17 worst parenting tips na hindi dapat sundin ng mga magulang

Mga bad perenting tips na kadalasang naririnig na may hindi magandang epekto sa magiging ugali, kakayahan at kumpiyansa sa sarili ng mga bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pagpapalaki ng mga bata ay hindi madaling bagay. Hindi lahat ng magulang ay may kakayahan para palakihin ng tama ang kanilang mga anak. Sa kasamaang palad, may mga nagbibigay pa ng bad parenting tips sa iba. Ito ang ilan sa mga bad parenting tips na madalas naririnig.

17 parenting tips na HINDI mo dapat sundin

1. Ganyan talaga ang mga lalaki

Madalas naririnig ang bad parenting tip na ito kapag ang batang lalaki ay nangangagat, naninipa o nananakit ng iba. Payo ng mga eksperto, kailangan punahin ang maling paguugali at huwag hayaan dahil lang sila ay lalaki.

2. Kalalakihan niya rin yan

Ang pananakit ng iba, pag-agaw ng mga laruan, pamamato o pagsira ng mga gamit ay hindi gawain ng lahat ng bata. Ang pag-akala na kakalakihan lang ang mga ganitong ugali ay bad parenting tip. Ngunit dapat ayusin ang maling paguugali ng mga bata upang maging maganda ang relasyon nila sa ibang tao.

3. Huwag masyadong purihin ang mga bata

Ang pag-puri sa mga bata sa pag-gawa nila ng tama at mabuti ay nakakapagpataas ng kumpiyansa sakanilang mga sarili. Ang may matataas na kumpiyansa sa sarili ay malimit na nananakit ng iba para lamang mapagaan ang kanilang pakiramdam.

4. Mayroon dapat award ang lahat ng lumahok

Ang pagtuturo sa mga bata na basta lumahok sila ay makakatanggap sila ng gantimpala ay bad parenting tip. Ipinapakita nito sakanila na hindi nila kailangan galingan sa kahit anong larangan. Dapat matuto sila na ibigay ang kanilang makakaya, matuto ng teamwork, at matutong tumanggap ng pagkapanalo o pagkatalo.

5. Makukuha rin nila yan mag-isa

Ang pagpapabaya sa bata upang magawa ang isang bagay na hindi pa niya alam ay maaaring magbackfire imbes na maturuan ang bata ng independence. Payo ng mga eksperto na bigyan ang mga bata ng kalayaan upang matutunan ang isang bagay mag-isa ngunit manatili sa paligid na handang tumulong kung kailanganin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

6. Kailangan maging mahigpit sa mga bata

Tama lamang na magkaroon ng mga patakaran sa mga bata ngunit ang pagiging masyadong mahigpit sa mga ito ay maaaring makasira sa relasyon ng bata at mga magulang. Kailangan ng bata maramdaman na ang mga magulang ay maari niyang lapitan.

7. Huwag parusahan ang mga bata

Ang bad parenting tip na ito ay naguugat sa layunin na magkaroon ng magandang relasyon ang mga bata at magulang. Ngunit, ito ay bagay na dapat iwasan. Ang pagkakaroon ng tamang balanse ang kailangan. Maaari parin lapitan ng bata ang mga magulang ngunit maaari rin silang parusahan kapag may ginawa silang mali.

8. Huwag tulungan ang mga bata sa mga takdang aralin

Hindi ibig sabihin nito ay ang magulang dapat ang gumagawa ng mga takdang aralin ng mga bata. Sa halip ay siguraduhin lamang na nagawa nang tama lahat ng takdang aralin, turuan ang bata kung mayroon siyang hindi maintindihan, at iligpit ang mga ito matapos gawin.

9. Hayaan silang pumuli ng gusto nilang gawin

Ang pagbibigay ng sobrang kalayaan sa bata upang gawin ang gusto nilang gawin ay isang bad parenting tip. Pabago-bago ang gusto ng bata. Maaaring siya ay magpa-enroll sa dance class at umayaw pagkatapos ng ikalawang sesyon. Sa halip ay udyukin ang mga bata na ituloy ang sinimulan dahil kahit hindi sila maging propesyunal sa larangan na ito, marami parin silang matututunan na kakayahan para sa buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

10. Ang pagaaral magbasa ay sa paaralan at hindi sa bahay

Habang ang mga guro sa paaralan ay ginagawa ang kanilang trabaho, ang mga magulang rin ay may layunin na turuan ang mga bata magbasa. Ang pag-babasa ay isang mahirap na gawain para sa natututo lamang ngunit sa tamang pagtuturo, nagiging madali ito at nakakapagpagaan ng loob.

11. Pilitin ang bata na yakapin ang iba

Ang pagpilit sa mga bata na yumakap o humalik ng iba, kahit pa kamag-anak o kaibigan, ay bad parenting tip. Itinuturi nito sa mga bata na wala silang kalayaan sa kung anong gagawin nila sa sariling katawan. Sa halip, papiliin ang bata kung gusto nilang yakapin o mag-apir.

12. Ikulong ang bata sa kwarto mag-isa

May mga panahon na hindi kayang kontrolin ng bata ang kanilang emosyon. Isang paraan para mapakalma sila ay ilagay sila sa loob ng isang kwarto na tahimik na walang gagambala. Ngunit, ang pag-iwan sakanila nang mag-isa ay hindi dapat gawin. Layunin ng mga magulang na turuan ang mga bata kung paano kumalma sa mga ganitong panahon na magawa nila ito sa susunod.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

13. Kargahin agad ang bata pag nasaktan

Ito ay bad parenting advice na maaaring tumugma sa likas na instincts ng mga magulang. Natural lamang sa mga magulang na asikasuhin ang mga bata lalo na pagnasaktan sila. Ngunit ang daliang pag-asikaso kahit pa hindi sila gaanong nasaktan ay nagtuturo ng maling aral. Maaaring makita ng mga bata ang kanilang sarili na mahina dahil dito, na kailangan nila ng tulong kahit sa mga simpleng bagay lamang.

14. Kailangan ng mga bata ng maraming gawain

Ang pagbigay sa bata ng sobra sobrang mga aktibidad upang hindi mainip ay bad parenting tip. Kailangan ng mga bata ng mga aktibidad ngunit kailangan din nila magpahinga sa mga ito. Bigyan din sila ng oras na magbasa, mag-aral at makihalubilo sa pamilya.

15. Ang paglalaro sa smartphones ay nagpapatalino sa bata

Marami ang nagiisip na ayos lang ipaglaro ng gadgets ang mga bata basta ang kanilang nilalaro ay educational. Isa ito sa mga bad parenting advice na nagkalat ngayon. May limitasyon parin dapat ang oras ng mga bata sa paglalaro. Kung naiinip ang bata, masmaganda parin na bigyan ito ng libro.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

16. Ang pamilya dapat lagi ang una

Ang pamilya ang prayoridad. Tama ito ngunit kailangan din bantayan na hindi napapabayaan ang pansariling kalusugang pisikal at mental. Kung ang mga magulang ay nasa magandang kalagayan, pisikal man o mental, mas naaalagaan nang mabuti at masmaganda ang mga bata.

17. Dapat sumunod lagi ang mga bata sa mga magulang

Ang pagsunod ng bata sa mga magulang ay kinikilala na mabuting asal. Ngunit ang paggawa ng mga utos nang hindi nagtatanong o sinusuri ang dahilan nito ay hindi tama sa pagpapalaki ng bata. Ang mga hindi natututo na gumawa ng sariling desisyon o pagkwestson sa matatanda (sa paraan na may paggalang) ay maaaring lumaki na madaling madala ng peer pressure o madaling sumunod sa kung sinong lider ang nasa paligid.

 

Marami pang iba’t ibang bad parenting tips. Kung may marinig na maaaring isang bad parenting tip na wala dito, isipin nang mabuti ang magiging epekto nito sa bata paglaki niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source: Reader’s Digest

Basahin: 10 bad parenting tips that non-parents give!