TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

LOOK: Baby ni Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap

3 min read
LOOK: Baby ni Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap

Tignan ang mga cute pictures ng unang anak nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap.

Ipinakilala na ng aktres at dating lider ng grupong Sexbomb Girls na si Rochelle Pangilinan ang bagong panganak na baby girl nila ng kaniyang asawa na si Arthur Solinap at ini-reveal sa publiko ang napili nilang pangalan para rito.

Baby Shiloh Jayne Pangilinan-Solinap ang kanilang ipinangalan sa kanilang panganay.

Narito ang ilan sa mga cute na cute na litrato ng sanggol.

Instagram pictures ni Baby Shiloh Jayne

Sa kaniyang Instagram, ipinost ni Rochelle ang litrato ng kanyang newborn at inilagay sa caption nito ang buong pangalan ng bata. Ang pangalang ibinigay nila ay Baby Shiloh Jayne.

Bago nito, una ng nagpost si Rochelle ng isang ‘teaser photo’ kung saan magkasama ang kanyang baby at asawa na si Arthur. Makikita sa litrato ang gilid lamang ng mukha ng baby. May caption itong “My life.”

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
    My life ❤️

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on Mar 1, 2019 at 7:47pm PST

Sa sumunod na post, inilagay naman ni Rochelle bilang caption ang ilang parte ng kantang “Isn’t she lovely?” ng international singer na si Stevie Wonder upang ilarawan ang kanyang anak.

Nagpost rin si Arthur ng litrato ng kanilang baby girl at inilagay bilang caption ang isang bible verse mula sa 1 Samuel 1:27-28 na “I prayed for this child, and the Lord has granted me what I asked of him.”

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
    Isn’t she lovely isn’t she wonderful … ????????????

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on Mar 2, 2019 at 5:55pm PST

Agad namang nakatanggap ng libo-libong hearts at comments ang post ng mag-asawa mula sa kanilang mga fans at mga kaibigan sa showbiz.

baby shiloh jayne

Ikinasal noong August 8, 2017 si Rochelle at Arthur sa Tagaytay City, isa’t kalahating taon matapos ang kanilang engagement noong February 2016. Nagkakilala ang dalawa sa set ng noon time show ng Sexbomb Girls na Daisy Siyete at naging magkasintahan ng pitong taon.

Isang taon matapos maikasal ay masayang ibinalita ni Rochelle ang kaniyang pagdadalantao sa kaniyang Instagram account. Nagkaroon rin ng ispesyal na gender reveal ang mag-asawa sa Japan at nagdaos ng baby shower.

Ibinahagi rin noon ng mag-asawa ang maternity photo shoot ni Rochelle na may dance-inspired na tema.

Si Baby Shiloh Jayne ang kanilang unang anak. Isinilang siya noong February 24 sa The Medical City sa Ortigas, Pasig.

Congratulations and welcome to the club, Rochelle and Arthur!

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

Source: GMA News Online, Instagram

Images: Rochelle Pangilinan Instagram, Nice Print Photography

BASAHIN: 7 Pieces of advice from celebrity moms and dads!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Yddette Civ Alonzo-Cruz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Baby ni Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko