Sinimulan ng model at actress na si Elisse Joson ang series niyang “Mommy Diaries” sa kanyang YouTube channel upang ibahagi ang ilang karanasan niya bilang ina.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Elisse aminadong nape-pressure bilang isang ina
- Experience ni Elisse Joson bilang isang mommy
Elisse aminadong nape-pressure bilang isang ina
Larawan mula sa Instagram account ni Elisse Joson
Sa YouTube channel ng model at actress na si Elisse Joson, nagpasya siyang ibahagi ang mga feelings and thoughts niya bilang ngayong isa na siyang mommy. Pinamagatan niya ang magiging series na, “Mommy Diaries.”
“Hi everyone! I’ll be doing this series called “Mommy Diaries” where I share my feelings and thoughts with you just like how I would if I had a diary. Hindi madali maging mommy pero sobrang sarap sa pakiramdam, samahan nyo ko sa journey ko bilang isang Mommy.”
Sa unang episode, masayang ibinahagi niya ang isang normal na araw sa kanilang pamilya kung saan kasama niya ang asawang dancer at aktor na si McCoy De Leon. Mommy na mommy na ang datingan ni Elisse dahil na rin sa pagkahilig nito sa kurtina. Makikita sa simula ng video ang kulitan nilang mag-asawa habang nagkakabit ng kurtina si McCoy.
Isa rin sa bahagi ng video ay ang pag-amin niyang sobra ang stressed niya sa isang partikular na araw. Bilang ina na raw kasi siya, labis-labis na pag-iisip ang nangyayari sa kanya.
“Kapag mommy ka na, dami mo ginagawa ‘di ba? Dami mong iniisip. Hindi pa nga ginagawa eh, iniisip mo pa lang. Naii-stress ka na.”
Minsan daw nararamdaman niyang siya ag talo tuwing nagpapatong-patong ang mga dapat isip sa utak niya.
“But I realized, this is not how I am supposed to be doing this. Because, ako ‘yung talo. Alam niyo ‘yung feeling na ang dami niyong dapat gawin. Nasa utak niyo, nagpipile-up, patong-patong. Tapos hindi mo alam kung may enough time ka ba para gawin ‘yun.”
Nakadaragdag stress pa raw sa kaya ang ideya ng pagiging ina dahil sa kaliwa’t kanang pressure.
“I guess there’s a lot more pressure whe you’re a mom because everybody feels that way ‘di ba? Lahat naman ng tao, estudyante, working people talagang maraming kailangan gawin. I don’t know if it’s just all in my head, nago-overthink and ito ang nangyari. Ito ang resulta. Result is: stressed.”
Kaya niya raw nire-record ang mga pangyayaring ganito upang mamahinga at mailabas ang iba’t ibang saloobin niya. Sa ganitong paraan daw kasi mas nakakatulong at mas hindi nagiging mabigat ang stress na dala niya.
“Gusto ko ilabas ‘yong nararamdaman ko, because once I let out and say out loud my feelings, mas nakakatulong sa akin. Mas nababawasan ‘yong stressed feeling and it’s better kasi now I know I have to clear my head, and that’s when I figure it out and organize everything that I need to get done.”
Isa pa raw sa gawain niya tuwing nakakaranas na ng ganito ay isinusulat ang mga bagay-bagay mula sa tingin niyang pinaka importante hanggang sa pinaka hindi importante. Nagiging organize at malinaw raw kasi ang mga dapat niya isipin sa tuwing ginagawa niya ito.
“After this, I’m gonna jot down everything that I need to accomplish and prioritize from most priority to least priority na kailangang gawin. From there, I now have a clearer view of everything I have to get done na hindi lang nasa utak ko at nagpapatong-patong.”
Larawan mula sa YouTube video ni Elisse Joson
Ipinakita niya rin sa video ang ilan sa mga kinakailangan niyang planuhin kabilang dito birthday shoot at final set ng anak niya, magbook ng ticket papuntang Guam, at magplano ng trip nila sa Boracay Island.
BASAHIN:
Elisse Joson may babala kay McCoy de Leon: “Kung magloloko ka, okay na kami. Kakayanin namin.”
LOOK: Winwyn Marquez isinilang na ang kaniyang baby girl!
Ruffa Gutierrez pinayagan na sina Lorin at Venice na makausap si Yilmaz Bektas: “It’s time na mag-reconcile sila.”
Experience ni Elisse bilang isang mommy
Larawan mula sa Instagram ni Mccoy De Leon
Unang isinapubliko ng magkarelasyong Elisse Joson at McCoy de Leon na magkakaroon na sila ng anak sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.
Taong 2016 din nang una silang nagkita sa bahay ni Kuya. Mula nang lumabas ang kailang supling, tinawag na nila itong lucky charm at greatest blessing nila.
“Ngayon iba na po yung tungkulin, iba na yung saya sa pagiging ina. Ngayon ramdam ko na po yung hirap, ‘yong sarap, ‘yong saya ng pagiging ina,”
Pahayag ni Elisse sa pagiging ina.
Samantala, masaya ngayon ang pagsasama nina Elisse Joson at McCoy de Leon. Pero aminado ang celebrity couple na mayroon din silang mga pinagdadaanan, na normal sa mag-partner.
Isa sa kanilang hinaharap sa ngayon ay tila hindi pa rin buo ang pagtanggap ng nanay ni Elisse kay McCoy. Ngunit ayon kay McCoy, umaasa siya na dumating ang araw na maayos ang relasyon niya sa mother ng kaniyang girlfriend.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!