Baby River Santos, alamin kung paano naturuan ng mga magulang niyang sina JC Santos at Shy Herrera na matulog ng maaga.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano bilang isang ama si JC Santos sa anak na si baby River Santos.
- Parenting tips mula kay JC Santos at misis niyang si Shy.
Paano naturuan si Baby River Santos na matulog ng maaga?
Sa kanilang mga social media post ay makikita kung gaano ka-cool bilang couple ang mag-asawang JC Santos at Shy Herrera. Ang coolness nila ina-apply din nila sa pagiging parents sa 1 year and 8 months old na si Baby River. Kahit first time parents pa nga lang ay marami ng tips ang matutunan sa mag-asawa. Isa na nga rito ay kung paano nila napapatulog ng maaga si baby River, specifically ng alas-8 ng gabi. Paano nila ito nagagawa? Ito ang kanilang sikreto.
“Pinapatay na ‘yung ilaw tapos wala ng activities, wala ng screen at 8 pm yun na yon eh that’s the time. Maybe 30 mins maglilikot muna siya sa bed tapos kukulitin na muna niya si Shy hanggang sa makatulog na lang siya.”
Ito daw ang strategy na ginagawa ni JC at misis na si Shy para maagang mapatulog si River.
Sa murang edad ni River na 1 year at 8 months ay sinasanay narin nila ito na matulog na nakahiwalay sa kanila. Pagbabahagi ni JC ay ginagawa nila ito sa anak ng dahan-dahan na nakikita naman nilang effective at nakakasanayan niya na.
“We started na katabi namin siya, nasa gitna namin sya. Tapos nagkaroon na kami ng isang bed sa baba so we’re gradually bring her on another bed, para ma-establish na may bed na siya. Tapos eventually, another room na ‘yon. Lalagyan na namin ng sofa sa gitna gano’n para alam niya na nandiyan lang kami.”
Ganito daw ang strategy na ginagawa nila JC Santos kay baby River para unti-unting mailipat ang anak sa sarili niyang kwarto.
Parenting tips mula kay JC Santos at misis na si Shy Herrera
Image from JC Santos Instagram account
Maaga rin daw inintroduce ni JC at Shy ang halaga ng pag-aaral sa anak na si River. Ginawa nila ito sa pamamagitan ng paggamit ng books with images na nai-enjoy ni River habang siya ay natututo.
“Nung first year nya nag introduce na kami ng books with images. So every day she learns new words through those images. Kunware ‘umbrella’, ‘A is for apple’, ‘B is for banana’. Even shapes and colors at this parang memorize na nya yung book.”
Ito ang masayang pagkukuwento ni JC. Dagdag pa niya, dahil sa mga nakikita at natutunan ng anak ay nauna pa nga daw nitong nabanggit ang salitang “banana” kaysa tawagin silang mama at papa.
“Sobrang mabilis yung pick-up nya. Natutuwa kami lalo na pag nakakarinig kami ng ‘please’ and ‘thank you’. Nandoon na sya sa words na yon. I remember the first word na natutunan niya talaga ng buo is ‘banana’ because of the song ‘Apples and bananas’. Then she says it with every emotion as in ‘bananaaa, bananaaa’.”
BASAHIN:
JC Santos and wife Shy Herrera, ibinahagi ang pregnancy journey sa kanilang “miracle” Baby River
LOOK: Meet River Aletheia, ang super cute na anak ni JC Santos
Paano nasisigurong healthy nila JC at Shy ang anak na si River
Image from JC Santos Instagram account
Pagdating naman sa food at pagiging healthy, hanggang ngayon umano ay breastfed parin si baby River. Paano na-mamaintain ni Mommy Shy ang breastmilk flow niya? Ito ang kaniyang ginagawa.
“I think pinaka-mahalaga is water. Tapos wag ma-stress sa life. Yun lang siguro. Hindi kasi ako stress kaya hanggang ngayon nandyan pa rin yung milk production ko. Kasi sa mga friends ko sinasabi nila na nawawala ‘yung sa kanila at an early phase kasi sa stress.”
Ito naman ang pagbabahagi ni Mommy Shy.
Pero maliban sa breastfed ay matakaw narin daw si River kumain ng mga solid foods. Sa kaniyang diet everyday ay hindi daw nawawala ang fruits na nakakatulong sa digestion at bowel movements niya.
“Mayron palagi siya fruits para fiber kasi umaabot ng 1 whole day na hindi siya nagpo-poop so kailangan namin ng fruit intervention.”
Ito ang sabi pa ni JC.
JC and Shy as parents to baby River
Image from JC Santos Instagram account
Sa ngayon, sabi ni JC at Shy ay super nai-enjoy nila ang pagiging parents sa anak na si River. Dahil marami silang natutunan at nadidiscover sa anak kahit sa bata palang nitong edad. Kung puwede nga lang daw ay gusto lang ni JC na mag-stay sa kanilang bahay at alagaan lang ang anak.
“Ako nag eenjoy ako eh. Ako every single day, I see things. I learn new things from her, from myself na ‘ah ganito pala ako.’ So this is fun for me. Ako kasi education is good eh. I’m pro education so everytime I learn something new it’s exhilarating. It’s great. I want more. Kung hindi lang ako lumalabas, I don’t mind being a stay home dad”, sabi ni JC.
Ganito rin umano ang ginagawang magic kay Mommy Shy ni River.