Winwyn Marquez ipinanganak na ang kaniyang healthy baby girl. Sa isang Instagram post ay binahagi na rin ng aktres ang pangalan ng unang baby nila ng kaniyang non-showbiz partner.
Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:
- Winwyn Marquez isinilang na ang baby girl!
- Winwyn sa kaniyang first time na pagbubuntis
- COVID-19 positive while pregnant
- Pagbabagong napansin ni Winwyn noong siya’y nagbubuntis
Winwyn Marquez isinilang na ang baby girl!
Masayang ibininahagi ni Winwyn Marquez na isinilang na niya ang kaniyang baby nitong Linggo, May 1.
Agad na ipinasilip ng aktres ang mukha ng kaniyang anak na pinangalanan nilang Luna Teresita Rayn. Ito ang panganay niyang anak sa kaniyang non-showbiz boyfriend na hindi pa ipinakilala sa publiko ni Winwyn.
Kaagad namang nagpaabot ng pagbati ang ilang malapit kay Winwyn Marquez tulad nina Rocco Nacino, Rochelle Pangilinan, Carla Abellana at Rodjun Cruz.
Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez
Winwyn sa kaniyang first time na pagbubuntis
Ibinahagi ni Miss Reina Hispanoamericana 2017 title holder, aktres at model na si Winwyn Marquez ang ilan sa mga pangyayari patungkol sa kanyang unang pagbubuntis sa kanyang non-showbiz boyfriend.
“We’re so happy, my partner and I are so happy. We’re over the moon. And I’m so excited for this part of our life and for this chapter to start.”
Ilan ito sa mga katagang binitawan ng aktres sa kanyang vlog noong Disyembre 18, 2021 na may pamagat na “The Start of a New Chapter.” Kung saan ibinalita ni Winwyn sa kanyang mga fans ang kanyang unang pagbubuntis sa pamamagitan ng limang minutong video.
Tinapos ni Winwyn Marquez ang kanilang 2021 sa pamamagitan ng isang simple ngunit masayang Gender Reveal Party kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan.
“It’s a girl!”
Inanunsyo naman ito ni Winwyn Marquez ang kasarian ng kanyang pinagbubuntis sa kanyang YouTube Vlog na may pamagat na “Gender Reveal – Thank You 2021”.
Ibinahagi ni Winwyn ang masayang balitang ito noong Disyembre 31, 2021, bilang sabay na selebrasyon ng pagtatapos ng taon at kanilang pa-gender reveal party. Kasama nilang nag-celebrate ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez
COVID-19 positive while pregnant
“Nag-self test ako, and to my surprise two lines.”
Linya ito ni Winwyn Marquez sa kanyang vlog noong February habang ibinabahagi ang isang malungkot na balita. Ito ay patungkol sa kanyang karanasan sa pagkakaroon ng COVID-19 habang siya ay nagbubuntis.
Kwento ng aktres, gusto niyang mag-isolate ang kanyang partner sa ibang room dahil negative ito sa COVID-19. Ngunit nagdesisyon ang kanyang partner na manatili sa kwarto kasama si Winwyn upang maalagaan at maalalayan sa kanyang pagbubuntis.
“Hindi ko masyadong inisip ang sarili ko, ang inisip ko syempre my baby, cause I’m pregnant.”
Paliwanag ni Winwyn, kapag nahihirapan siyang huminga, inaalala niya ang kalagayan ng kanyang ipinagbubuntis. Nabanggit din ng aktres na nandoon ang kanyang partner para siya ay samahan at pakalmahin.
Ayon kay Winwyn, ang kanyang OBGYN doctor ang una niyang tinawagan. Nagabayan din ito sa kanyang mga dapat at hindi dapat gawin sa pagpapagaling sa sakit na COVID-19 habang buntis.
Ilan sa mga sintomas na naramdaman ni Winwyn ay ang pagkakaroon ng lagnat, sobrang pagkabara ng ilong, pagsakit ng mga kasukasuan, palpitation o hirap sa paghinga, sipon, at sore throat. Nakatulong din umano ang kanyang bakuna laban sa COVID-19 kaya mild symptoms lamang ang tumama sa kanya.
“It was such an experience na parang, sana wag na talagang maulit. Hindi siya biro, ang hirap magkasakit.”
Nagbahagi din si Winwyn ng ilang tips at dapat gawin upang hindi magkasakit o kapag tinamaan ng sakit na COVID-19 habang nagbubuntis.
- Prevention is key – Kung saan aniya, kung kayang iwasan, ay sumunod na lamang sa protocols.
- Preparedness – Ayon sa aktres, hindi kinakailangan mag-hoard ng mga gamot, ngunit maganda pa rin kung mayroong stock sa inyong tahanan.
- Listen to your doctors – Kahit na ito ay simpleng konsultasyon, mas mainam pa rin na may makausap na doctor ukol sa kalagayan upang mas magabayan sa pagpapagaling. Lalo na sa mga gamot ng COVID-19 na hindi pwede sa mga nagbubuntis.
BASAHIN:
Winwyn Marquez defends boyfriend from rumors: “Pag ‘di nakikita, pamilyado o kaya nagtatago agad?”
Angeline Quinto nanganak na, sinalubong si Baby Sylvio: “Love at first sight.”
LOOK: Rich Asuncion isinilang na ang kaniyang pangalawang baby!
Larawan mula sa Instagram post ni Winwyn Marquez
Pagbabagong napansin ni Winwyn noong siya’y nagbubuntis
Sa kanyang 1st Trimester o 1st-13th week ng pagbubuntis, hindi nito alam na siya’y buntis hanggang sa bago ito lumabas sa lock-in taping sa noontime show na Eat Bulaga. Laging masakit ang kanyang likod, madaling mahali, at nagsusuka.
Dagdag pa ni Winwyn Marquez, mahilig siya sa kape ngunit bigla na lamang itong inayawan ng kanyang katawan. Napansin na rin nito ang late na pagdating ng kanyang period ngunit akala nito’y normal lang dahil madalas itong nangyayari. Hanggang sa kutuban ito at subukan mag-pregnancy test, at ito ay nagpositibo.
Nahirapan umano si Winwyn sa kanyang 1st trimester ng pagbubuntis dahil sa malalang pagkahilo, pagsusuka, heartburn at pananakit ng suso. Nagpahinga rin ito nang siya ay magkaroon ng spotiing, bilang abiso na rin ng kanyang doktor na huwag puwersahin ang sarili.
Ilan sa mga iniinom na vitamins ni Winwyn para sa kanyang pagbubuntis ay Vitamin C at Folic Acid. Nagtuloy-tuloy din umano ang kanyang mga nararamdaman hanggang sa kanyang 2nd trimester ngunit mas nagkaroon ito ng enerhiya.
Sa kanyang 2nd trimester o 14th – 28th week, nawala na ang kanyang pagsusuka pero naroroon pa rin ang pagkahilo at heartburn. Kaya naman siya ang kanyang ginagawa ay mas madalas kumakain ng maliliit na portion ng pagkain at pagkain ng ice chips.
Dito na rin nagsimulang lumabas ang kanyang baby bump, at nagkaroon ng vein marks ang kanyang tiyan.
Samatala sa kanyang paglilihi, ay wala itong espisipikong pinaglihian, maliban sa tumakaw ito sa kanin at paghahanap ng mga pagkain na hindi nito kinakain noon tulad ng suka at pickles. Ilan naman sa cravings ni Winwyn sa kanyang pagbubuntis ay hotdog, tocino, tuyo, at corned beef.
Sa kanyang 3rd trimester naman o 29th – 40th week ng pagdadalang-tao, ay madalas at mabilis itong mapagod at inaantok. Hindi rin ito komportable sa kanyang pagtulog at sa kanyang pag-ihi. Sinusubukan din ni Winwyn na mag-stretching at exercise pero sadyang mabilis itong mapagod.
Naranasan din ni Winwyn ang tinatawag nilang ‘pregnancy brain’ sa kanyang 3rd trimester ng pagbubuntis kung saan nagging makakalimutin ito. Nakaramdam din ito ng ‘Braxton Hicks’ o mistulang early labor sa pagbubuntis.
“Iba-iba ang katawan ng mga pregnant women, we don’t have to worry about that.”
Ito ay matapos palaging pinupuna ang maliit nitong baby bump. Ayon din kay Winwyn, gumagamit siya ng cream, lotion at oil para sa kanyang tiyan. Ito ay upang maiwasan rin ang pagdami ng stretch marks. Ang pinakamahalaga pa rin ay malusog ang kanyang baby girl.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!