Ang pagiging ina ay hindi lamang laging masaya. May kasama rin itong pag-aalala at takot. Minsan, mayroon ding epekto ng anxiety kay baby habang buntis. Kaya naman soon-to-be moms, huwag masyadong ma-stress sa iyong pagbubuntis.
Ayon sa pag-aaral mula sa Journal of Maternal-Fetal & Neonatal Medicine:
“Aspects of a mum’s maternal anxiety can be managed by understanding her baby’s fetal movements and their pattern, especially in the third trimester.”
Upang maayos na ma-manage ng buntis ang kanilang anxiety, nakatutulong talaga ang pagbibilang ng sipa at pag-iintindi sa movement patterns ng iyong baby.
Ayon kay Dr. Grace Huang na resident doctor sa DTAP Clinic Robertson, ang isang rason umano ng pagbibilang ng sipa ni baby ay para maiwasan ang maternal stress at anxiety.
Pagbibilang ng sipa ni baby sa ikatlong trimester
Gaano kahalaga na gawin ito ng ina sa ikatlong trimester?
- Ang pagbibilang ng sipa sa ikatlong trimester ang importante upang malaman ang mga biglaang pagbabago sa kanya. Minsan ay bumabagal ang paggalaw ng fetus at ito ay early sign of fetal distress. Ang pag-alam sa movement ni baby ay matutulungan kang ma-pick up ang mga pagbabago niya.
Paano naman nakakatulong ang pagbibilang ng sipa sa pag-prevent ng stillbirth? Ano ang ibig sabihin ng pagbagal fetal movement?
- Mahigit 50% ng mga ina ay nagsa-suffer sa stillbirth sa ikatlong trimester at nai-report na nababawasan ang fetal movement ilang araw bago ito tuluyang mamatay. Kung agad mong made-detect ang reduction sa fetal movement, maari mo nang maiwasan ito.
Ano ang ibang benefits ng pagbibilang ng sipa, bukod sa pag-prevent ng stillbirth?
- Ito ay parang bonding niyo na rin ng iyong unborn baby at ninyo ng iyong asawa.
Maraming paraan ng pagbibilang ng sipa na makikita sa Internet, pero ano ang pinaka-effective?
- Ang isa sa mga pinakaginagamit na method ay ang “count to ten” method, kung saan ang nanay ay nagbibilang ng hanggang sampu. Dapat daw kasi ay umabot ng 10 movements sa loob ng dalawang oras.
Maternal Anxiety and Stress: Epekto ng anxiety kay baby
Ano ang pinaka-common na mental health concerns na kinakaharap ng mga nagbubuntis?
- Habang marami ang mas concerned sa pisikal na pangangatawan ng isang babae habang nagbubuntis, ganito rin ka-importante ang mental health nila. Ang pagbubuntis ay exciting ngunit mahirap din ito at kahit sino ay puwedeng maging prone sa mental health issues dahil dito.
Ang antenatal depression and anxiety ay isa lang sa mga mental health issues na nakababahala. Ang World Health Organization (WHO) ay may estimate na 1 sa 10 babae ang nakakaranas nito.
Ano ang mga triggers nito?
- Women face anxiety about their upcoming changes in their life roles such as motherhood, taking on new responsibilities, career changes, how motherhood may impact their existing relationships. They may also face worries about the pregnancy itself – fearing possible complications or health problems during the gestational period or during childbirth.
Mayroong mga babae ba ang mas prone?
- Habang nagbubuntis, maraming pagbabago ang pagdadaanan ng isang babae. Ito ay maaring magdulot ng anxiety at stress para sa kanya.
Ang mga babae na mayroon ng mental health issue bago magbuntis ay mas at risk. Ang mga buntis naman na walang support system o iyong mga hindi safe ang pakiramdam sa kanilang bahay ay at risk din.
Kailan dapat magpakonsulta sa doktor tungkol sa anxiety?
- Ang pagiging emosyonal habang buntis ay normal, pero maging alerto sa mga senyales katulad ng pagiging madalas na anxious. Kung nagkakaroon ka ng maraming negative thoughts o emosyon. At kung nakararanas na ng panic attacks.
- Kailangan mong komunsulta sa doktor para sa evaluation at posibleng treatment lalo na kung tungkol ito sa mental wellbeing.
Ano ang epekto ng anxiety kay baby habang buntis
Ang stress at anxiety ng ina habang nagbubuntis ay magkakaroon ng negatibong epekto sa kanyang health. Maari nitong maapektuhan ang kanyang pagtulog, pagkain at ang general wellbeing nito. Ito naman ay magkakaroon ng epekto sa paglaki ng fetus at ang length ng gestation. Pwede rin itong magresulta sa neurodevelopmental issues o sakit sa baby pagkapanganak.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Translated with permission from theAsianParent Singapore
Basahin:
15 silent signs of anxiety in children
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!