Isang dilemma at concern para sa mga nanay sa tanong na “Papayagan ko bang maging close ang anak ko kay yaya?” “My baby too attached with maid, what should i do?” o kaya naman “Mas mahal ng anak ko si yaya kesa sa akin!” Ang mga tanong na ito ay nagiging worries na ng karamihan.
Biddy Low, isang mommy, ang nagbigay ng advice ng mangyari sa kanya ito.
Ang mga kaibigan at wellwishers ay sinabing, “I should not let her get too close to the helper.”
“Some advice was mild, suggesting that I should be the only one who bathes and cooks for her. Some was more extreme, telling me to teach my kid to order the helper around, so that the baby knows that she is help and not part of the family.”
Ayon sa mga ito, kung hindi niya agad susundin ang payo, “My kid will be closer to the helper than to me, and even worse, call her mama instead of me.”
Ngayong malaki na ang kanyang anak, narito ang kanyang ginawa para maresolba ang issue.
Mas gustong kasama ng anak ko si yaya, anong gagawin ko?
Sa kanyang Facebook post, inilista ni Mommy Biddy ang bawat advice na natanggap niya tungkol sa pag handle ng maid-child relationship. My baby is too attached with maid, what should i do?
1. Ang iyong anak ay kailangang mahalin lang ikaw at ang iyong pamilya
Ang anak ko ay maraming pagmamahal na ibinibigay. At ang tanging nagmamahal lang sa kanya ay ang kanyang pamilya.
2. Paano kapag tinawag niya ang helper na mama?
Baby pa lang ang anak mo. Minsan natatawag pa niyang daddy ang kanyang nanay. Hindi big deal para sa isang toddler ang mga salitang sinasabi nito.
3. Ang helper ay hindi pamilya at kailangang maintindihan ng bata ito
“I think indoctrinating a toddler with poisonous notions of class, racial and cultural divide in her home is worse than her calling her mama.”
Masaya ako sa mga tulong na natanggap ko. Ipinapakita ko ang gratitude gamit ang actions. Gusto kong ituring ni baby na family ang helper namin dahil karapatdapat siyang isama bilang pamilya.
4. Kailangang ikaw lang ang mahalin ng anak mo
Naniniwala ako na kailangan ni baby ng ibang pagmamahal bukod sa akin.
“Talia Talia, I don’t want to give u love that no one else can give. Because I will be gone before u. What then?
What I wish for you, is that you are capable of giving and receiving love greater than what daddy and I can give you. And continue building from the legacy we are creating together.”
Ang heart-warming ng response niya diba?
Bear mommies, ‘wag dapat tayo masyadong mag-alala kung malapit ang anak mo sa kanyang maid. Ipinapakita lang nito na magaling siyang mag-alaga sa iyong anak! Isipin mo na lang na swerte ka dahil kapag wala siya, alam mong nasa ligtas na kamay si baby. Minamahal ang iyong anak habang wala ka sa inyong bahay.
Maging proud sa iyong baby dahil natututo agad itong magpundar ng matibay na relationship sa mga matatanda katulad ng kanyang magulang, kapatid, lolo at lola kasama na si yaya. Lumalaki siyang mapagmahal at sociable na anak!
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN:
Gusto mag leave ni yaya? Here are tips on how to keep your household COVID-19 free
Yaya, hinaluan ng menstruation, ihi at laway ang nilutong kanin para sa pamilya ng employer niya