Mahalaga na umiiwas sa stress lalo na kung nagbubuntis, dahil sinabi ng mga experts ay may epekto raw ito hindi lang sa iyong health kundi pati na rin kay baby.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Nakakaramdam ng stress habang buntis, may epekto raw kay baby
- How can you make your baby happy
Nakakaramdam ng stress habang buntis, may epekto raw kay baby
Labis na stress sa pregnancy may epekto raw kay baby | Larawan mula sa Pexels
Walang pinipiling time ang pagiging stress, sa trabaho, sa pag-aaral, o sa bahay man iyan ay maaaring pa ring maranasan ito. Ang problema na ikina-iistress mo ay magdudulot din ng panibagong problema sa health mo dahil hindi maganda ang labis na pag-iisip.
Kaya nga payo ng experts, hangga’t maaari ay iwasan ito lalo sa panahong nagbubuntis dahil may dulot pala itong hindi maganda para kay baby.
Sa isang pag-aaral na published sa journal na Infancy, inalam nila ang dulot ng stress sa pregnant mom at sa baby. Sinubukan nilang alamin ang stress sa pamamagitan ng pagsukat nito. Apat na beses sa isang araw sa loob ng 14 weeks ay nagpapadala ng mga katunangan sa mga mommy.
“Parents are the ones who can soothe their infants and be really responsive to their needs, and as infants grow” | Larawan mula sa Pexels
Tatlo ang types ng stress na natagpuan:
- Stress sa first assessment (baseline)
- Average o typical na level ng stress
- Amount ng pagbabago ng stress sa isang panahon (lability)
Habang sinukat naman nila ang negative emotions ng mga sanggol sa pamamagitan ng temperament na questionnaire na ibinibigay sa mga nanay sa oras na tumuntong na ng 3 buwan.
Kabilang sa mga tanong na ito ay ang pag-alam sa kalagayan ng bata in terms of:
Sa pamamagitan nito ay nakita nilang nakaapekto sa overall average score at mayroon talagang negative na epekto sa bata. Kabilang diyan sa ilang senyales ay kung gaano kadalas kumapit nang mahigpit ang bata sa kanilang magulang sa tuwing may makikita na hindi nila kilala.
Para kay Leigh Macneil, isang research assistant professor ng medical social sciences sa Northwestern University Feiberg School of Medicine, parents daw ang pangunahing makakapagpakalma sa bata sa panahon na nakararamdam ito ng negative emotions.
“Parents are the ones who can soothe their infants and be really responsive to their needs. And as infants grow, there are things parents can do to help the child navigate situations and learn to regulate and cope with their negative emotions.”
Mayroon ding komentaryo si Dr. Matthew Davis, chair ng department of pediatrics sa Feinberg and the Ann & Robert H. Lurie Children’s Hospital of Chicago patungkol sa pag-aaral. Ayon sa kaniya, best way rin para hindi makuha ng bata ang negative emotions na ito ay iwasan ang stress. Sinabi niya rin na ang pagpapatupad at pagpapalakas ng iba’t ibang programa ay malaking tulong para sa kanila,
“One of the most important approaches to having a less distressed child is to support expectant parents and minimize their stress during pregnancy. That can be accomplished through clinical care, social supports and policies that are family- and pregnancy-friendly.”
How can you make your baby happy
Make your baby happy with these mommy and daddy tips | Larawan mula sa Pexels
Lahat naman ng mabuting parents ay hinihinling na maging masaya ang kanilang mga anak. Kaya nga ginagawa nila ang kanilang best upang maibigay ang lahat ng bagay na sa tingin nila ay nakakabuti para sa kanila.
Kung hanggang ngayon ay tinatanong mo pa rin ang sarili mo kung napapasaya mo ba ang iyong anak. You should be gentle with yourself and huwag hayaang ma-pressure.
Para matulungan kayong mapasaya ang inyong little ones, narito ang ilang tips na maaaring i-try ng parents na gustong pasiyahin pa ang kanilang babies:
- Give their basics needs upang hindi lang sila lumaking kundi healthy na rin.
- Shower them you love and affection para ramdam nilang may nagmamahal sa kanila.
- Palaging kausapin ang anak kahit baby pa dahil nagiging way ito para magkaroon kayo ng stronger bond.
- Tulungan ang baby na ii-stimulate ang kanilang senses sa pamamagitan ng pakikipaglaro sa kanila as bonding.
- Turuan siyang magbigay rin ng love and care sa ibang tao. Ito ay upang maging ugali niya rin ang pagiging mapagmahal na bata.
- Palaging magsaya kasama ang baby sa pamamagitan ng pagbibigay ng time to play, talk, and cuddle with them.
- Take care of yourself too. Hindi mo maalagaan ang baby mo nang maayos kung ikaw mismo ay hindi mo naalagaan ang iyong sarili.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!