Kabilang sa pagbabagong pagdaraanan ng buntis na nanay ang pagiging emotional. Para sa experts maganda raw ito para sa inyong mga anak.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Emotional si mommy? Maganda raw ito para sa iyong anak ayon sa experts
- First time mommies: What you need to know
Emotional si mommy? Maganda raw ito para sa iyong anak ayon sa experts
Mahirap ang maging isang ina. Magmula sa expectation ng lipunan, sa pagbubuntis, at maging sa pagiging magulang. Sa pagdadalang-tao pa lamang, sangkatutak na pagbabago na pagdaraanan ng physical, mental, at emotional health ng isang ina. Ayon sa experts ang mga pagbabagong ito ay upang mapaghandaan ng isang babae ang parenthood.
Sa isang bagong pag-aaral, nakita ng researchers na maaaring maging maganda raw ang epekto ng pagiging emotional ng mommy sa kanilang anak. Tiningnan nila ito mula sa 700 na nanay at anak mula sa iba’t ibang bansa.
Nalaman nilang mabilis na nagre-respond ang mga nanay sa pagkarinig pa lang ng pag-iyak ng bata at nakababawas ng distress sa kanila ang paglalambing sa kanilang anak. Mayroon daw kasing region sa utak ng nanay na pine-prepare sila sa marinig pa lang ng iyak ni baby, first time mom man o hindi.
Larawan mula sa Shutterstock
Ibig sabihin, ang pagiging extra sensitive ng mommy ay malaking tulong sa responsiveness niya sa kanyang baby. Magandang factor ito upang ma-secure ang attachment ng mag-ina habang tumatanda ang baby. Nagiging daan ito para mas ma-establish pa ang foundation nilang dalawa.
Sa kabilang banda, bagaman mayroong mabuting epekto ito nagkakaroon din daw ito ng negative sides. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- Pagkaranas na overwhelmed sa lahat ng bagay
- Stressed kahit sa mga maliliit na pangyayari
- Pagbagal ng memorya o pagiging makakalimutin at absent-minded
- Pagkakaroon ng postpartum depression
- Pagkakaroon ng anxiety
Larawan mula sa Shutterstock
Tips for mothers who are emotional
Para sa mga nanay na nakararanas ng negative effects ng pagbabago sa utak nila o pagiging emosyunal, narito ang ilang tips para para maging magaan ang pakiramdam:
Ugaliing mag-nap everyday.
Madali man pakinggan pero malaking tulong ang nap o pag-idlip sa mga nanay. Nararanasan kasi ng nanay na mawalan ng tulog dahil sa pag-aalaga ng baby na kadalasang nangyayari sa unang anim na buwan mula manganak. Ang kawalan ng tulog ay maaaring magdulot ng negative ne epekto sa katawan at isipan ng mommies.
Mahalagang nakahahanap pa rin ng time para magpahinga ang mommy sa kabila ng pag-aalaga kay baby. Mas mahihirapan kasing mag-cope ang isang ina sa pagbabago ng katawan kung pagod ito.
Iwasan ang stress.
Stressful naman talaga ang pagiging magulang, especially sa first time moms. Maraming nakabibiglang pangyayari ang hindi inaasahan. Para sa experts, dapat na iwasan ang mga bagay na nakasasanhi ng stress dahil magdudulot ito ng pagiging over-emotional sa mga nanay. Bukod pa dito, mayroon din itong epekto physically tulad ng stomach pain, headaches, high blood pressure, at heart disease.
Mainam na kung alam mong ang isang bagay ay magdudulot ng stress sa iyo ay hangga’t maaari iwasan na. Hindi rin kasi magandang stress ang nanay para sa anak niya, dahil maaaring mag-develop din ng emotional problems sa kanila.
Subukang humanap ng bagay na nakapagla-lighten na iyong mood. Halimbawa na lang diyan ang pagyo-yoga o kaya naman ay meditation.
Humanap ng support system.
Malaki ang bilang ng mga mommies na nagkakaroon ng postpartum depression. May mga pag-aaral na nagsasabing ang pagkakaroon daw ng support system ay nakatutulong para dito. Halimbawa na lang ay paghingi ng tulong sa kaibigan o kapamilya patungkol sa pinagdaraanan.
Kung nararamdaman mo nang nao-overwhelm ka na, magandang mayroon kang natatakbuhan upang mapagsabihan ng nararamdaman. Maaaring ito ay malapit sa iyo kung saan komportable kang sabihin at hingan ng payo.
Lumapit sa mga propesyunal.
Kung labis-labis na ang nararamdaman at sa tingin mo ay hindi na maganda para sa iyo at sa baby mo, pinakamainam na gawina ng lumapit sa eksperto. Sila kasi ang makakatulong sa iyo kung ano nga ba ang tamang gawin sa iyong kalagayan.
Larawan mula sa Shutterstock
First-time mommies: What you need to know
Isa ka ba sa mga first-timers na maging mommy? Ano-ano kaya ang ie-expect mo ayon sa mga nagdaan na dito? Para sa kanila:
- “Hindi lang basta-basta ang pagbebreastfeed, isa rin itong bond between my baby and me.”
- “Akala ko dati mandidiri ako sa pagtae ng anak ko, kapag ikaw na pala naglilinis hindi na.”
- “Bigla na lang ako naging baby person.”
- “Ngayon ko lang narealize na protective pala ako, lalo na sa anak ko.”
- “Magbabago pala talaga ang buhay mo pero much even better this time”
- “Bigla ko na lang natutunan ang maternal instincts.”
- “Mas nalaman ko kung gaano kasarap magmahal.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!