Ibinahagi ng aktres at anak ni Willie Revillame na si Meryll Soriano ang kanyang advice para sa mga parents na may mga anak na malaking age gap. Si Meryll ay may anak na 14 years old, habang ang bunso naman niya ay 1 year old pa lamang.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Meryll Soriano sa mga magulang na may mga anak na big age gap: “Mahirap talagang magpalaki ng mga anak”
- Kahalagahan ng pagkakaroon ng ‘me time’
Meryll Soriano sa mga magulang na may mga anak na big age gap: “Mahirap talagang magpalaki ng mga anak”
Larawan mula sa Instagram account ni Meryll Soriano
Sa unang live video nito sa kanyang YouTube channel, nakipagkuwentuhan si Meryll Soriano sa kapwa niya mommies na listeners ng kanyang mga video episodes.
Sa live, binasa niya ang isang mensahe ng nanay na Overseas Filipino Worker (OFW) na kasalukuyang nagtatrabaho sa bansang Jeddah na may nickname na ‘Mommy Armalite’.
Ang concern nito ay tungkol sa relasyon niya sa dalawang anak na malaki ang agwat sa edad.
“The eldest is 17 on April 2 and my bunso is 2 years old. My question is, sometimes as a mom, I feel like I am not giving my equal love for both of them.”
“Why do I feel sometimes I am giving less of my attention and needs of my panganay and bunso. Can you give some advice and please enlighten me to not to feel this way?”
Ganito ang mensahe at tanong na natanggap ni Meryll Soriano sa kanyang live. Ayon sa aktres, katulad daw ng kanyang sitwasyon ang nangyayari ngayon sa sender. Mayroon din kasi siyang anak na mayroong malaking gap sa kanilang edad.
“Parang ganyan din ‘yung kay Eli, si Eli 14 and si Gido ay 1 and 4 months. So, I think mayroon tayong tinatawag na mom guilt.”
Larawan mula sa Instagram account ni Meryll Soriano
Tinanong niya rin ang mga live listeners niya tungkol sa nararanasang “mom guilt” sa pagpapalaki ng anak.
“Mayroon tayong mom guilt, na feeling natin mas mahal natin itong isa, minsan naman mas mahal natin ‘to.”
Pinayuhan niya rin si Mommy Armalite na normal lang daw na nararamdaman ang ganitong pakiramdam. Nagbigay naman ng suggestion kung paano mahahati ng sender ang oras at atensyon niya sa mga anak nito.
“Have different tasks or different activities to your 2 year old and then with your 17 year old and activities together. I think, it’s very important na, siguro managing time which is very difficult.”
“Lalong-lalo na kapag busy ka, working mom ka. I think also, that’s a part of having mom guilt kasi nga siyempre, feeling mo you’re not giving enough and parang siguro gusto mo ng time with your bunso and then your time with your panganay.”
Pagpapayo niya rin na paglaruin ang dalawa upang magkaroon ng bond at time sa isa’t isa. Ganito raw kasi ang ginagawa niya kina Eli at Gido.
BASAHIN:
Meryll Soriano on teaching her son kung paano magbasa at magbilang: Don’t rush and let them enjoy learning
LOOK: Anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na sina Lilo at Koa, sinubukan ang surfing!
Angeline Quinto nanganak na, sinalubong si Baby Sylvio: “Love at first sight.”
Larawan mula sa Instagram account ni Meryll Soriano
Kahalagahan ng pagkakaroon ng ‘me time’
Isa pa sa naging advice ni Meryll Soriano ay ang pagsiguradong magkakaroon ng sapat na pahinga ang mga nanay. Ito’ ay para hindi na rin madamay ang mga anak sakaling hindi maganda ang nararamdaman ng magulang.
“Don’t forget your ‘me time’ baka mamaya naman sobrang pagod mo… kaya feeling mo hindi maganda ang pakiramdam mo kaya napapasa mo sa mga anak mo.”
“Give yourself some ‘me time, importante ‘yan kasi you know paano mo aalagaan ‘yung mga anak mo kung hindi mo inaalagaan ‘yung sarili mo.”
Ayon din sa inang si Meryll Soriano, mainam daw na secured mo na ang sarili ng mga nanay at makahinga nang maigi bago asikasuhin ang mga anak nila. Mahirap man daw ito gawin, ngunit kailangan.
Maganda rin daw na umaalis-alis o mamasyal dahil parte ito ng self-care at ‘me time’ para makabawas sa ilang stress na dinadala. Aminado rin si Meryll Soriano na mahirap magpalaki ng anak, at normal na makaramdam na parang minsan ay may pagkukulang sa mga anak bilang magulang.
“Mahirap talagang magpalaki ng mga anak. Mahirap talagang maging magulang so don’t beat yourself up sa side na ‘yan na may nararamdaman kang mga ganiyan. It’s normal, Mommy Armalite.”
Pagpapaalala niya na huwag pahirapan ang sarili kahit pa mahirap talagang maging magulang.
Sa kanyang personal na karanasan, pinapaliwanagan niya raw ang nakatatanda niyang anak na si Eli tungkol sa relasyon nilang magkapatid.
Kung minsan pa nga raw ay hinahayaan niyang maglaro ang dalawa ng basketball dahil pareho nila itong hilig. Sa ganitong paraan daw kasi mas nagiging malapit ang magkapatid.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!