REAL STORIES: Baby nag-agaw buhay dahil ipinanganak na 'kalahati ang puso'

Ang hypoplastic left heart syndrome ay isang rare heart condition kung saan underdeveloped ang kaliwang bahagi ng puso ng isang baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagkukwento ng isang ina, underdeveloped daw ang kaliwang puso ng baby niya dahilan para maging kalahati lamang ito. Alamin kung anong kundisyon ang ganito.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Baby ipinanganak na ‘kalahati ang puso’
  • Ano ang hypoplastic left heart syndrome

Baby ipinanganak na ‘kalahati ang puso’

Masakit para sa ina na magkaroon ng hindi normal na kundisyon ang anak, habang nasa sinapupunan pa lamang ito. Tulad na lang ng kwento ng isang ina na si Emma. Base sa kanya, mayroong hindi pangkaraniwang kundisyon daw ang kanyang baby na si Hannah, kung saan kalahati lamang ang puso na mayroon ito.

“Initially, like many parents, we didn’t know what to expect.  The biggest issue was not knowing, that was daunting.”

Pagkukwento ni Emma, nauna raw nilang nalaman na may mali na sa puso ni Hannah noong 12-week scan niya. Pagtuntong daw ng 20-week scan ay inabisuhan na siyag kailangan na ng regular scans dahil hindi na nga normal ang nangyayari sa bata. Dito rin daw sinabi sa kanyang mayroong hypoplastic left heart sydrome ang kanyang anak. Ang kaliwang bahagi ng puso raw nito ay underdeveloped at hindi umaabot sa size na sapat para sa isang sanggol.

Tanda niya pa raw noon na hindi niya alam kung anong dapat gawin.

Pagbabalik tanaw niya, noong nasa ospital pa raw siya ay sobrang daming medical staff sa loob ng kanilang kwarto. Dahil ‘stillborn’ daw ang baby ayon sa obstetrician. Maituturing na sigh of relief noong huminga ang kanyang anak noon.

Sa unang 36 hours ng anak niya sa mundo ay naranasan niya kaagad na maoperahan. Sinabihan pa nga raw sila noon na malaki ang chance na hindi maka-survive ang bata sa surgery na ito. Masakit daw ito para sa kanya na isipin dahil hindi pa nga niya halos nahahawakan ang kanyang anak at maaaring mawala na ito agad sa piling niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Pexels

Matapos daw ang operasyon ay dinala nila ang bata sa ICU (intensive care unit) nang nakabukas ang chest niya for a few days kung sakali raw magkaroon ng komplikasyon sa ginawang operasyon. Labis daw na ikinagulat niya nang biglang nag-cardiac arrest ang bata habang isinasara na ang chest nito.

“I remember a lot of tears.”

Hindi pa nga raw siya makapaniwala sa lahat ng nangyayari kasama ang kanyang asawa. Laking pasasalamat daw nila nang mai-revive pa ang baby.

Hanggang sa dumating daw ang panahon ng pinakahihintay niya. Noong 18 days old na raw ang baby ang nagawa na niyang yakapin ito. Hindi niya pa nga raw mailarawan ang nararamdaman niya sa special moment na iyon nilang dalawa.

Nakita niya raw kung gaano karaming mga magulang ang nasa cardiac ward noong mga panahon na iyon. Ilan daw sa mga magulang ay nawalan na talaga ng pag-asang makabalik pa ang baby sa kanila. Sobrang swerte raw nila at sa panglimang buwan ni Hannah at nakauwi na sila sa kanilang bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“She is growing up to be a gorgeous, cheeky little girl.”

Larawan mula sa Shutterstock

Marami raw procedures at surgeries ang kinailangan ng bata para lamang makapamuhay siya nang normal. Ngayon daw ay masigla na si Hannah. Nakita rin daw nila kung gaano kalakas si Hannah dahil nadiagnose naman siya ng Ayme-Gripp sydrome noong 5 taong gulang siya. Ito naman ay kundisyon kung saan nabibingi ang isang tao at mawawalan ng kakayahang magsalita.

Dito raw nila talagang nakita kung gaano katatag ang bata sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ngayon daw ay stable naman ang kundisyon ni Hannah at magiging 10 years old na siya sa ilang buwan. Nagugulat pa rin daw silang mag-asawa sa kung anong mga kayang gawin ng kanilang anak.

“We just want Hannah to be happy and enjoy life, I hope we are past the major health issues – her heart condition won’t ever go away, it’s lifelong, and there is no cure.”

Larawan mula sa Shutterstock

Ano ang hypoplastic left heart syndrome?

Tumutukoy ang hypoplastic left heart syndrome sa isang kundisyon kung saan critically underdeveloped ang left side ng puso, ayon sa Mayo Clinic.

“Hypoplastic left heart syndrome is a complex and rare heart defect present at birth (congenital). In this condition, the left side of the heart is critically underdeveloped.”

Kung ang sanggol daw ay mayroong ganitong kondisyon, wala raw kakayahang makapag-pump ng blood sa katawan ang kaliwang puso nito. Kaya naman nauuwi na lang na ang kanang bahagi ang nagpo-provide sa kan-yang lungs at buong katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maaari itong magamot sa pamamagitan ng pagpe-prevent sa pagsasara ng connection sa pagitan ng kanan at kaliwang bahagi ng puso. Pwede rin na magkakaroon ng surgery o kaya naman ay heart transplant.

Ilan daw sa maaaring sintomas nito ang pagkahirap huminga, mahinang pulso, grayish-blue skin color, at mahinang pagkain ng isang indibiduwal.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva