Kung may mga pagkakataong napapansin mo na ang iyong anak ay hindi nakabubuo ng healthy relationship sa isang adult, posibleng mayroon na siyang Reactive Attachment Disorder.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- 4 sintomas ng Reactive Attachment Disorder
- 5 tips upang makabuo ng stronger bond ang mga magulang sa kanilang anak
4 sintomas ng Reactive Attachment Disorder
Larawan mula sa Pexels
May mga batang hindi nakabubuo ng healthy na relasyon sa isang adult kahit pa ito ang kanilang primary guardian o ang nag-aalaga sa kanila. Tila ba wala silang emosyon at nararamdamang affection patungo sa partikular na tao na ‘yun. Ang ganitong pangyayari ay maaaring senyales na ng pagkakaroon ng bata ng Reactive Attachment Disorder (RAD).
Ang Reactive Attachment Disorder (RAD) ay ang kondisyon kung ang isang sanggol o bata ay hindi nakabubuo ng secure at healthy bond sa kanilang primary caregiver. Sila iyong mga bata na hirap i-manage ang kanilang emosyon at hindi nanghihingi ng comfort sa kanilang caregiver o bumubuo man lang ng relasyon dito.
Marami ang maaaring pagmulan kung bakit nagkakaroon ng ganito ang bata. Maaaring ang magulang ng bata ay matagal nawalay sa kaniyang anak.
Pwede rin namang mayroong mental health condition ang magulang kung saan hirap siyang bigyan ng love and affection ang bata sa tuwing umiiyak. Isa pang dahilan ay ang kawalan ng knowledge kung paano dapat inaalagaan ang bata both physically at mentally.
Ito ay hindi common ngunit maituturing na serious condition para sa bata. Mataas ang bilang ng mga batang may ganito sa mga orphanage o bahay ampunan kung saan walang isang partikular na pamilya ang nagbibigay kalinga sa kanila. Hindi nakikipag-bond ang bata sa isang adult dahil hindi siya familiar sa ganitong pangyayari.
Ano-ano ang sintomas na mayroong nang Reactive Attachment Disorder (RAD) ang iyong anak?
Laraawan mula sa Pexels
Hindi lamang simpleng behavioral problem ang pagkakaroon ng ganitong kundisyon ng bata. Upang masabi na nakararanas siya nito, narito ang ilang bagay na dapat mapansing ginagawa niya sa isang consistent na pattern:
- Bihirang naghahanap o tumatanggap ng comfort sa tuwing siya ay distressed.
- Pagkakaroon ng minimal na responses in terms of social at emotional needs.
- Pagkakaroon niya ng mga episode kung saan siya ay madalas malungkot, matakot, at mairita kahit wala namang ginagawa ang kanyang adult caregiver.
- Maaari ring alamin kung noong sanggol ba siya at papalit-palit ang nag-aalaga sa kanya kaya nawawalan siya ng stable attachment at lack of emotional affection and warmth mula sa mga mga nakatatanda.
Paano ang diagnosis at treatment ng ganitong kundisyon?
Taong 1980 nang madikubre ang diagnosis nito kaya bago pa lamang at patuloy pang pinag-aaralan. Ilan sa ginagawa kung inaalam na ang bata ay mayroong RAD ay ang mga sumusunod:
- Pag-alam sa history kung paano at saan inaalagaan ang bata.
- Direktang obserbasyon kung paano siya nakikipag-interact at nakikipag-bonding sa kanyang tagapag-alaga o caregiver.
- Pag-oobserba sa mismong behavior ng bata kahit sa ibang tao.
- Pag-alam sa naranasan niyang parenting styles sa pamamagitan ng isang interview kasama ang kanyang primary caregiver.
Ito ay ginagawa ng propesyunal upang matiyak ang tunay niyang kalagayan dahil ilan sa maaaring kahambing na kundisyon nito ay ang pagkakaroon ng autism, mood disorders, cognitive abilities, adjusment disorders, at post-traumatic stress disorder.
Para naman matiyak na magagamot ang bata narito ang ilan sa mga dapat gawin:
- Pagsisiguradong stable ang environment ng bata kung saan nakatatanggap siya ng love and care.
- Hindi papalit-palit ng tinitirhan at ng nag-aalaga sa kanya.
- Pagbibigay ng knowledge sa kanyang yayatungkol sa condition, child development at kung paano niya mabibigyan ng healthy bond ang bata.
- Pagpapa-attend sa yaya sa mga parenting classes.
- Pagpaalala sa mga yaya na bigyan ang bata ng positive attention.
BASAHIN:
Nagwawala ang bata kapag pinatigil gumamit ng gadget? 8 senyales ng Screen Dependency Disorder sa mga bata
The disorders your child does not have: The danger of mislabeling behavior
Mom with postpartum panic disorder: “I cry every time I’m scared. My baby suffered from my situation.”
5 tips upang makabuo ng stronger bond ang mga magulang sa kanilang anak
Larawan mula sa Pexels
Pangunahing dahilan kung bakit nawawala ang attachment ng anak sa magulang ay kawalan ng kanilang bonding kung saan malaya silang napapahayag ang kanilang love and affection sa isa’t isa. Narito ang ilang tips para sa mga magulang upang maging stronger ang bond ng pamilya:
- Palagi dapat naririyan sa anak lalo sa panahon niya ng kalungkutan.
- Iparamdam sa kanya ang pagmamahal through hugs, kisses at maging ang pagkakaroon ng warm and calming voice.
- I-validate parati ang kanyang nararamdaman at tulungan siyang i-manage ang mga ito upang hindi mauwi sa mental health problems.
- Alamin ang mga gusto at interes nila upang i-involve ang sarili dito.
- Mag-set ng limit sa mga bagay ng kumakain ng oras upang makasama ang mga anak.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!