Para sa mga magulang, at ang mga nagpaplanong magsimula ng pamilya, malaking tulong ang mga baby expo. Sa mga baby expo, natututo ang mga magulang tungkol sa iba’t-ibang produkto para sa kanilang mga anak, at natututo rin sila ng tips sa pagiging magulang. Kabilang sa mga baby expo ang natapos lang kamakailan na Baby, Kids & Family Expo 2018 sa SM Megamall.
Ito ay ginanap noong Set. 1-2, at nagtampok ng iba’t ibang mga serbisyo at produkto para sa buong pamilya. Heto’t alamin natin kung anu-ano ang naganap!
Baby, Kids & Family Expo 2018: Ano ang mga naganap?
Mahigit 150 na iba’t-ibang brand ang dumalo sa expo. Ang maganda dito ay hindi lamang ito para sa mga baby o sa mga ina, ngunit para sa buong pamilya. May mga damit, laruan, pagkain, gamit sa bahay, atbp.
May mga dumating rin na mga mascot at nagkaroon ng live performance para sa mga dumalo. Bukod dito, marami ding mga craft activities na ginawa para sa mga bata. Nagkaroon din ng mga pa-contest ang ibang mga booth, at napakaraming mga freebies ang ipinamigay!
Murang gamit para kay baby
Sa Baby, Kids & Family Expo 2018 ay makakabili kayo ng murang mga gamit para kay baby.
Mga wooden toys para sa mga bata.
Source: Facebook.com
Healthy at masasarap na pagkain para kay baby.
Source: Facebook.com
Murang stroller at iba pang mga gamit
Source: Facebook.com
Mga gamit para kay mommy
Hindi lamang para kay baby ang mga binebenta sa expo, pati na rin si mommy, siguradong makakahanap ng mga produkto para sa kanya!
Iba’t-ibang mga maternity clothes
Source: Facebook.com
Murang mga breast pump para sa mga ina!
Source: Facebook.com
Mga pa-contest at raffle!
Nagkaroon din ng pa-contest para sa mga cute na baby, pati na rin iba’t-ibang mga pa-raffle mula sa mga booths.
Source: Facebook.com
At kung anu-ano pa!
Napakaraming mga produktong mahahanap sa kakatapos lang na baby expo, kaya’t siguraduhin niyong makakapunta kayo sa susunod na taon!
May mga mascot na nagpasikat para sa mga dumalo sa expo
Source: Facebook.com
May mga nagbebenta ng iba’t-ibang toiletries at mga panlinis sa bahay
Source: Facebook.com
Mayroon ding nagbebenta ng organic na inumin
Source: Facebook.com
At iba pa!
Source: Facebook.com
Source: Facebook
Basahin: 7 Popular baby products parents don’t really need
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!