Nagdiwang ng ikatlong taong kaarawan nitong October 8 si Cash, ang anak nina Neri at Chito Miranda. Kasabay nito ay ang paghirit ni misis ng isa pang anak kay mister!
Mababasa sa artikulong ito:
- Neri Naig, Chito Miranda ready nang magkaroon ulit ng baby?
- Paano sabihin sa iyong partner na gusto mo na ng isa pang anak
Neri Naig-Miranda ready na manganak ulit, humirit kay Chito!
Ibinahagi ni Neri Miranda ang kaniyang pagbati sa anak na si Cash para sa birthday nito noong October 8. Aniya sa kaniyang Instagram post, ang anak ang kaniyang literal na bola ng kaligayahan at blessing ito sa kanilang buhay.
“We are blessed and grateful to have you in our lives. Every day with you is an adventure full of laughter, love, and joy. You’re Mommy’s little ball of happiness, literal na bola sa kakyutan…Mahal na mahal ka namin, anak! Mahal na mahal ka ni Mommy!”
Larawan mula sa Instagram ni Neri Miranda
Hindi naman nagtapos sa pagbati kay Cash ang naturang social media post, humirit pa kasi si Neri sa dulo ng post na nakalaan naman para sa asawang si Chito Miranda.
Aniya, “Dad, three years old na si Cash, pwedeng pwede nang sundan!”
Larawan mula sa Instagram ni Neri MirandaBiro naman ni Chito sa kaniyang comment sa nasabing post, “Sundan? Oo ba! Tara sundan natin…saan ba daw sya pupunta?”
Hirit naman ng mga netizen at fans na sana umano ay baby girl na ang susunod nilang maging anak.
Paano sabihin kay mister o misis na gusto mo nang dagdagan ang anak
Narito ang ilang paraan para ipahayag sa asawa na handa na kayo para sa isa pang anak:
Larawan mula sa Instagram ni Neri Miranda
- Maghanap ng tamang pagkakataon upang mag-usap nang walang abala. Maari itong sa isang date night o sa maaliwalas na paligid.
- Sabihin ang mga dahilan kung bakit nais mo ng dagdag na anak. Maari mong ipahayag ang saya ng pagkakaroon ng panganay at ang saya na dulot ng pagiging magkapatid.
- I-highlight ang mga pangarap at plano para sa iyong pamilya. Ipaliwanag kung paano magiging mas masaya ang buhay kung maraming kapatid ang inyong mga anak.
- Mahalaga na marinig din ang opinyon ng asawa. Ipakita na bukas ka sa kanyang saloobin at alalahanin.
- Magplano ng family day kasama ang inyong mga anak at pag-usapan ang posibilidad ng pagkakaroon ng dagdag na anak habang nag-eenjoy.
Ang bukas na komunikasyon ay susi sa pagtanggap ng bagong miyembro ng pamilya!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!