1. Pinakilala mo na sa iyong anak ang mga paborito mong palabas at karakter sa mga pinanonood mo sa Netflix at HBO.
Siyempre, nasimulan mo ng ipakilala sa iyong anak ang mga paborito mong karakter sa mga palabas na madalas mong pinapanood – iyan man ay Game of Thrones o kaya ay Dr. Who.
Ang mga “fandom” na ito ay bahagi ng pagiging isang millennial at bilang isang millennial na magulang, gusto mong maka-join ang iyong anak dito.
2. May tawag ka na sa iyong parenting style
Sa panahon ngayon, marami ng tawag o pangalan sa iba’t ibang parenting styles. Mayroong tiger moms, helicopter parents at free-range parents. Nabasa mo na ang lahat ng parenting books at articles patungkol sa istilong iyong napili at buong puso mong tinatanggap ang label na iyon sa iyong buhay.
3. Walang kaso sa’yo kung “pangbabae” ang pinipiling laruan ng anak mong lalaki, o “panglalaki” ang gustong paglaruan ng iyong anak na babae
Ngayong panahong ito, may mga mas importanteng bagay ang iyong piangtutuan ng pansin at pagpapahalaga kaysa ang problemahin kung “nararapat” ba sa kanyang kasarian ang laruang pinili ng iyong anak. Okay lang sa’yo kung gusto ng anak mong babae na maglaro ng mga toy cars o kaya naman ay gusto ng lalaking anak mo na maglaro ng lutu-lutuan.
Ang mahalaga para sayo ay masaya ang iyong anak at ramdam n’ya na s’ya ay minamahal upang maging metatag s’ya at lumaking mabuting tao.
4. Gagawin mo ang lahat para masigurong exclusively breastfed ang iyong anak
Oo, mas maraming magulang ngayon ang pinipiling mag-pasuso ng kanilang mga anak kaysa bigyan sila ng formula. Kaya naman sinisiguro mo na ganito ka rin sa iyong anak dahil naniniwala ka na malaking bagay ang naidudulot ng breastmilk sa kalusugan ng iyong anak.
5. Puno ang cellphone mo ng pictures at videos ng anak mo
Kung ang mga magulang mo siguro noon ay maraming photo album ng mga pictures mo, ganoon ka rin siguro ngayon – high-tech version naman. Salamat sa teknolohiya, mas madaling magtabi ng mga memories ng mga kaganapan sa buhay ng iyong anak.
6. Karamihan sa mga post mo sa social media ay tungkol sa iyong anak
Siyempre hindi pwedeng hanggang sa cellphone mo lang ang mga kuha ng iyong anak. Siguradong ipo-post mo ang mga ‘yan sa iyong social media.
Normal lamang ‘yan sa mga millennial parents.
7. Sinusuportahan mo ang creativity at pagiging katangi-tangi ng iyong anak
Karaniwan sa mga millennial parents ay suportado ang pagiging creative ng kanilang anak. Kaya naman kadalasan, sila pa ang nanghihikayat sa kanilang mga anak na mag-art class, o kaya naman sa simpleng pamamaraan na hinahayaan silang pumili ng kanilang mga isusuot na damit o pagde-decorate ng kanilang kuwarto o ng inyong bahay.
8. Maaaring ikaw o ang iyong asawa ay stay-at-home parent
Dumarami na ngayon ang mga bagong magulang na pinipiling maging stay-at-home parent lalo sa unang mga taon ng kanilang mga anak para sila ay maalagaan ng mabuti. Mas gusto ng mga millennial parents na sila mismo ang nag-aalaga ng kanilang mga anak kaysa ihabilin ang mga anak nila sa mga kasambahay o yaya o sa mga kamag-anak.
9. Mahilig kayong magtravel kasama ang inyong anak
Bilang isang millennial, maaaring nahilig kayo sa pagta-travel kaya naman ngayong kayo ay millennial parent na, gusto n’yong kasama sa saya ang inyong anak. Alam ninyo na mahalaga ang pagbabakasyon kasama ang mga bata at ito ay makakabuti rin sa kanila.
Ang article na ito ay unang isinulat ni Alwyn Batara.