Ano nga ba ang recommended na tagal bago ka magpalit ng towel? Ang bacteria on towels ba ay delikado para sa iyong pamilya?
Bacteria on towels
Sa isang YouTube video mula sa Inside Edition, nagsagawa sila ng experiment at kinuhanan ng sample ang mga towels ng mga babae na iba-iba ang routine sa pagpalit ng towels. Ang isa ay nagpapalit weekly at ang isa naman ay every other week.
Kung sa tingin natin ay sapat na at malinis ang towel kahit kada linggo ito pinapalitan, hindi pala. Sa una kasing subject ng experiment, mayroong nakuhang 5 klase ng bacteria kabilang na ang e-coli. Sa unang araw pa lang na ginamit ang towel, mayroon na itong 260 thousand na bacteria count. Pagkarating naman ng isang linggo, umabot na ito sa 650 million.
Sa tuwalya naman ng mga bata na ginamit sa experiment, mayroong 8 klase ng bacteria ang nakuha. Kahit na isang beses din nila itong palitan sa isang linggo, umabot pa rin sa 490 million ang bacteria count nito.
Ang babae naman na nagpapalit ng towel every other week ay nakitaan ng 4 na klase ng bacteria at 1 fungus. Kabilang na sa nasabing bacteria ang nagdudulot ng Urinary Tract Infection at Pneumonia.
Tuwing kailan ba dapat magpalit ng towels?
Ayon sa Cleaning Institute, dapat daw ay pinapalitan ang bath towel kada tatlong gamit. Hindi na dapat ito pinatatagal ng isang linggo at lalo na ng 2 weeks. Mas maigi rin kung hiwalay ang tuwalya na ginagamit sa katawan at sa mukha.
Dapat din na patuyuin ito nang maigi pagkatapos gamitin upang hindi maipon ang bacteria dito. Ang mga washcloths naman na ginagamit natin sa ating katawan habang naliligo ay dapat nilalabhan kada gamit at pinapatuyo rin.
Ang tamang paglilinis sa towels
- Bago ilagay sa labahan ay patuyuin muna ito nang maigi. Hindi dapat iniiwan na lang basta sa hamper ang towel kahit na ito ay lalabhan na.
- Kung marami ang tuwalya na lalabhan, wag itong pagsabay-sabayin sa washing machine dahil hindi ito malilinis nang maayos.
- Damihan ang detergent para talagang ma-absorb ito ng tuwalya.
- Gumamit ng anti-bacterial soap dahil hindi lang dapat mabango ang tuwalya, dapat ay mapatay din nito ang bacteria.
- Hindi rin dapat umaabot ng 2 taon ang towel. Kapag ito ay nagamit na ng sobrang tagal, dapat na itong i-dispose at bumili ng panibago.
Bakit dapat panatilihing malinis ang tuwalya?
- Maaaring makakuha ng mga sakit dahil sa maduming towel. Tulad nga ng nakita sa experiment, mayroong mga bacteria na kumakapit sa tuwalya na maaring magdulot ng mga infection at malulubhang sakit.
- Kahit na malinis ka pagkatapos mong maligo, kung madumi ang iyong tuwalya ay mawawalan din ito ng bisa.
Para maprotektahan ang iyong pamilya laban sa sakit, maging malinis sa bahay at sa mga gamit na lagi ninyong ginagamit.
SOURCE: Inside Edition, Healthline
BASAHIN: Cleaning household appliances: tips for new parents