutely a learned behavior with significant influences from the past and a lot of opportunities to gain new influences and training in the present. There is no one way to be a good mom,”

Strategies that will help you cope with mommy stress

baby yakap ng nanay - mothers instinct

Mga paraan paano mamanage nang maayos ang mother stress | Larawan mula sa Pexels

Imposibleng mommy ka at hindi ka pa na-stress, lahat pagdadaanan ang ganitong problema. Marami na kasing responsibilities ang kailangan mo nang intindihin at isipin lalo at mayroon ka nang anak. Ayon sa ilang pag-aaral, malaking factor daw ang pagmamanage ng stress upang magkaroon ng magandang relasyon sa anak.

Narito ang ilang strategies na maaaring makatulong sa iyo upang hindi gaanong mastress bilang nanay:

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!
  • Alamin ang signs ng stress sa iyo. Mahalagang nagbibigay pansin sa mga senyales na ikaw ay stress na. Dapat lang na inaalam mo ito ang physical signs upang malaman kung ano ang sinasabi ng katawan mo sa iyo. Nakakadagdag kasi ito sa maaaring maging mood at pakikitungo mo sa mga nakapaligid sa iyo.
  • Bigyan ng “me time” ang sarili. Hindi ka dapat nakokonsensya sa tuwing nagpapahinga dahil okay lang ito sa maraming pagkakataon. Huwag maguilty na binibigyang time ang sarili dahil kailangan mo ito. Hangga’t ligtas ang iyong mga anak sa iyong pagpapahinga ay ayos lamang ito. Maaari i-try ang meditation, relaxation techniques, at abdominal breathing.
  • Humanap ng activity na maaaring gawin as a family. Magandang nag-iisip kayo bilang pamilya ng partikular na ctivity na maaari ninyong maenjoy together. Kahit ang simpleng walking, biking, jogging, o swimming ay magandang way na para magkaroon kayo ng bonding.
  • Humanap ng support group o community. Malaking tulong ang paghahanap ng grupo ng tao o kakilala na may kaparehang pinagdadaanan sa iyo. May mga kaparehong nanay ka rin kasi na pinagdadaanan ang ganyang kalagayan na may kakayanang bigyan ka ng payo kung ano ang ginawa nila dito. Maaari ka ring makakuha ng positive feedbacks o validation mula sa mga grupong ito.

Healthline, Intermountain Healthcare

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Totoo nga ba ang mother's instinct? Heto ang pananaw ng mga expert
Share:
  • 5 posibleng rason kung bakit hindi na masaya ang mag-asawa sa pagsasama

    5 posibleng rason kung bakit hindi na masaya ang mag-asawa sa pagsasama

  • 7 paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa anak

    7 paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa anak

  • May problema ba kayo sa pagtatalik ng iyong asawa? Ito ang dapat mong gawin!

    May problema ba kayo sa pagtatalik ng iyong asawa? Ito ang dapat mong gawin!

  • 5 posibleng rason kung bakit hindi na masaya ang mag-asawa sa pagsasama

    5 posibleng rason kung bakit hindi na masaya ang mag-asawa sa pagsasama

  • 7 paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa anak

    7 paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa anak

  • May problema ba kayo sa pagtatalik ng iyong asawa? Ito ang dapat mong gawin!

    May problema ba kayo sa pagtatalik ng iyong asawa? Ito ang dapat mong gawin!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.