LOOK: Ryzza Cenon, ipinagdiwang ang first birthday ni Baby Night

Basahin ang heartfelt birthday message ni Ryzza Cenon sa 1st birthday ng kaniyang anak na si Baby Night Cruz. Silipin din ang cute pics ni Baby Night.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Anak ni Ryzza Cenon na si Baby Night Cruz, ipinagdiriwang ang kanyang first birthday. Tignan ang mga cute pics niya at mensahe ng kaniyang Mommy at Daddy para sa kaniya.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Heart-warming message ni Ryza Cenon sa kaniyang anak
  • Mensahe ni Miguel Cruz sa kaniyang baby boy
  • Milestone ni Baby Night Cruz

Heart-warming message ni Ryza Cenon sa kanyang anak

November 1, 2020, opisyal na inanunsyo ni Ryza Cenon ang kaniyang successful delivery sa kaniyang first baby. Ngayong taon (October 31, 2021), ipinagdiriwang ang first birthday ni baby Night Cruz.

Sa Instagram account ni Ryza ibinahagi niya ang milestone na ito ng kaniyang baby boy. Ipinost niya ang isang slideshow ng mga larawan ng kaniyang Baby Night Cruz at may kasama pa itong heartwarming message.

Larawan mula sa Instagram account ni Ryzza Cenon

Mensahe ni Ryzza Cenon sa kaniyang anak,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“To my dearest Night, Happy 1st birthday! It’s hard to believe that you’re already a year old. Parang kailan lang nasa tummy ka ni mommy, but here we are celebrating your first birthday.

Yey!!!! I thank God sa pagsagot ng dasal ko. At ikaw yun anak. You complete us and give us hope. We’re looking forward to seeing you grow up to become a good, responsible and adorable person. We love you sooooo much! Happy birthday!” 

Larawan mula sa Instagram account ni Ryzza Cenon

Pregnancy struggle ni Ryza

Ang milestone na ito ng kaniyang anak ay talaga namang fulfilling para sa kaniya. Matatandaan sa kaniyang interview na tanggap na niyang hindi siya magkakaanak dahil ang kaniyang uterus ay inverted. Kaya naman ito ay isang napakalaking blessing para kay Ryza.

“At first, I wasn’t expecting to be a mom in the future because my uterus is inverted. So I kind of accepted it. Then this happened. I got pregnant.

So I was shocked that I can be a mom too. That’s why it’s very fulfilling that the one thing that I have been dreaming before was just given to me now. So I’m really grateful for this.”

Matatandaan ring ibinahagi sa interview ni Ryza ang kanyang pregnancy struggle journey bilang first time mom. Mahirap din ang kanyang pinagdaanan tulad ng ibang ina lalo na sa nararanasang pandemya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Well, yes, I cannot avoid being afraid because of the pandemic. Of course, in the hospital, me and the baby will be exposed.

Next is that he might have complications, but always pray every day that the baby will be all healthy and normal, and that there will be no complications.”

Larawan mula sa Instagram account ni Ryzza Cenon

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mensahe ni Miguel Cruz sa kaniyang baby boy

Ang boyfriend naman ni Ryza na si Miguel Antonio Cruz ay ipinost din sa instagram ang mga larawan ng anak na may caption na:

“It was exactly a year ago today when this little bundle of joy came into our lives. Welcome to toddlerhood son!! We love you!!”

Si Miguel Cruz ay isang cinematographer na ipinakilala sa kaniya ng kaniyang kaibigan noong 2019. July 1, 2020 ay opisyal namang inanunsyo ni Miguel ang pagbubuntis ni Ryza.

Milestones ni Baby Night

Ipinost ni Ryza ang video ng kaniyang anak na may caption na: Nagpa-practice sya mag-isa mag whistle. Nahuli ko lang.” Mapapanood sa video na ito na pinipilit mag whistle ni Night kahit na walang tunog na lumalabas

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami ring natuwa sa video na ipinost ni Ryza ang paggapang ni Night paakyat ng hagdan.

Nakakahakbang na din si Baby Night at kaunting practice pa ay makakapaglakad na ito

Night time

Sa Vlog ni Ryza na in-upload noong May 1, sinabi niyang wala muna siyang “Me time”.

Ayon sa kaniya, Saka na lang tayo mag me time kapag kaya na nya. Kaya tignan nyo, sobrang bagal kong pumayat. Nakikita ko ‘yong ibang mommies ang gaganda ng nails, ako. Nakikita ko ‘yong ibang mommies naka-two peace, ako, ito naka-all black, tagong tago.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Huminto muna sa pagtatrabaho si Ryza Cenon para mas matutukan ang pag-aalaga at pagpapalaki sa kaniyang anak. Naging mas pribado rin sa kanilang buhay pamilya sina Ryza at Miguel.

Again, Happy birthday Baby Night Cruz!

Source:

Instagram

Sinulat ni

Kyla Zarate