X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Stressed habang buntis? Ito ang maaaring maging epekto nito kay baby

4 min read

Marami ang kailangang iwasan kung buntis ang isang babae kabilang na diyan ang stressed habang sila ay pregnant. Dahil ayon sa experts, ito raw ang maaaring maging epekto nito sa magiging baby.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Epekto sa baby kapag stressed si mommy habang buntis
  • Mga bagay na pwedeng gawin upang makaiwas sa stress kung buntis

stressed habang buntis

Epekto sa baby kapag stressed si mommy habang buntis

Alam ng lahat na maselan ang pagbubuntis. Marami ang kailangang tandaan magmula sa dapat kainin, hindi dapat gawin, mga dapat gawin, at mga dapat iwasan.

Isa sa parating pinapaalalang bagay na dapat iwasan ng mga mommies sa tuwing sila ay nagdadalang-tao ay stress. Malaki kasi ang maaaring maging epekto nito sa magiging baby.

Sa pag-aaral na ng ginawa ng Children’s National Hospital na nai-publish sa JAMA Network Open, mula sa 97 na mga kababaihang nagdadalang-tao ay nakita nilang may impluwensya ang stress sa parent and child interaction maging sa self-regulation ng mga baby.

Sinubukan nilang i-quantify ang stress, depression at anxiety sa pagbubuntis sa pamamagitan ng questionnaires. Sinukat naman ang fetal brain volumes at cortical folding ng mga nanay sa pamamagitan ng three-dimensional na reconstructed image na kinuha sa pamamagitan ng MRI scans.

Samantalang ang fetal brain creatine at choline naman ay sinukat gamit ang proton magnetic resonance spectroscopy. Ang huli naman ay ang pagsukat sa neurodevelopment ng batang nasa edad na 18 buwan, sinukat nila ito gamit ang ilang scales at assessments.

Sa research na ito, nakita na mayroong mahalagang ugnayan sa pagitan ng fetal brain development at maging sa pangmatagalang cognitive development ng mga baby.

Ito ay nangyayari sa tuwing mai-expose ang bunti sa mataas na levels ng toxic stress.

Natagpuan nilang may pagbabago sa sulcal depth at left hippocampal volume ng baby habang nasa sinapupunan ng ina. Nagbubunga ito ng iba’t ibang issue sa neurodevelopment ng bata pagkapanganak.

Makikita rin daw ang ilan sa epekto nito kahit pa tumanda na sila at mag-edad na toddler na. Ang mga batang ito ay nakararanas ng mga problemang sosyo-emusyunal. Na maaaring magbigay hirap sa kanila na makabuo ng magandang relasyon sa iba, kahit pa sa sariling nanay nila.

stressed habang buntis

Ayon sa senior author ng pag-aaral at chief  ng Developing Brain Institute at Children’s National na si Catherine Limperopoulos, Ph. D., ang mabigat na stress sa mga ina ay posibleng magkaroon ng risk sa mga baby sa developmental issues.

“By identifying the pregnant women with elevated levels of psychological distress, clinicians could recognize those babies who are at risk for later neurodevelopmental impairment and might benefit from early, targeted interventions.”

Masipag daw na tinatarabaho ng mga researchers ang pag-aaral na ito dahil nais nilang makita ito sa mas malaking pagtingin upang matulungan na rin ang mga inang makaiwas sa ganitong epekto.

“We’re looking at shifting the health care paradigm and adopting these changes more broadly to better support moms. What’s clear is early interventions could help moms reduce their stress, which can positively impact their symptoms and thereby their baby long after birth.”

BASAHIN:

Stressed? 6 na paraan para mabawasan ito, ayon sa mga experts

Kung stressed si Mommy dahil kay baby, si Daddy lang ang kailangan niya—wala ng iba

Elisse Joson hindi mapigilang mai-stress: “2There’s a lot more pressure when you’re a mom.”

stressed habang buntis

Mga bagay na pwedeng gawin upang makaiwas sa stress kung buntis

Dapat maiwasan ang ilang epekto sa brain development ni baby dahil sa stress.

Narito ang ilang bagay na maaaring gawin upang maiwasan ito at magkaroon kayo both ng anak mo ng healthy brain and body:

  1. Gawin priority ang pahinga – Maraming pinagdadaanan ang iyong katawan sa panahon ng pagbubuntis, kaya nga dapat ay laging isiping magpahinga. Siguraduhing hindi gumagawa ng mabibigat na kahit ano mang gawain at matulog nang 7 hanggang 9 na oras sa isang araw.
  2. Kumain ng healthy at tama – Dahil nga sa pagbubuntis hindi na lamang isa ang iisiping kumakain, kailangan mas healthy na ang inilalagay sa katawan. Ang nutrients kasing ito ay hindi lamang sa mind and body mo helpful maging sa development din ni baby.
  3. Mag-ehersisyo o kumilos nang regular – Maganda na sa overall health maganda pa para sa baby ang pag-eehersisyo. Nagbibigay kasi ito ng chemical sa body kung tawagin ay endorphins. Ang chemical na ito ang nagpapaunlad sa mood at nakakatulong sa mood and anxiety ng isang tao.
  4. Pag-aralan ang pagpopokus sa paghinga – Ang deep breath ay nagbibigay ng extra na oxygen sa katawan kaya nakatututlong ito sa brain and body ng tao na mas maging relaxed.
  5. Matutong magsabi ng mga nararamdaman – Magiging madamdamin halos ang pagbubuntis dahil madalas nagiging sensitive ang mommies. Sa mga ganitong pagkakataon mainam na magsabi ng iyong mga nararamdaman upang gumaan ang dinadala.

Science Daily, Lancaster General Health

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • Stressed habang buntis? Ito ang maaaring maging epekto nito kay baby
Share:
  • Buntis Guide: 11 Lying-in clinics sa Quezon City

    Buntis Guide: 11 Lying-in clinics sa Quezon City

  • Safe ba sa buntis ang pagkain ng tokwa?

    Safe ba sa buntis ang pagkain ng tokwa?

  • #AskDok: Puwede bang magpahilot ang buntis?

    #AskDok: Puwede bang magpahilot ang buntis?

  • Buntis Guide: 11 Lying-in clinics sa Quezon City

    Buntis Guide: 11 Lying-in clinics sa Quezon City

  • Safe ba sa buntis ang pagkain ng tokwa?

    Safe ba sa buntis ang pagkain ng tokwa?

  • #AskDok: Puwede bang magpahilot ang buntis?

    #AskDok: Puwede bang magpahilot ang buntis?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.