Benepisyo ng sapat na tulog lalo na sa panahon ng COVID-19, ating alamin.
Para mapanatili ang malusog na pangangatawan, kinakailangan nating matulog ng tama. Nakakatulong ang pagkakaroon ng sapat na tulog sa immune system ng isang bata. Lalo na sa panahon ngayon kung saan nararanasan natin ang COVID-19 pandemic.
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Benepisyo ng sapat na tulog
- Pag-aaral tungkol sa benepisyo ng sapat na tulog sa resistensya natin
- Paano makakapagpahinga ang iyong pamilya?
Kasunod ng pangyayaring ito, hindi natin maikakailang apektado ang ating mga anak kahit na nasa bahay lang sila. Limitado ang kanilang kilos at hindi makalabas para sa mga aktibidad.
Benepisyo ng sapat na tulog | Image from Unsplash
Kahit na bata pa lang sila at hindi naiintindihan ang buong pangyayari, nakakaranas din ang ating mga anak ng pag-aalala at pagkatakot na siyang dahilan kung bakit bigo silang makatulog ng maayos sa gabi. Sleep deprivation, ito ay ang pag-atake sa emosyonal na kakayahan ng mga bata o teenager.
Maaaring magbigay ng sakit o pahinain ang katawan ng bata kung hindi sila nakakakuha ng sapat na tulog. Kaya naman kailangang magkaroon ng proper sleep para maipagpatuloy ng ating katawan na maglabas ng immune-boosting cells. Importante ito para mapigilan na makakuha ng sakit.
Para masigurong nakakakuha ng sapat na pagtulog ng iyong anak, narito ang mga kailangan mong matututunan.
Benepisyo ng sapat na tulog
Kapag ikaw ay may sakit, mapapansin mong madali kang mapagod. Isa itong senyales na pinapadala sa ‘yo ng iyong katawan na kailangan mong magpahinga at matulog muna. Hindi ka nito papagalingin ng todo. Ngunit matutulungan kang mapalakas ang iyong resistensya.
BASAHIN:
3 tips para makatulog nang mag-isa si baby
STUDY: Hindi pagtulog ng baby sa gabi, hindi dapat ikabahala
Safe ba ang COVID-19 vaccine sa buntis?
Ayon sa pag-aaral, malaki ang naitutulong ng pagtulog sa immune system ng isang tao. Magagawa ka nitong ilayo sa sakit pati na rin mapanatiling malusog ang iyong katawan. Kung hindi ka naman nakakatulog ng sapat, may tyansa na madali kang mapagod at ma-stress.
Dagdag pa ng mga researcher na naglalabas ng importanteng protina ang katawan sa pagtulog gaya ng cytokine. Mahalaga ang ginagampanan nitong papel sa resistensya dahil siya ay responsable sa paglaban sa delikadong pathogens.
Bukod pa rito, napapabuti ng pagtulog ang ating T Cell production. Siya ang responsable naman sa pagsira ng “harmful cell” sa ating katawan.
Sa panahon natin ngayon na nasa paligid lang ang delikadong virus, kinakailangang palakasin ang resistensya natin sa pamamagitan ng pagtulog.
Isang datos ang nakuha ng data analyst na si Feixiong Cheng mula Cleveland Clinic kung gaano kahalaga ang pagtulog para maprotektahan ang katawan sa COVID-19. Ang sleep hormone na melatonin ay importanteng parte ng ating katawan.
Benepisyo ng sapat na tulog | Image from Shuttestock
Ayon sa pag-aaral na ito, ang mga taong mataas ang melatonin ay mas malaki ang tyansa na maka-survive at maiwasang makakuha ng virus.
Kaya naman para magkaroon ng malakas na resistensya at tuluyang makaiwas sa sakit, kailangan ng buong pamilya ng sapat na tulog.
Benepisyo ng sapat na tulog: Paano makakapagpahinga ang iyong pamilya?
Hindi nagagawa ng pagtulog na protektahan ka ng buo sa sakit ngunit dapat tandaan na para rin ito sa pisikal at mentalidad. Kung sa tingin mo ay kulang ka sa melatonin, narito ang mga tips para magkaroon ng regular na pagtulog.
1. Mag-stick sa regular na sleeping schedule
Kailangan mong sanayin ang sarili na matulog at magising sa nilaan mong oras araw-araw. Weekdays man ito o weekends, makakatulong ito para masanay ang iyong katawan sa sleeping pattern.
Ayon sa mga eksperto, ito ang dapat na ammount ng pagtulog ang matatanggap ng iyong anak:
- 1-4 Weeks Old: 15 – 16 hours a day
- 1-4 Months Old: 14 – 15 hours a day
- 4-12 Months Old: 14 – 15 hours a day
- 1-3 Years Old: 12 – 14 hours a day
- 3-6 Years Old: 10 – 12 hours a day
- 7-12 Years Old: 10 – 11 hours a day
- 12-18 Years Old: 8 – 9 hours a day
2. Gawing consistent ang iyong routine
Makakatulong ang iba’t-ibang night routine na umaabot sa tatlumpung minuto sa iyo bago matulog. Katula na lamang ng pagligo, pagsipilyo o kaya naman pagbaba sa ng libro kasama ang iyong anak.
Benepisyo ng sapat na tulog | Image from Unsplash
3. Outdoor activities
Makakatulong ang sinag nga araw at sariwang hangin para gawing aktibo ang iyong katawan. Malalaman nito kung anong araw at at kung kailan ka dapat matulog. Ugaliin na gumawa ng iba’t-ibang outdoor activity kasama ang pamilya.
4. Limitahan ang screentime
Halos lahat na ata ng matanda at bata ay nakatutok na sa kanilang mga gadget araw-araw. Ito ang pagkakataon para limitahan ang sarili sa sobra-sobrang paggamit ng gadgets.
5. Iwasan ang pag-idlip
Hindi natin maiiwasang matulog sa araw lalo na sa hapon. Ngunit pilitin ang sarili na 20-30 minutes lamang ang aabutin ng iyong pag-idlip sa araw.
6. Maging sleeping role model
Likas na sa mga bata ang gayahin ang kanilang mga magulang. Kabilang na rito ang pagtulog sa araw. Kaya naman gawing sleeping role model ang sarili para sa iyong mga anak. Kung nakita ng anak mo na maaga kang natutulog, maaaring ikaw ay gayahin nito.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated by Mach Marciano
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!