Karaniwang nagsisimulang kumain ng solid foods ang baby kapag sila ay nasa anim na buwan na. Mahalaga ang baby snack para mapanatiling malusog ang iyong anak at matutunan niya kung paano kumain nang mag-isa.
Ideal ang pag gawa ng homemade snacks dahil mako-kontrol mo ang ingredients na angkop para sa iyong anak. On the other hand, great option din naman ang store-bought baby snacks dahil convenient ito lalo na sa on-the-go parents.
Kaya naman upang tulungan kang mahanap ang the best one for your little one, inilista namin ang mga moms at experts approved best healthy baby snacks para mas maging fun at enjoyable ang eating experience ng iyong anak!
Best healthy baby snacks in the Philippines
Kung ikaw ay on-the-go parent, best decision ang pagbili ng store-bought snacks para sa iyong anak. Kaya naman narito ang aming picks ng best healthy baby snacks.
Best baby snacks
| Gerber Lil’ Crunchies Best finger snack | | View Details | Buy Now |
| Organix Goodies Farm Animal Biscuits Best biscuit | | View Details | Buy Now |
| Happy Baby Organic Teethers Best for teething | | View Details | Buy Now |
| Ivenet Baby Finger Yogurt Best yogurt snack | | View Details | Buy Now |
| Apple Monkey Organic Rice Puff Best puff snack | | View Details | Buy Now |
| Cerelac NutriPuffs Most affordable | | View Details | Buy Now |
Best baby finger snack
Best Healthy Baby Snacks For A More Fun And Enjoyable Snack Time | Gerber
Isa sa mga pinakilalang brand ng baby snack ang Gerber. Popular ito sa healthy products for babies. Ang Gerber Lil’ Crunchies ang isa sa mga paborito ng mommies para sa kanilang mga anak. Baked corn snack ito na madaling matunaw sa bibig kaya maiiwasang mabulunan ang bata.
Ideal ang Gerber Lil’ Crunchies para sa mga batang nag-uumpisang matutong kumain nang mag-isa. It is because madaling mahahawakan ng iyong anak ang mga piraso ng baby snack na ito. For sure na healthy snack ito dahil mayroon itong two grams ng whole grains per serving. Mayroon din itong 15% daily value iron at 20% ng vitamin E.
Best of all, it comes in different flavors. May flavor na ranch, veggie dip, vanilla maple, garden tomato, at mild cheddar. Not only that, hindi gumamit ng artificial flavorings at sweetener ang Gerber para sa kanilang produkto. That is why, sure na safe ito para sa kalusugan ng iyong anak.
Features we love:
- Non-GMO ingredients.
- Delicious flavors.
- Crunchy but easy to melt in kids’ mouth.
Best baby biscuit snack
Best Healthy Baby Snacks For A More Fun And Enjoyable Snack Time | Organix
Satisfying baby snack ang Organix Goodies Farm Animal Biscuits. You can also use this biscuit to introduce farm animal names and sounds sa iyong anak. Sure na makukuha ng baby snack na ito ang interest ng iyong baby para ma-enjoy ang snack time.
Moreover, kung nais iiwas sa refined sugar ang iyong anak, best pick ang Organix Goodies Farm Animal Biscuits. It is naturally sweetened with dried apples at banana flakes. Not only that, gawa ito sa 100% organic ingredients na non-GMO. However, slightly crunchy ang baby snack na ito kaya mas okay ito para sa babies na may ngipin na.
Best of all, may Vitamin B1 o thiamin content ang baby snack na ito. Mahalaga ang nasabing bitamina para sa brain development ng kids. It helps prevent complication sa nervous system, muscles, heart, stomach, at intestine ng bata.
Features we love:
- Milk flavor.
- Natural and organic ingredients.
- Contains vitamin B1.
Best baby snack for teething
Best Healthy Baby Snacks For A More Fun And Enjoyable Snack Time | Happy Baby
Kung nag-uumpisa pa lang magkaroon ng ngipin ang iyong anak, best pick ang Happy Baby Organic Teethers para sa kaniya. Mabilis itong matunaw sa bibig kaya hindi masasaktan ang gums ng iyong kid. Best snack for baby who loves to put anything sa kaniyang bibig ang wafers na ito.
Mayroong iba’t-ibang flavor ang Happy Baby Organic Teethers. May sweet potato and banana, strawberry and beet, pea and spinach, at mango pumpkin flavors ito. Not only that, gawa ito sa all-organic ingredients. Walang artificial flavors at common allergens tulad ng gluten.
Best of all, convenient ang baby snack na ito for travel. It is individually wrapped kaya hindi kailangang dalhin ang buong pakete kung aalis ng bahay kasama si baby. Add to that, hindi rin ito makalat kainin.
Features we love:
- Best on-the-go baby snack.
- Gluten-free.
- Easy to dissolve biscuit.
- Individually packed.
Best baby yogurt snack
Best Healthy Baby Snacks For A More Fun And Enjoyable Snack Time | Ivenet
If you want to introduce a sweet baby snack sa iyong anak, narito ang Ivenet Baby Finger Yogurt. Sweet but healthy ang freeze-dried yogurt drops na ito at madaling matunaw sa bibig ng bata. Additionally, it comes in plain, strawberry, blueberry and banana flavors kaya sure na delightful sa panlasa ni baby.
Ang bawat yogurt drop ay puno ng mga nutrients tulad ng vitamins C at calcium. In addition, mabuti rin ang yogurt sa digestive health ng bata. Mayroon itong 28 billion probiotics na nakatutulong para maging smooth ang pag-function ng digestive system.
Best of all, wala itong gluten, salt, MSG at artificial flavors. HACCP Certified ito kaya’t siguradong malinis at maayos ang pagkakagawa at makakatiyak kang safe for babies.
Mga nagustuhan namin:
- Good for digestive health.
- Delightful.
- Made from all-organic ingredients.
Best baby puff snack
Best Healthy Baby Snacks For A More Fun And Enjoyable Snack Time | Apple Monkey
Ideal din na baby snack ang rice puffs. Hindi ito matigas at madaling matunaw kaya’t swak for babies. Kaya naman perfect addition sa mga snacks na ibibigay sa iyong little one ang Apple Monkey Organic Rice Puff. Gawa ito sa iba’t ibang organic ingredients gaya na lamang ng Gaba brown rice na mayaman sa fiber na maganda para sa gut health.
Bukod pa riyan ay dairy-free at gluten-free rin ito kaya naman tamang-tama rin kung sensitive ang tummy ni baby. Hindi rin ito hinaluan ng MSG at iba pang preservatives. Higit sa lahat, ito ay baked kaya’t mas healthy ito kumpara sa ibang snacks na prinito at ginamitan ng oil.
Sure na sure rin na magugustuhan ng iyong anak ang chocolate banana na flavor nito.
Features we love:
- Organic rice puff.
- Malambot at madaling matunaw.
- Baked not fried.
- Chocolate banana flavor.
Most affordable baby snack
Best Healthy Baby Snacks For A More Fun And Enjoyable Snack Time | Cerelac
Isa sa most trusted brands ng maraming parents ang Cerelac. Widely available rin ito sa market at maging online. Isa rin ang Cerelac NutriPuffs sa mga pinaka kilalang baby snack na mayroong abot-kayang halaga. Cereal-based snack ito na ideal sa pagsisimula ng self-feeding journey ng iyong anak.
Gawa ang Cerelac NutriPuffs sa rice, whole wheat, at real fruit bits. Wala itong added artificial flavor at color. Adding to that, it contains nutrients tulad ng iron, vitamin B1, at fiber na kailangan ng baby as they grow.
Best of all, matuturuang ma-develop ang pincer grasp skill ng iyong anak sa pagkain ng NutriPuffs. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng bata na gamitin ang mga daliri to pick up objects. NutriPuffs come in fun star shapes na madaling madadampot at mahahawakan ng baby. In addition, ito ay low in fat dahil ito ay baked at hindi fried.
Mga nagustuhan namin:
- Easy to pick up for babies.
- With natural flavorings.
Price Comparison Table
Para tulungan kang pumili ng swak sa budget ng pamilya, narito ang price list ng best snack for baby sa Philippines.
|
Product |
Pack size |
Price |
Gerber Lil’ Crunchies |
43 g |
Php 299.00 |
Organix Goodies Farm Animal Biscuits |
100 g |
Php 265.00 |
Happy Baby Organic Teethers |
48 g |
Php 450.00 |
Ivenet Baby Finger Yogurt |
20 g |
Php 255.00 |
Apple Monkey Organic Rice Puff |
60 g |
Php 300.00 |
Cerelac NutriPuffs |
50 g |
Php 130.00 |
Note: Each item and price is up to date at the time of publication. However, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
Importance ng healthy baby snacks
Essential ang snack time for baby’s healthy development. Napupunan ng healthy baby snack ang mahahalagang nutrients na kailangan ng iyong anak. Aside from that, narito ang ilan pang benefits ng snack for baby:
- The more na binibigyan mo ang iyong anak ng iba’t-ibang healthy foods, mas lalong made-develop ang kaniyang taste at desire sa healthy diet.
- Makatutulong ang pagbibigay ng healthy baby snacks para magkaroon ng sapat na vitamins at minerals ang katawan ng bata. Mahalaga ito sa rapid development ng baby sa unang dalawang taon ng kaniyang buhay.
- Maliit ang stomach ng baby, dahilan para mabilis siyang mabusog. Kaya kailangan niyang kumain nang ilang beses sa isang araw para ma-consume ang sapat na calories. Mahalaga ito para magkaroon ng enough energy na susuporta sa kaniyang rapid growth.
- Tulad ng regular meal time, importanteng opportunity ang snack time para sa socialization. Beneficial ito para matutunan ng iyong anak ang healthy eating habits.
Paano pumili ng best healthy baby snacks
Tandaan na pagdating sa snack for baby, mahalaga ang kalidad at kaligtasan. Hindi dahil nakalagay sa packaging ng baby snack na para ito sa mga bata, ibig sabihin ay masustansya na ito.
Narito ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng best baby snack:
- Recommended age – best time na i-introduce sa iyong anak ang baby snack kapag siya ay 6 to 12 months old na. Sa panahong ito ay usually nagsisimulang kumain ng three (3) regular meals ang bata. It helps to add snack time para ma-improve ang kanilang eating skills at fine motor skills. Choose snacks na siguradong angkop sa edad ng iyong anak.
- Ingredients – Read labels and ingredients lists. Siguraduhing good, safe, at healthy para sa iyong anak ang content nito. Best for baby ang organic at all-natural snacks. Choose those with no additives at preservatives. Avoid baby snacks na sugary, unpasteurized, may high sodium content, and allergens na delikado sa bata.
- Flavor and texture – Introduce varied flavors at textures ng baby snack. If tinanggihan ng iyong anak ang new snack, huwag madiscourage at ‘wag ding pilitin na kainin niya ito. Maaaring i-reintroduce ito sa kaniya sa mga susunod na araw. Hayaang maging pamilyar ang bata hanggang magustuhan na niya ito.
- Type of snacks – Ang most common types ng snacks for baby ay teething biscuits, yogurt, at puffs. Mabilis itong matunaw sa bibig ng bata to avoid choking.
- Price – Maraming affordable baby snacks on the market. Kaya piliin ang snack for your baby na abot-kaya at hindi masakit sa bulsa. Ilaan ang ibang pera para sa iba pang gastusin for your baby.
Tips para magkaroon ng healthy snacking habits ang iyong anak
Magandang opportunity ang snack time para maturuan ang iyong anak ng healthy eating habits. Narito ang ilang tips na maaari mong sundin:
- Iwasang kumain sa harap ng TV o screen at kapag distracted ang bata ng ibang activities.
- Gumawa ng eating schedule na susundin. With this, mai-establish mo ang expectations ng iyong anak kung kailan available ang pagkain. Iwasang lumikha ng environment kung saan ay all-the-time activity ang pagkain.
- Tandaan na dapat kumain ang bata kada tatlong oras sa loob ng isang araw.
- Parents ang dapat masunod kung saan, kailan, at ano ang kakainin ng bata. However, dapat hayaan ang batang magdesisyon kung gaano lang karami ang kaya niyang kainin.
Anu-ano naman kaya ang good snacks para sa iyong toddler? Basahin: 7 mom-approved snacks for toddlers