Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay
Bagong silang na sanggol itinapon sa gilid ng bahay. Alamin ang mga ligtas at legal na opsyon para maiwasan ang ganitong trahedya.
Kamakailan lang, kumalat sa social media ang balita tungkol sa isang bagong silang na sanggol na itinapon sa gilid ng isang bahay, walang saplot at walang kalaban-laban. Mabuti na lamang, may mga residente na agad rumesponde at nailigtas ang bata.
Nakakagalit at nakakalungkot ang ganitong balita. Pero mahalagang maintindihan na may mga legal, ligtas, at humane options para sa mga sanggol na hindi kayang alagaan ng kanilang mga magulang.
Reality Check: Walang Sanggol ang Dapat Matapon o Maiwan
Hindi ganito dapat nagtatapos ang kwento ng isang sanggol.
Kung hindi pa handa magkaanak, gumamit ng contraceptives o family planning methods.
At kung dumating ang sitwasyon na hindi kayang alagaan ang sanggol, tandaan na may mga ahensya at institusyon na handang tumulong.
Mga Ligtas at Legal na Paraan para I-turn Over ang Isang Sanggol
1. Ihatid sa Ospital
Kung may bagong silang na sanggol na hindi kayang alagaan, ang pinakaunang hakbang ay dalhin siya sa pinakamalapit na ospital.
-
Bakit ito ligtas? May medical staff na handang magbigay ng agarang atensyon mula sa paglilinis at pagpapainit sa sanggol, hanggang sa pagsuri kung may karamdaman o komplikasyon.
-
Ano ang susunod na mangyayari? Tatawag ang ospital sa DSWD o sa barangay para ma-process ang protective custody, para masiguro na mapupunta sa tamang institusyon ang bata.
2. Makipag-ugnayan sa DSWD o Barangay
Kung walang ospital na malapit o mas mainam ang direct turnover, pwedeng tumawag o magtungo sa DSWD office o barangay hall.
-
Ano ang gagawin nila? Bibigyan ng pansamantalang tirahan at kumpletong pangangailangan ang sanggol gaya ng gatas, lampin, at malinis na higaan.
-
Paano ang proseso? May case management para masiguro na protektado ang karapatan ng bata, at mahanapan siya ng mas permanenteng solusyon tulad ng foster care o adoption.
3. I-turn Over sa Accredited Child-Caring Agencies at Shelters
Kung nais maipaampon ang sanggol, pwedeng magpunta sa accredited child-caring agencies.
-
Bakit dito? May malinaw at legal na proseso ng adoption na sinusunod ayon sa batas ng Pilipinas.
-
Ano ang benepisyo? Hindi lang basta tirahan ang ibinibigay. May emotional support, proper nutrition, at developmental care hanggang makahanap ng pamilyang magmamahal sa kanya.
Tandaan: May Tulong na Ligtas at Legal
Walang batang dapat iwan o itapon.
Kung hindi kayang alagaan ang sanggol, humingi ng tulong sa tamang ahensya para matiyak ang kanyang kaligtasan.
DSWD – Adoption Resource and Referral Office
???? (02) 8931-8101 local 228
???? DSWD website
Bawat sanggol ay karapat-dapat sa pagmamahal, proteksyon, at maayos na kinabukasan. Kung may humaharap sa ganitong sitwasyon, tandaan na may ligtas na paraan para magdesisyon nang walang inosenteng buhay na masasakripisyo.