Best Skin Care Products Na Ligtas Para Kay Baby

Naghahanap ng baby skin care products na safe at gawa sa skin-loving ingredients? Narito ang aming recommended brands na mabibili mo online.

Likas na sensitibo ang balat ng mga babies. Kaya naman bilang magulang, tungkulin mong piliing mabuti ang mga produktong gagamitin para sa iyong little one upang masiguradong ligtas ito.

Sa kabilang banda, napakaraming baby skin care products sa market kaya’t mahirap piliin kung ano nga ba ang best brand para sa iyong little one. Huwag nang mag-alala parents! Tutulungan namin kayo sa pagpili ng best skin care products para sa inyong precious one.

Naglista kami ng best brands ng baby skin care products na kailangan ng inyong growing baby para mapanatiling healthy ang kalagayan ng kanilang balat.

Paano pumili ng baby skin care products

Baby Skin Care Products: Best Brands Na Ligtas Para Sa Iyong Little One

Challenging naman talaga ang pagpili ng skin care products na gagamitin mo for your little one. Kaya naman bago ang lahat, alamin mo muna ang mga factors na kailangan mong i-consider sa pagpili:

Ingredients

Mahalagang alam mo ang nilalaman ng produktong gagamitin sa delicate skin ng iyong baby. Nararapat lamang na umiwas sa mga produktong may halong harsh chemicals gaya ng alcohol, parabens, sulfates at phthalates. Mas magandang piliin ang may hypoallergenic at mild formulation at gawa sa natural ingredients.

Scent

Maaari ring makairita ng sensitive skin ang mga produktong may strong at artificial fragrances. Kaya naman huwang basta-basta pumili ng mga produktong may mabangong amoy. Siguraduhin na mild lamang ang amoy ng produkto at ginamitan ng natural fragrances.

Other features

Mayroon ding mga produkto na ginawa para sa special needs ni baby o kaya ay para sa mga targeted concerns. Kaya kung may extra sensitive skin si baby o di kaya ay skin condition, piliin ang mga produktong ginawa para rito.

Best Baby Skin Care Products

Best Baby Skin Care Products
Mama's Choice Baby Daily Nourishing Face Cream
Buy on Shopee
Lactacyd Baby Gentle Care - Bath & Body
Best baby wash
Buy Now
Cetaphil Baby Shampoo
Best baby shampoo
Buy Now
Mama's Choice Baby Hair Vitamin Lotion
Buy Now
Johnson's Baby Oil Newborn
Best baby oil
Buy Now
Mustela Hydra Bebe Body Lotion
Best baby lotion
Buy Now
Sudocrem Antiseptic Healing Cream For Babies
Best diaper rash cream
Buy Now

Mama’s Choice Baby Face Cream

Baby Skin Care Products: Best Brands Na Ligtas Para Sa Iyong Little One | Mama’s Choice Baby

Tulad ni mama, kailangan din ni baby ng skincare para sa mukha. Ang Mama’s Choice Baby Face Cream ay mabisa sa pag-moisturize ng skin ng mga babies. Bukod pa riyan, nakakatulong din ito na maging malambot ang texture ng skin. At pangatlo, pinoprotektahan nito ang skin ni baby laban sa mga irritation. Maaari itong gamitin kung may mga butlig ang balat ni baby.

Mayroon itong Sunflower para sa skin protection, Organic Aloe Vera para maging moisturized ang balat, Ceramide na mabisa sa dry na balat, at Sweet Almond na mayaman sa vitamin E at antioxidants.

Nine out of 10 mamas na nakasubok nito ang nagsabing talagang effective ito sa pag-moisturize and nourish ng skin.

Features we love:

  • No toxins, alcohol, paraben at artificial fragrance
  • Organic aloe vera
  • Safe para sa newborns at pataas

Lactacyd Baby Gentle Care – Bath & Body

Best baby wash

Baby Skin Care Products: Best Brands Na Ligtas Para Sa Iyong Little One | Lactacyd Baby

Isa sa mga baby skin care products na madalas mong gagamitin sa iyong baby ay ang body wash. Kaya naman nararapat lamang na maging mabusisi sa pagpili ng brand na bibilhin upang maiwasan ang iritasyon o anumang skin concerns. Kung kasalukuyan kang naghahanap ng best brand ng baby wash, magandang choice ang Lactacyd Baby Gentle Care 2-in-1 Body Wash and Hair Shampoo.

Safe na safe ito gamitin kay baby mula ulo hanggang paa dahil sa mild at hypoallergenic formulation nito. Naglalaman ito ng mga milk-based active ingredients na Lactoserum at Lactic Acid na may dalang iba’t ibang benepisyo sa balat. Napapanatili nitong malambot at nourished ang balat ng iyong little one kaya naman makakaiwas sa dry skin at irritation. Bukod pa riyan ay napapanatili rin nito ang natural pH balance ng balat ng baby na nagbibigay proteksyon sa bacterial growth.

Mild lamang din at milky ang scent ng hair and body wash na ito.

Features we love:

  • Hair and body wash
  • Milk-based active ingredients
  • Restores skin’s pH balance

Cetaphil Baby Shampoo

Best baby shampoo

Baby Skin Care Products: Best Brands Na Ligtas Para Sa Iyong Little One | Cetaphil

Gaya ng pag-aalaga ng balat ng iyong anak, kailangan ding bigyan ng special care ang kanyang hair and scalp. Kaya naman mahalagang piliing mabuti ang baby shampoo na gagamitin para sa kanya upang ito’y maging strong at healthy. At ang aming recommended brand ng baby shampoo na trusted ng experts at parents all over the world ay ang Cetaphil.

Ang Cetaphil Baby Shampoo ay may caring tear-free formulation na gentle para sa delicate na balat. Naglalaman ito ng natural chamomile extract na maraming benepisyo para sa scalp ni baby. Hypoallergenic din ito kaya naman banayad nitong nalilinis ang anit at buhok habang napapanatili ang moisture nito.

Dermatologists at Ophthalmologists-tested din ang produktong ito at Pediatricians recommended kaya naman makakasiguradong ligtas ito para sa iyong little one.

Features we love:

  • Gentle at tear-free formulation
  • Hypoallergenic
  • Trusted at tested ng experts

Mama’s Choice Baby Hair Vitamin Lotion

Baby Skin Care Products: Best Brands Na Ligtas Para Sa Iyong Little One | Mama’s Choice

Kapag healthy ang scalp ni baby, healthy rin ang kanyang buhok. At isa sa mga produktong magandang gamitin para maging healthy ang anit niya ay ang Mama’s Choice Baby Hair Vitamin Lotion. Maaaring maiwasan ang dryness o ang pagkakaroon ng cradle cap kapag isinama ito sa hair care routine ng iyong little one.

Mayroon itong organic aloe vera na magandan para sa overall health ng anit at buhok. Nakakapagbigay naman ng proteksyon mula sa irritation ang chamomile na taglay nito. Ang candlenut at sweet almond naman na kasama rin sa formulation ng hair lotion na ito ay may kakayahang i-nourish ang scalp at nakakatulong din para sa hair growth.

Ang kagandahan pa sa produktong ito ay hindi ito malagkit at madaling maabsorb ng balat.

Features we love:

  • Gawa sa natural ingredients
  • Nakakatulong upang maiwasan ang cradle cap
  • Nakakapagpalago ng buhok

Johnson’s Baby Oil Newborn

Best baby oil

Baby Skin Care Products: Best Brands Na Ligtas Para Sa Iyong Little One | Johnson’s

Subok na ng maraming mommies sa loob ng mahabang panahon ang Johnson’s Baby Oil. Ito ay clinically proven mild kaya naman ligtas gamitin kahit pa sa bagong silang na sanggol. Marami ring benepisyo kay baby ang pagbibigay sa kanya ng gentle massage kada araw kaya naman kakailanganin mo ang produktong ito.

Karagdagan, ang Johnson’s Baby Oil ay gawa sa pure mineral oil na nakakapagbigay ng intense moisturization sa balat kaya naman maganda rin ito para sa mga baby na mayroong dry skin. Ito ay may balanced pH din at walang halong sulfates, parabens at phthalates.

Features we love:

  • Pure mineral oil
  • Clinically proven mild
  • Free from sulfates, parabens at phthalates

Mustela Hydra Bebe Body Lotion

Best baby lotion

Baby Skin Care Products: Best Brands Na Ligtas Para Sa Iyong Little One | Mustela

Magandang isama na rin sa skin care routine ni baby habang maaga pa ang lotion. Prone kasi ang mga bata sa dry skin na maaari pang magdulot ng mas malalang problema sa balat. Kaya’t kung kasalukuyan ka pang naghahanap ng lotion for your little one, best choice ang Mustela Hydra Bebe Body Lotion.

Gawa ito sa 97% natural ingredients kaya’t makakasiguradong wala itong halong chemicals na maaaring makasama kay baby. Naglalaman ito ng avocado perseose na nakakapagpanatili ng moisture sa balat. Ang kombinasyon naman ng sunflower oil, vitamin E at plant-based glycerin ay nakakapagbigay ng intense hydration at moisturization sa skin kaya naman ang resulta nito ay mas malambot at makinis na balat ng iyong precious one.

Features we love:

  • 97% natural ingredients
  • Safe sa newborn skin
  • Hydrating and moisturizing

Sudocrem Antiseptic Healing Cream For Babies

Best diaper rash cream

Baby Skin Care Products: Best Brands Na Ligtas Para Sa Iyong Little One | Sudocrem

Isa sa mga skin concerns na karaniwang nararanasan ng mga baby ay ang diaper rash. Kaya’t kailangan mo rin maging handa kapag nagkaroon nito ang iyong anak. Trusted din ng maraming parents ang Sudocrem Healing Cream bilang panglunas sa diaper rash. Bukod kasi rito ay maaari rin gamitin ang cream na ito sa eczema, sugat, minor burns at iba pang skin concerns.

Nagtataglay ito ng zinc oxide na mabisang gamot sa irritated at itchy skin. At dahil sa active ingredient na ito ay madaling naiibsan ang pangangating nararamdaman ni baby dulot ng rashes. Wala itong halong strong substances kaya naman siguradong ligtas ito gamitin maging sa mga newborn babies.

Features we love:

  • Fast-acting diaper rash cream
  • Multipurpose
  • Ligtas para sa newborn

Price Comparison Table

Brands Pack Size Price
Mama’s Choice Baby Face Cream 50 gr Php 399
Mama’s Choice Baby Hair Vitamin Lotion 100 ml Php 499.00
Lactacyd Baby Gentle Care 150 ml x 2 Php 440.00
Cetaphil Baby Shampoo 200 ml Php 340.00
Johnson’s Baby Oil 300 ml Php 240.00
Mustela Hydra Bebe Lotion 300 ml Php 860.00
Sudocrem Healing Cream 125 g Php 499.00

Baby skin care tips

  1. Paliguan si baby gamit ang maligamgam na tubig. Iwasan lamang ang pagpapaligo sa kanya ng mahabang oras upang maiwasan ang pag-dry ng balat.
  2. Gamitin ang mga produktong may hypoallergenic, chemical-free at gentle formulation na matiyak na ligtas ito gamitin sa sensitibong balat ng sanggol.
  3. I-moisturize ang balat ni baby. Maaaring lagyan ng baby oil or baby lotion ang balat ni baby matapos paliguan.
  4. Makakatulong din ang paggamit ng humidifier upang maiwasan ang dry air sa loob ng tahanan. Kapag maganda ang sirkulasyon ng hangin sa bahay ay maaari ring makaiwas si baby sa skin irritation.
  5. Gumamit ng laundry detergents na ginawa para sa mga babies. Tiyak na ligtas ito at hindi ginamitan ng harsh chemicals.
  6. Iwasan ang paglalagay ng pabango kay baby na may matapang na amoy.
  7. Kapag bibili ng baby clothes, blankets or beddings, piliin ang mga produktong mayroong soft breathable fabric.

Sinulat ni

Teresa Alcantara