2-anyos namatay matapos mahulugan ng tukador

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ipinagbabayad ng nasa $46 million (P2.3 Billion) ang Ikea sa isang pamilya sa California, United States. Ito ay magiging settlement nila matapos mamatay ang 2 taong gulang na miyembro ng pamilya matapos matumba sa kanya ang tukador mula Ikea. Alamin ang kwento nito at ang mga baby safety tips para sa mga bata.

Ikea Malm dresser

Si Josef Dudek, 2 taong gulang ay nahulugan ng Malm dresser mula Ikea nuong Mayo ng taong 2017. Nabagsakan nito ang kanyang leeg, na nagdulot ng mga pinsala na naging rason para hindi siya makahinga. Mula dito ay nagsampa ng kaso ang pamilya ng bata nuong Hunyo taong 2018.

Ayon sa reklamo ng pamilya ay alam na ng Ikea na may prublema ang disenyo ng kanilang dresser pagdating sa kaligtasan. Ganunpaman, nabigong gumawa ng mga tamang hakbang ang kumpanya para masigurado ang tibay at kaligtasan ng mga konsyumer.

Problema sa disenyo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nuong 2016, 3 bata ang naitalang namatay dahil sa nasabing dresser mula sa Ikea. Bawat pamilya ng mga bata ay binayaran ng kumpanya ng $50 million (P2.5 billion). Mula dito ay nagsabi ang kumpanya na kanilang ire-redesign ang tukador para maging mas ligtas ito.

Ganunpaman, ibinahagi ng abugado ng mga pamiya at ng pamilya ni Dudek na milyon milyon parin ng lumang modelo ng tukador ang nasa iba’t ibang kabahayan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Simula 2016, nakapag-recall na ang Ikea ng nasa 17.3 million ng naturang tukador. Nakatanggap narin sila ng nasa 300 report na naging sanhi ng injury sa nasa 144 na bata. Ayon nga sa US website ng kumpanya ay mayroon nang 8 namatay dahil sa mga chest at tukador mula sa kanila.

Baby safety tips

Para mapanatilin ligtas ang baby sa loob ng bahay, may ilang mga maaaring gawin:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Huwag iiwanan mag-isa ang baby sa ibabaw ng kama o sofa.
  • Iwasang maglapit ng maiinit na inumin sa baby.
  • Huwag i-microwave ang bote ng baby.
  • Itabi sa mga lugar na hindi abot ng baby ang mga matatalim at nakakalason na bagay.
  • Huwag alugin ang baby para maiwasan ang brain damage na maaaring idulot nito.
  • Iwasang iwanan ang sanggol na maiwan mag-isa kasama ang batang kapatid o ang alaga lalo na kapag tulog ang baby.
  • Siguraduhin na hindi mahihila ng baby ang mga gamit sa bahay tulad ng lamp at mga electrical na gamit. Maaaring gumamit ng electrical tape para masiguradong hindi mahihila ang mga wire.
  • Tanggalin ang table cloths na maaaring mahila ng mga baby.
  • Gumamit ng drawer stops para hindi mabuksan ng baby ang mga drawer.
  • I-secure ang mga furniture sa mga dingding para masiguradong hindi nito matutumbahan ang baby.
  • Siguraduhing hindi sobrang init ang ipapang-ligo ng baby bago siya ilagay dito.
  • Huwag iiwanan mag-isa ang baby habang siya ay naliligo.
  • Ilayo ang mga electrical na kagamitan mula sa paliguan ng baby.
  • Siguraduhin na walang maliliit na bahagi ang mga laruan na maaaring matanggal at malunok ng baby.
  • Iwasan ang paggamit ng malalambot na beddings sa pagtulog ng baby.
  • Tanggalin ang mga stuffed toys sa crib ng baby.
  • Huwag matulog nang katabi ang baby.
  • Takpan ng outlet cover ang lahat ng outlets.
  • Gumamit ng mga safety gates sa mga hagdanan.
  • Lagyan ng safety locks ang mga cabinet.

Walang settlement ang makakapagpabago sa lungkot na mararamdaman ng pagkawala ng isang anak. Makakabuti na panalitihing ligtas ang kabahayan para sa ikakabuti ng mga bata.

Basahin din: Mga importanteng travel safety tips para sa mga nagbubuntis

Source: CNN Philippines, WebMD