TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

LOOK: Rich Asuncion isinilang na ang kaniyang pangalawang baby!

4 min read
LOOK: Rich Asuncion isinilang na ang kaniyang pangalawang baby!

Nadagdagan ng isa pang baby ang pamilya nina Rich Asuncion at kaniyang mister, na isang Filipino-Australian.

Isinilang na ng aktres at dating First Princess ng StarStruck: The Next Level na si Rich Asuncion ang pangalawang anak nila ng kaniyang husband na si Benj Mudie.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Rich Asuncion isinilang na ang kanyang pangalawang supling!
  • Rich Asuncion’s growing family
rich asuncion anak

Larawan mula sa Instagram account ni Rich Asuncion

Rich Asuncion isinilang na ang kanyang pangalawang supling!

Labis na natuwa ang followers ng aktres at dating kalahok sa reality talent competition show na si Rich Asuncion nang ibahagi nito ang mga larawan ng kanyang pangalawang anak sa rugby player na asawa nitong si Benj Mudie.

Unang nagbigay ng pahiwatig na manganganak na si Rich Asuncion nang magpost ito ng larawan nilang dalawa ng kanyang mister na si Benj. Sa Instagram account niya, sinabi niya na handa na siya sa pangalawang pagkakataon na siya ay magsisilang.

Ibinahagi niya rin na pareho nilang hiniling ng asawa na sana ay normal delivery na ang panganganak niya. Matapos daw ang halos 41 linggo nalaman nilang uli siyang sasailalim sa Caesarian procedure.

“Ready for round 2. We were hoping for a normal delivery but after almost 41 weeks of waiting, its time to meet our baby girl via CS again. Mama and Papa will see you soon Alessandra.”

Sinundan ito ng post niya na ipinanganak na niya ang sanggol. Pinangalanan nila itong Alessandra. Healthy na healthy na makikita sa larawan si Baby Alessandra na may timbang na 3.84 kilos.

Ibinahagi rin ni Rich Asuncion ang larawan niya kasama ang mag-ama kung saan maayos at masaya silang mag-asawa na winelcome ang bagong parte ng kanilang pamilya.

Dagdag pa ni Rich, mayroon na raw bagong kalaro ang kaniyang panganay na anak na si Bela.

“Introducing Alessandra. Born very strong and healthy. Bela finally has a fulltime playmate and our #MudSquad is complete”

Binati naman siya ng isa ring aktres na kapwa nagsimula rin sa StarStruck na si Sheena Halili.

“Congratulations, hello baby Alessandra! Big girl ka na.”

Ang ilan pa sa nagpaabot ng pagbati ay sina Glaiza De Castro, Maricris Garcia, at sportscaster na si Mara Aquino.

rich asuncion anak

Larawan mula sa Instagram account ni Rich Asuncion

BASAHIN:

Angeline Quinto nanganak na, sinalubong si Baby Sylvio: “Love at first sight.”

Iya Villania sa kaniyang 8 months baby bump: “It’s when I’m pregnant that I feel my sexiest and most confident.”

Meryll Soriano aminadong mahirap magpalaki ng mga anak na may big age gap: “Feeling mo you’re not giving enough.”

Rich Asuncion’s growing family

Unang nakilala ni Rich Asuncion ang Filipino-Australian na asawa nitong si Benj Mudie nang ipakilala ito sa kanya ng kaibigang si Yasmien Kurdi. Taong 2015 nang kinumpirma ng aktres na nakilala na ng pamilya niya sa Bohol ang rugby player na si Benjamin.

Nagdiwang sila ng kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan noong ika-24 ng Abril taong 2016 kasama rin si Yasmien at kasintahan nitong si Rey Soldevilla, Jr.

Minsang nagparamdam si Benjamin na handa na ito na pakasalana si Rich nang magpost ito na ay caption na,

“You’re getting close to that age where you should start thinking about settling down and starting a family.”

rich asuncion husband

Larawan mula sa Instagram account ni Rich Asuncion

Hindi nagtagal ay tinanong niya na ang aktres tungkol sa pagpapakasal habang nasa shooting ito ng afternoon serye na Ika-6 Na Utos.

Ikinasal sila noong May 28, 2018 sa isang intimate wedding sa bansang Hong Kong. Kasama nila sa pag-celebrate ng kasal ang mga malalapit na kabigan na sina Sheena Halili, Glaiza de Castro, Renz Fernandez, at Sunshine Dizo sa isang yate.

Disyembre sa parehong taon din isinilang ni Rich Asuncion ang una niyang anak na si Bela Brie Mudie. Ibinahagi ni Rich Asuncion na Daddy’s little girl daw ang panganay.

Napagpasyahan ng mag-asawa na mag-migrate sa Australia at doon na muna manirahan nang matagal ngunit bukas din sa ideyang baka doon na talaga sila bubuo ng pamilya. Sa bansang ito,  ibinahagi niyang kapalit ng pagiging artista niya ay pinili niya ang mas simpleng buhay.

Namasukan siya sa Australia bilang waitress. Minsan niyang ibinahagi sa kaniyang Instagram account kung gaano siya kasaya noong una niyang natanggap ang sahod niya sa trabahong ito.

“Simulan natin ang post na ito nang masaya. Napakasaya ko ngayong araw dahil natanggap ko na ang una kong sweldo.”

Bukod dito, maligaya rin daw siya na hindi na siya masyadong nalulungkot.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

“At sa wakas ay di na ako nalulugmok sa lungkot. Malaking bagay to dahil sa panahon ngayon ang hirap humanap ng dahilan para sumaya.”

Isa raw kasi sa nagiging dahilan ng lungkot niya ay ang maraming adjustments sa paglipat ng bansa. Handang-handa na sila mamuhay sa Australia kasama ng mga magiging anak dahil bumili na sila nga asawa niya ng bahay dito.

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Rich Asuncion isinilang na ang kaniyang pangalawang baby!
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko