Kaarawan ni Baby Tali, ipinagdiwang ni Pauleen Luna at Vic Sotto

Kabilang sa mga dumalo sa kaarawan ni Baby Tali Sotto ay sina Alden Richards, Sarah Lahbati, pati na ang mga pamilya ni Danica at Oyo Sotto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kamakailan lang ay nagdiwang ng pinaka-unang kaarawan ang nag-iisang anak ni Vic Sotto at Pauleen Luna na si Baby Tali Sotto. At siyempre, dahil ito ang kaniyang first birthday, sinigurado ng kaniyang mga magulang na ito ay magiging memorable.

First birthday ni Baby Tali Sotto, isang kiddie pool party

Sabay nagdiwang ng kaarawan ang mag-ina na si Pauleen Luna at Baby Tali. | Source: Instagram

Ang mismong araw ng kaarawan ni Baby Tali ay noong November 6, pero nagdesisyon ang kaniyang mga magulang na i-celebrate na lang ito sa November 11. Isinabay na rin nila ang birthday celebration ni Pauleen na nagdiwang ng kaniyang ika-30 na kaarawan noong Nov 10.

Marami ring dumalong mga bisita sa kaarawan ni Baby Tali. Kasama na dito ang anak ni Vic na si Oyo at Danica, na kasama ang kanilang mga pamilya.

Pati ang “Pambansang Bae” na si Alden Richards ay imbitado sa birthday celebration. Sumama rin si Sarah Lahbati at Zion Gutierrez, pati na rin ang celebrity moms na si Camille Prats at Sherilyn Reyes-Tan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Boardwalk” at kiddie pool party ang naging theme ng celebration ni Baby Tali. Kaya’t napaka-relaxing at laid-back ang vibe ng party.

May espesyal na mensahe si Pauleen para sa anak 

At siyempre, dahil panganay na anak ni Pauleen si Baby Tali, mayroon siyang espesyal na mensahe para sa kaniyang anak.

Heto ang Instagram post ng aktres:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Talagang nagbabago ang buhay ng isang babae matapos siya ay maging isang ina. At mukhang para kay Pauleen, ito talaga ang isa sa mga pinaka hinahangad niya sa buhay.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: PEP.ph

Basahin: 6 Perks of being an older dad

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara