Hindi habang buhay ay kasama ka ng mga anak mo bilang magulang para magabayan sila. Kaya ngayon pa lang mahalagang turuan maging matatag ang bata upang handa sila sa pagsubok ng buhay.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Turuan maging matatag ang bata sa pamamagitan ng mga paraang ito
- Garner’s Multiple Intelligence theory and how it can help your child
Turuan maging matatag ang bata sa pamamagitan ng mga paraang ito
Larawan mula sa Pexels
Pangunahing role naman talaga ng magulang na bigyang aruga at magabayan nang maayos ang kanilang mga anak. Magiging malaking factor kasi sila hanggang sa adulting stage ng kanilang mga anak. Sa kabilang banda, kahit pa gustuhin ng parents na maging present 24/7 sa kanila ay hindi ito posible. Darating talaga sa puntong kailangan din tumayo ng mga bata sa sarili nilang mga paa.
Sa paglipas ng panahon, maraming bagay ang matutunan ng bata kasabay nito ang mas maraming pagsubok na nakaabang sa kanilang pagtanda. Mahalagang mabigyan kaagad ng parents ng lakas ng loob ang bata na tumindig sa sarili niyang paa. Dahil diyan, narito ang ilang mga paraan upang turuan maging matatag ang bata:
Turuan maging matatag ang bata sa pamamagitan ng mga paraang ito | Larawan mula sa Pexels
Gabayan sila na ma-process nila ang kanilang mga emosyon.
Isa sa nakaka-worry para sa bata ay kung paano nila mina-manage ang kanilang emosyon. Sa mga bata, hirap pa itong ituro dahil ang unang action na gagawin nila ay kung ano ang nangingibabaw na emosyon. Kung sakaling nalulungkot ay bigla na lang silang iiyak, kung excited ay magiging masaya at kung ano pa man.
Dito dapat natuturuan din ang bata na iproseso ng maayos ang kanilang mga emosyon at dapat hindi sila madaling madala nito. Paalalahanan siyang may mga maling desisyon na nagagawa kung nagpapadala sa emosyon ang isang tao.
Pagpapalakas ng kanilang self-confidence at self-esteem.
Mainam na unang gawin upang matuto silang tumayo na sa sariling paa ay ang pagpapataas ng kumpiyansa nila sa kanilang sarili. Kadalasan kasi sa mga batang hindi kayang harapin ang challenge sa maraming bagay ay sila rin ang may mga mababang self-confidence at self-esteem.
Try to help them by reminding how good they are to certain things. Sabihan sila kung gaano sila kagaling sa maraming bagay upang mag-boost lalo ang tiwala nila sa sarili na kaya rin nilang magsolve ng mga problema.
I-empower ang bata sa kung paanong paraan sila magkakaroon ng sariling coping strategy.
Iba-iba ang paraan ng mga tao sa pagsosolve ng problema, ganoon din sa mga bata. Hindi dapat pinipilit sa kanila kung paano mo hinaharap ang sarili mong problema, hayaan silang ma-discover nila ito all by themselves.
Maaaring magbahagi ng experience kung paano mo ito sinosolusyunan at hayaan silang i-explore ang sarili nilang technique sa pagcocope. Hayaang sila kung paano nila ise-set ang pace, tone at magigin outcome ng kanilang desisyon na gagawin.
Bigyan sila ng time and space sa mga bagay-bagay.
Mahalagang maturuan ang iyong anak patungkol sa pagseset ng boundaries kahit pa sa inyong mga magulang. Dito kasi magkakaroon ng chance na mas matuto siya dahil mas makapag-iisip siya nang mag-isa. Kailangan i-encourage mo siya ng magset pana-panahon ng time niya para sa self-reflection at alamin kung ano ba ang mga nagawa niya need ng improvement at alin naman dito ang umunlad mula ng last reflection niya.
Magandang practice ito dahil nakikita at namomonitor niya ang kanyang mga actions.
Garner’s Multiple Intelligence theory and how it can help your child
Garner’s Multiple Intelligence theory and how it can help your child | Larawan mula sa Pexels
Isa rin daw sa maaaring makatulong para sa pagbuo ng coping strategies ng bata ay ang theory ni Howard Garner na multiple intelligences noong 1983:
- Visual or spatial – Tulungan silang maging hands-on sa art sa pammagitan ng pagpapagamit ng iba’t ibang medium. Maaaring suportahan din silang magbasa upang maimprove ang kanilang visual interpretations.
- Linguistic – I-push silang mag-practice sa kanilang writing skills at bumuo ng poetry, songs, o kahit letters.
- Physical or kinesthetic – Pwede rin naman i-try ang physical activities such as cardio, dance, and martial arts.
- Musical – Isa rin sa magandang way ang maengage sila sa pagpe-play ng instrument upang makabuo ng rhythms and sounds.
- Logical – Dito naman mate-train ang bata sa kayang problem-solving skills kaya maganda na suportahan silang bumuo ng mind maps o kaya naman ay matutunan ang researching.
- Interpersonal – Good way rin na ma-expose siya sa discussions o peer groups na maaaring matulungan siyang mag-connect deeply sa ibang mga tao.
- Intrapersonal – Katulad ng pagturo lamang sa kanya sa self-reflection, ganito lang din ang need gawin dito upang matutunan niya ang healing from within.
- Naturalistic – For natural experience, pwede ring subukan ang nature walks or trips.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!