Sa kaniyang YouTube vlog na Dear Mama Meme, nagbigay ng advice ni Meryll Soriano sa letter sender kung paano turuang magbasa at magbilang ang kaniyang son.
Mababasa sa artikulong ito:
- Meryll Soriano son enjoy sa learning time with Mama Meme
- Tips kung paano turuan ang bata na magbasa
- Easy ways to teach your child na magbilang
Meryll Soriano son enjoy sa learning time with Mama Meme
Isang letter sender nga ng Mama Meme ang nahihirapan sa pagtuturo sa kaniyang anak kung paano ang bumasa at bumilang. Dahil dito, ibinahagi ni Meryll ang kaniyang approach on teaching her son.
Ayon kay Meryll Soriano madaldal umano siya sa kaniyang sons na sina Elay at Gido. Isa sa kaniyang paraan ng pagtuturo sa kaniyang son na si Gido ay ang palaging pagkausap sa mga ito.
Halimbawa, tuwing naliligo ay kinakausap niya ito at ipinaliliwanag kung alin ang tubig, anong pakiramdam ng nasa tubig, at ganoon din daw sa iba pang mga gawain ng bata maging sa paglalaro.
Bukod dito ay may mga libro ang son ni Meryll Soriano tungkol sa sounds, letters at numbers. Magandang paraan daw na i-introduce muna ang mga ito sa bata. Another thing, malaking tulong din ang talking toys na pwedeng kausapin at gayahin ng inyong anak.
Isa rin sa teaching tools ni Meryll Soriano for her son ay ang building blocks na may numbers at letters. As much as possible ay iniiwasan din muna ni Meryll Soriano to let her son na gumamit ng gadgets.
Larawan mula sa Instagram ni Meryll Soriano
Kwento naman ng older son ni Meryll Soriano na si Elay, pinagsusulat siya ng kaniyang mommy Meryll Soriano ng journal simula noong siya ay 7 years old.
Tinutulungan nga rin ni Elay ang kaniyang mommy na turuan ang kaniyang kapatid na magsalita. Ani Elay, binabasahan niya ng libro ang kapatid at maya-maya ay gagayahin na nito ang ginagawa niya.
Paalala ni Meryll Soriano,
“Kung anong nakikita nilang ginagawa ninyo, ‘yon din ang gagawin nila.”
Kung nais umano ng parents na matutong magbasa ang kanilang mga anak, dapat na makita at marinig sila nitong nagbabasa rin. Dagdag pa niya, hindi dapat madaliin ang anak dahil hindi pare-pareho ang development ng bawat bata. Pagbabahagi niya,
“Make it fun… don’t rush your child’s learning development.”
Saad pa ni Meryll Soriano, pagdating sa pagtuturo sa kaniyang son gusto niya na ma-enjoy pa rin nito ang childhood.
“Gusto ko lang na talagang ma-enjoy din nila talaga ‘yong kanilang childhood by not putting too much pressure on them.”
Larawan mula sa Instagram ni Meryll Soriano
BASAHIN:
Meryll Soriano on depression: “2 days akong hindi makabangon—kahit pag-ihi, ayokong umalis ng kama”
LOOK: Meryll Soriano at Joem Bascon pinabinyagan na si Baby Gido
Meryll Soriano and Jerika Ejercito: From having the same ex to co-parenting their kids, Eli and Isaiah
Tips kung paano turuan ang bata na magbasa
Bilang parents, maraming iba’t ibang paraan para matutunan ng inyong anak kung paano ang bumasa. Narito ang ilan sa mga maaari niyong gawin tulad ni Meryll Soriano on his son:
- Para sa mga infant hanggang 1-year old na bata pwede silang basahan ng lullabies, board books na may real pictures, cloth books na may iba’t ibang texture, at song books. Para naman sa mga older kids, makakatulong ang rhyming books, song books, short-story board books, alphabet books at picture books sa kanila.
- Tanungin sila before, during, at after ng storytelling
- Maging good reading example dahil gagayahin ng inyong anak kung ano ang nakikita at naririnig nito sa kaniyang mga magulang.
- Ipakilala sa kanila ang iba’t ibang letters na makikita sa paligid o natural settings tulad ng fastfood signs, labels, traffic signs, clothing, magazines, at iba pa.
- Ituro sa kanila ang sounds ng bawat letters sa pamamagitan ng activities na mai-involve maging ang iba niyang developmental skills. Halimbawa ay ang paglalaro ng building blocks na may letter print.
- When your child gets older, unti-unting ituro sa kaniya ang pagkakaiba ng mga genre ng stories.
- Mag-focus sa pagtuturo ng phonemic and phonics.
- Unti-unting ituro sa kaniya kung paano bigkasin ang mga salita.
- Kung nasa kindergarten na ang inyong anak, gumamit ng reading program na may explicit, systematic instruction.
Larawan mula sa Instagram ni Meryll Soriano
Easy ways to teach your child na magbilang
Typically, nagsisimula ang mga educator na turuan ang mga bata kung paano magbilang kapag sila ay nasa kindergarten na o Grade 1. Pero maaari mo pa ring simulan nang mas maaga ang pag-introduce sa kaniya sa Math.
- Kapag kumakain, pwedeng bilangin ang bawat pagsubo mo o piraso ng solid food bago ito ipakain sa kaniya.
- Tuwing naglalaro, bilangin sa kaniya ang mga laruang ginagamit o iaabot mo sa kaniya.
- Gawing natural na bahagi ng inyong conversation ang pagbibilang
Tandaan na huwag ma-discourage kung hindi agad matutunan ng inyong anak ang inyong intinuro. Tulad nga ng sabi ni Meryll Soriano about her approach sa kaniyang son, hayaan na mag-enjoy ang bata habang natututo. Huwag masyadong i-pressure ang sarili at ang bata sa learning process.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!