Kapag ikaw ay buntis, gusto mong nasusubaybayan ang kalusugan ng iyong baby. Ngunit paano nga ba ito? May mga paraan para ma-monitor ang foetal movement ng iyong sanggol.
Mababasa sa artikulong ito:
- Tools sa pag-monitor ng galaw ni baby sa loob ng iyong tiyan
- Paano ma-monitor ang foetal movement?
- Bakit kailangan bantayan ang galaw ni baby sa tiyan?
Kapag buntis ka, ikaw ay pinapayahuhan na maging malusog ng lahat lalo na ng iyong doktor, dahil mayroon nang ibang tao na lumalaki sa loob mo.
Ang ginagawa mo sa sarili mo ngayon ay nakakaapekto rin sa iyong sanggol. May mga panganib at bagay na hindi mo dapat gawin, ngunit paano mo malalaman na ang iyong ginagawa ay nakakatulong sa baby na nasa iyong sinapupunan.
Paano mo masusubaybayan ang kanilang paglaki at kalusugan? May mga paraan para matingnan at ma-monitor ang paggalaw ng iyong sanggol.
Bakit kailangan bantayan ang galaw ni baby sa tiyan?
Magsimula tayo sa kung BAKIT kailangan mong masubaybayan ang paggalaw ng iyong sanggol. Ang pagsubaybay sa mga galaw ng iyong sanggol habang buntis ay nakakatulong sa iyong matiyak na malusog ito.
May mga pagkakataon na hindi ka makakapunta sa iyong doktor para magpa-check up. Ang isa pang dahilan ay maaaring naranasan mong makunan noon.
Maaaring ring mayroon kang kondisyon na puwedeng makaapekto sa kalusugan ng iyong sanggol. Anuman sa mga sitwasyong ito, o kahit na ikaw ay nagkakaroon ng “normal” na pagbubuntis, mainam na subaybayan kung ano ang nangyayari sa loob ng iyong katawan kung saan naroroon ang iyong pinagbubuntis.
Bakit kailangan bantayan ang galaw ni baby sa tiyan?
Paano ma-monitor ang foetal movement?
Maraming paraan para ma-monitor ang foetal movement o sipa ng sanggol. Karaniwang mararamdaman mo ang mga sipa simula sa ika-18 na linggo, ngunit ito ay nagkakaiba-iba depende sa babae at pagbubuntis.
Sa oras na maramdaman ang pagsipa ng sanggol, narito ang mga tool upang matulungan kang magbilang. Ang karaniwan o malusog na bilang ng “pagsipa” o paggalaw (na maaari ding mga roll at flutters minsan) ay halos 10 sa loob ng 1 oras.
Sa mga oras na hindi maramdaman ang pagsipa ng sanggol, huwag mag-panic, maaaring ito ay natutulog o nagpapahinga.
Ang Kick Counter ay isang tool na binuo sa theAsianparent app nito upang matulungan ang mga buntis na magbilang ng kanilang mga sipa.
Ito ay simple lang gamitin: buksan mo lang ang app kapag naramdaman mong nagsisimula nang sumipa ang sanggol, at pagkatapos ay i–click ang button sa tuwing may maramramdaman ka na panibagong sipa.
Ang app na ito ay makakatulong upang i-tala ang kung gaano kadalas mo ginamit, gaano katagal, at gaano karaming sipa ang iyong naramdaman sa session na iyon.
Ito ay maaari mo ring ibahagi sa iyong doktor sa panahon ng iyong examination na makakatulong para masiguro ang kalusugan ng iyong sanggol. Maaari ring itong mag-bigay ng daan para makapa-bonding kayo ng iyong partner habang ikaw ay nagbubuntis.
2. Mama’s Choice Kick Counter Wristband
Ito ay gawa sa silicone na madaling isuot at hubarin sa iyong kamay. Ito ay may kulay na pink. Madali itong gamitin: Ayusin ang indicator habang binibilang ang pagsipa.
Makakatulong ito sa pisikal at biswal na pagpapaalala na bilangin ang mga sipa kung ikaw ay nakakaranas ng ‘pregnancy brain’.
3. Foetal Doppler machine
Isa itong machine na makikita mo sa opisina ng iyong doktor, at maaari kang bumili para magamit mo kahit nasa bahay. Sa madaling salita, ito ay machine na karaniwang handheld ultrasound.
Gumagamit ito ng mga sound wave upang marinig at masubaybayan ang foetal movement. Ito ang makina na ginagamit nila upang suriin ang tibok ng puso ng iyong sanggol sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis.
BASAHIN:
9 must-have tools in your phone to help you have a healthy pregnancy
Buntis Guide: How to use theAsianparent App to track baby’s kicks
7 amazing facts about baby’s kicks during pregnancy
Maaari bang hikayatin na mag-baby kick?
Ang maikling sagot ay OO. Ang ilang paraang pwedeng mong gawin ay madali lang:
Larawan mula sa stockphoto
- Kumain ka. Kadalasang nahihikayat silang gumalaw (na maaari ring makapagpagalaw sa ‘yo) at sumipa. Iyon ang dahilan kung bakit inirerekomenda na isa sa mga pinakamahusay na oras upang masubaybayan ang foetal movement ay pagtapos kumain.
- Igalaw nang dahan-dahan ang iyong baby bump – huwag itong alugin. Siguraduhin lang na may paggalaw sa iyong baby bump, o kaya’y dahan-dahang haplusin ito upang hikayatin ang paggalaw.
- Makipag-usap o tumugtog ng musika — Karaniwang tutugon ang iyong sanggol sa pakikipag-usap, o pakikinig ng musika. Maaari mong subukan iyon upang matulungan silang magpatuloy sa paggalaw. Siguraduhin lamang na ang musika ay hindi masyadong malakas.
- Mag-ehersisyo at pagtapos ay magpahinga o humiga – Kapag hindi pa ganoon ka tagal ang iyong pagbubuntis, ito ay maaaring opsyon. Ang biglaang paggalaw (o page-ehersisyo) at pagtapos ay magpapahinga ay magsi-stimulate sa iyong sanggol na makakatulong para mahikayat silang gumalaw.
Gawing bonding time ang pagmo-monitor ng foetal movement
Alinmang paraan ang gamitin mo sa pagmo-monitor ng foetal movement ay makakatulong sa pangmatagalan sa pagtiyak na may malusog kang pagbubuntis.
I-enjoy ang mga sandaling ito at gawin itong bonding experience para sa iyong sarili at para sa iyong pamilya. Maaaring gawin ito kasama ng iyong partner, o kahit ang mga nakatatandang anak upang makatulong sa pagpapagaan sa kanila sa malaking tungkulin bilang kapatid.
Simulan ng bilangin ang mga pagsipa ng iyong baby!
Bantayan ang paggalaw ni baby sa tiyan
Bukod sa kick counter ng baby na makikita at mabibili online, mas mahalaga pa rin ang pagbabantay sa paggalaw ni baby sa tiyan. Ang tamang paggamit ng kick counter ay makakatulong sa lalong maingat na pagbabantay sa iyong sanggol.
Narito ang mga tips sa paggamit ng foetal movement tool para bantayan ang paggalaw ni baby sa tiyan.
- Paraan: Anumang trimester na ang iyong pagbubuntis, inirerekomenda na magsimula ka sa ibaba hanggang sa gitnang bahagi ng tiyan papunta sa itaas. Magsimula sa ibaba ng iyong pusod.
- Paggalaw: Ang paggalaw ay dapat na mabagal at unti-unti. Kung masyado kang gumagalaw o masyadong mabilis maaaring maglagay sa panganib ito ng baby.
- Paglalagay ng gel – Nakakatulong ang gel sa pagpapadaloy ng tunog. Siguraduhing takpan ang buong surface area kung saan dadaan ang doppler. Ang pinakamagandang paraan ng paglalagay ng gel ay ilapat ito direkta sa balat (sa tiyan) at ikalat sa pamamagitan ng paggamit ng doppler.
- Mag-practice – I-practice ang paggamit ng doppler sa iyong sarili. Maglagay lang ng gel sa iyong dibdib at sundin ang mga instruksyon para mahanap at marinig ang tibok ng iyong puso. Kapag nahanap mo na ito, maaari mo nang gawin ito sa iyong baby bump.
Mga dapat iwasan sa pagmo-monitor ng foetal movement
- Huwag masyadong diinan ang paghawak at pag-haplos sa baby bump gamit ang doppler.
- Iwasang maglagay ng maraming gel.
Tandaan mahalaga ang pag-monitor sa mga sipa ni baby upang maiwasan ang stillbirth, kaya naman mga mommies magbilang na. Gawin itong bonding time niyo ni baby habang nasa tummy mo pa siya.
Additional information from Kyla Zarate
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!