Baeby Baste, naka-confine sa ospital dahil sa Dengue

Kasalukuyang naka-confine ngayon si Baeby Baste dahil sa Dengue. Pati ang nakakabatang kapatid niyang si Samsam ay may sakit din.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kasalukuyang naka-confine ang child star na si Sebastian Benedict “Baeby Baste” Granfon sa ospital dahil sa Dengue. Ayon sa isang post sa kaniyang official Instagram account, pati ang kaniyang nakababatang kapatid na si Samsam ay mayroong ding sintomas ng mataas na lagnat.

Dagsa naman ang mga fans na humihiling na gumaling na ang 5-year old host. Hindi nagpahuli ang mga kasamahan nito sa noontime show na Eat Bulaga! Nagpahayag din ang mga ito ng kanilang pag-aalala at pag-comfort sa kanilang “baeby.”

Tumawag via video call ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

Personal na bumisita naman sina Maine Mendoza at Ruby Rodriguez kasama ang talent manager na si Rams David.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Get well soon, Baeby Baste!

 

Sintomas ng Dengue

Pagdating sa sakit na Dengue, mahalaga na maagapan ito bago lumala. Ang sakit na ito ay nakukuha dahil sa kagat ng lamok na nagdadala ng virus. Lumalabas ang unang sintomas ng viral infection matapos ang 5-7 na araw.

Ang mga initial na symptoms ng Dengue ay mataas na lagnat (40 degrees centigrade) na may kasamang dalawa sa sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
    • severe headache (sobrang sakit ng ulo)
    • pain behind the eyes (masakit ang likod ng mata)
    • skin rash
    • pagkahilo at pagsusuka
    • muscle pain (masakit na kalamnan)

Sumusunod naman ang severe symptoms matapos ang 3-7 na araw ng initial symptoms na nasabi sa itaas.

  • pagsusuka ng dugo
  • hirap sa paghinga
  • masakit na tiyan
  • pagdudugo ng ilong at gums
  • pagkahilo
  • seizures
  • malamig at nagpapawis na mga kamay at paa
  • pamumutla

Kung may nararamdaman na ganitong mga sintomas, pumunta agad sa duktor at magpa-check up.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga kailangan mong malaman tungkol sa Dengue

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement