X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

5 tips kung paano turuan ang anak na maging independent

6 min read

Maling pagpapalaki sa anak dahil umano sa pagkokontrol at pakikialam ng magulang sa buhay ng anak nila, ayon sa eksperto.

Bawat magulang ay gustong makasiguro na mabibigyan ng magandang kinabukasan ang anak. Ngunit ito daw ay hindi nila masisiguro kung patuloy nilang pakikialaman at kokontrolin ang buhay ng anak nila.

Sa isang survey na ginawa ng The New York Times at Morning Consult lumabas na patuloy na pinapakialaman o kinokontrol ng mga magulang ang buhay ng anak nila kahit sila ay malaki o adult na.

Ito nga ang naging sagot ng mga 1,508 na mga young adults edad 18 to 28 years old at kanilang mga magulang na nakibahagi sa ginawang survey.

Kahit nga daw naka-graduate na sa college ay patuloy na pinapakialaman ng mga magulang ang buhay ng anak base sa lumabas na resulta ng survey.

  • 74% ang nag-aayos ng appointment ng anak nila gaya ng pagpapatingin sa doktor
  • 11% naman ng mga magulang na nagtratrabaho na ang anak ang tinawagan ang employer nito sa tuwing may isyu o problema ang anak sa trabaho

Samantalang para sa mga anak na nag-aaral pa ay ito naman ang lumalabas na ginagawa ng mga magulang nila.

  • 76% ng mga respondent ng survey ang nagsabing patuloy na nireremind ng mga magulang ang kanilang anak tungkol sa deadlines na kailangang i-meet tulad ng mga school works
  • 22% ang tumulong sa anak sa paghahanda sa kanilang college test
  • 16% ang tinulungan ang anak sa pagsulat job o internship application nito
  • 14% ng mga magulang ang pumili sa kung anong career ang dapat para sa kanilang anak
  • 14% ang tinulungan ang anak na magkatrabaho o magkaroon ng internship sa pamamagitan ng professional network
  • 11% ang tinutulungan ang anak sa pagsulat ng essay o sa paggawa ng school assignment
  • 15% ng mga magulang na nag-aaral sa college ang nagsabing tinetext o tinatawagan nila ito para gisinging at hindi antukin sa klase o exams nila
  • 8% ang nagsabing kinontak nila ang college professor ng anak tungkol sa grades at performance nito
Maling pagpapalaki sa anak dahil sa mahilig makialam na magulang

Image from Freepix

Pakikialam at pagkokontrol ng magulang, maling pagpapalaki sa anak

Bagamat maganda kung titingnan ang pagpapakita ng suporta at pagsisiguro na palaging nandyan para sa anak, ayon kay Julie Lythcott-Haims,former dean sa Stanford Universtiy at author ng librong “How to Raise an Adult: Break Free of the Overparenting Trap and Prepare Your Kid for Success,” minsan daw ito ay nagiging sanhi ng maling pagpapalaki sa kaniya.

Dahil ang mga magulang daw ay dapat hayaang maggrow-up ang anak. Maggrow-up sa pamamagitan ng paggawa ng sarili nilang desisyon at minsan ay gumawa ng mali na kung saan matutulo sila.

“The point is to prepare the kid for the road, instead of preparing the road for the kid,” sabi ni Lythcott-Haims.

Ang gawi nga raw na ipinapakita ng mga magulang sa ginawang survey ay katangian ng mga magulang na kung tawagin ay snowplow parents.

Sila ang mga magulang na naging habit na ang ayusin ang lahat ng problema ng anak nila imbis na hayaan silang matuto mula sa pagkakamali nila.

Mahirap nga daw i-break ang habit na ito ng mga snowplow parents pero dapat silang mag-give way at hayaan ang anak na maging independent at maging driver ng buhay nila.

Dahil kung hindi nila kayang i-manage ang mga little mistakes, paano pa kaya ang mga bigger mistakes na darating sa buhay nila.

Paliwanag nga ng psychologist na si Dr. Jeanne Williams, ang madalas na paggawa ng mga bagay sa mga anak na kaya naman nitong gawin ay nagbibigay sa kaniyang ng mensahe na hindi ka nagtitiwala sa abilidad niya.

Kaya naman may negative outcome ito na kung saan nakukulangan siya ng independence, self-esteem at problem solving skills.

“You can’t just arrive them at the future you want for them. They have to do the work to build the skills,” dagdag ni Lythcott-Haims.

5 Tips para maging independent at maiwasan ang maling pagpapalaki sa anak

Ang habit ng mga snowplow parents o yung mahilig magkontrol sa anak ay nagsisimula sa early years ng isang bata.

Kaya naman para maisawasan na maapektuhan sila ng gawi na ito kapag sila ay malaki na, dapat turuan ng magulang na maging independent ang anak sa mura palang nitong edad.

Ilan nga sa mga bagay na maari nilang gawin ay ang sumusunod:

1. Hayaan siyang gawin at magdesisyon sa kung ano ang mga bagay na kaya niya ng gawin.

Maaring simulan ito sa pagsusulat ng mga bagay o task na kaya niya ng gawing mag-isa at hayaan siyang pumili o magdesisyon sa kung ano ba sa tingin niya ang kaya niya na.

Makakatulong rin ang encouragement sa kaniya na gawin ang ibang bagay na sa tingin mo ay kaya niya na.

Pero tandaan na ang desisyon ay dapat paring manggaling sa iyong anak para mapraktis niya ang kaniyang decision-making skills habang siya ay bata pa.

2. Huwag siyang i-pressure at hayaang gawin ang mga task sa sarili nyang pace o sa kung kelan komportable siya.

Sa ganitong paraan ay mas magiging cooperative ang anak at nagiging magandang impluwensiya ka para turuan siyang maging kalmado.

Mas magagawa niya rin ng maayos ang task kapag siya ay kalmado at hindi nakakaramdam ng pressure sa paligid niya.

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

3. Purihin ang tama niyang ginawa at punain ang mali ngunit i-encourage na maari niya paring subukan ulit para maitama na.

Isa sa paraan para mas ma-encourage ang anak na maging independent ay ang pagpuri sa mga bagay na ginawa niya ng mag-isa.

At kung sakali namang may naging pagkakamali siya ay punahin ito ng maayos at ipaalala sa kaniya na normal ang magkamali at may pagkakataon pa naman na ayusin at itama ito tulad ng ibang bagay na nagawa na niya.

4. Ayos lang na tulungan sila sa task paminsan-minsan lalo na kung sila ay pagod, may sakit o naisstress sa paggawa nito.

Kung sakaling nahihirapan ang anak sa isang task o bagong responsibilidad, huwag madiscourage dahil ito ay normal sa isang bata.

Ayos lang din na tulungan siya paminsan-minsan para maramdaman niya parin ang iyong suporta kaysa ang i-ctiticize o pagalitan siya na mas magpapabawas pa ng confidence sa sarili niya.

5. Kung sakaling magkaroon ng problema ang anak sa isang task o bagay na ginagawa, hayaan siyang resolbahin muna ito ng mag-isa at i-offer ang iyong tulong kung hindi niya na kaya.

Kung makakaexperience ng minor issues ang iyong anak ay i-encourage siya na ayusin muna ito ng mag-isa o tanungin siya sa kung ano kaya ang dapat niyang gawin para maiaayos ito, bago ka magsabi o mag-offer ng ideas sa kaniya.

 

Sources: USA Today, New York Times, Today

Basahin: Ayaw nahihirapan ang anak? Nakakasama ito sa kaniya

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 5 tips kung paano turuan ang anak na maging independent
Share:
  • Parenting tips kung paano maging mas mabuting magulang

    Parenting tips kung paano maging mas mabuting magulang

  • STOP YELLING: Isang trick kung paano mapigilan na sigawan ang anak

    STOP YELLING: Isang trick kung paano mapigilan na sigawan ang anak

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Parenting tips kung paano maging mas mabuting magulang

    Parenting tips kung paano maging mas mabuting magulang

  • STOP YELLING: Isang trick kung paano mapigilan na sigawan ang anak

    STOP YELLING: Isang trick kung paano mapigilan na sigawan ang anak

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.