Ang mga bakasyon ng pamilya ay kadalasang ang pinaka-inaabangang gawain ng isang pamilya. Excited ang lahat na maglakbay para magkapag-bonding at gumawa ng mga masasayang alaala.
Ngunit minsan, nawawalan ng gana ang mga magulang dahil sa katumbas nitong gastusin. Mula sa pagbili ng tickets hanggang sa pag-book ng matutuluyan, malaking bawas ito sa budget ng pamilya.
Subalit, ayon sa mga mananaliksik, malaki man ang magiging gastos, sulit ang magiging karanasan buhat nito.
Bakasyon ng pamilya nakakatulong mentally at emotionally sa mga bata | Image from Unsplash
Ang mga bakasyon ay nagpapasaya ng pamilya
Sa isang pag-aaral na isinagawa ng University of Toronto, napag-alaman na ang mas mahalaga ang bakasyon ng pamilya kumpara sa mga materyal na bagay tulad ng bagong laruan.
Sabi ng mananaliksik na si Cindy Chan, nagdudulot ang karanasan ng matinding emotional response. Halimbawa nito ang takot na nararamdaman sa pag-pasok sa haunted house o ang adrenaline rush sa roller coaster.
Kapag nababahagi ang karanasan sa pamilya, hindi lang nito napapatibay ang bonding sa isa’t isa. Ang pamilya rin ay mas sumasaya kahit pa matagal nang tapos ang bakasyon.
“Kung gustong magbigay ng bagay na magpapalapit sa inyo, magbigay ng karanasan,” dagdag ni Chan.
UK: Bakasyon ng pamilya ang paboritong alaala ng pagkabata
Nagsagawa ng survey ang Family Holiday Association sa UK. Napag-alaman dito na 49% ng mga Briton ay kinikilala ang mga vacation ng pamilya bilang paboritong alaala sa pagkabata.
Lagpas kalahati ng mga lumahok ang nagsabi na “nabigyan sila ng mga bakasyon ng masasayang alaala na mananatili sa kanila habang buhay.”
Bakasyon ng pamilya nakakatulong mentally at emotionally sa mga bata | Image from Unsplash
Sa komento ng Chief Executive ng Family Holiday Association na si John Mcdonald, sinabi niyang ang mga bakasyon ng pamilya ay nagsisilbibg “happiness anchor.” Kapag ang pamilya ay may pinagdadaanan, malaki ang natutulong ng mga masasayng alaala.
“Sa pamamagitan ng paggamit sa mga alaalang ito bilang anchor, nahaharap natin ang mga problema nang may bagong pananaw,” dagdag ni Mcdonald.
Napapatalino ng bakasyon ng pamilya ang mga bata
Bukod sa mga mental na benepisyo, mas tumatalino rin ang mga bata kapag nagbabakasyon ang pamilya.
Ayon kay Dr. Margot Sunderland, eksperto sa child mental health mula UK, ang pagpunta sa bagong lokasyon ay nakakapagbigay sa bata ng brain booster dahil hindi ito pamilyar sa kanila.
Sa kanyang article sa the Telegraph, sinabi ni Sunderland ang naihahandog ng lokasyon ng bakasyon. Ayon dito, ang lokasyon ay naghahandog ng “bagong karanasan na pinapagtibay ng social, physical, cognotive at sensory interaction.”
Ang mga simpleng aktibidad tulad ng paggawa ng sandcastles ay makakatulong sa frontal lobe ng bata. Ito ang nagko-kontrol sa emotional expression, problem-solving at lengwahe.
Ang mga adventurous na aktibidad ay nakaka-trigger ng neurochemicals tulad ng oxytocin at dopamine. Ang mga neurochemicals na ito ay “nakakabawas ng stress at nagbibigay ng magagandang pakiramdam sa isa’t isa.”
Kaya mga magulang, sa susunod na pag-isipan ang magiging gastos, tandaan na sulit ito dahil sa mga dalang benepisyo!
Bakasyon ng pamilya nakakatulong mentally at emotionally sa mga bata | Image from Unsplash
Mga summer bonding activities para sa buong family
1. Swimming
Dahil sa init ng panahon tuwing summer, isa sa pinakapaboritong gawin ng mga Pinoy tuwing tag-init ay ang magswimming! Pero mas nagiging exciting and fun ang swimming kung kumpleto ang buong family.
Maliban sa good exercise ang pagswiswimming, isang magandang paraan rin ito para magkaroong ng quality time ang buong family. Sa pamamagitan ng pagswiswimming sa beach o isang resort ay nabibigyan ng oras ng isang pamilya ang isa’t-isa na mag-usap at magkulitan sa isang fun at relaxing na paraan.
2. Camping
Isang summer bonding activity at paraan naman para sa mga magulang na iintroduce ang anak sa real world ay pagsama sa kanila sa isang camping.
Maliban sa mas pinalalapit nito ang isa’t-isa sa pamamagitan ng pagtulog sa iisang tent ay tinuturuan rin nito ang mga bata na mamuhay ng simple at malayo sa modern na mundo. Magandang paraan rin ito para subukan ang iba pang activities na mas magpapatibay ng samahan ng buong pamilya.
3. Picnic
Simple pero napakamemorable rin para sa mga bata ang pagpipicnic ng buong pamilya. Kahit sa pinakamalapit na park lang ito sa inyong bahay ay mas naiienjoy ng mga bata ang paglalaro at ang essence ng kanilang bakasyon. Siguraduhin lang na may baong pagkain na mapagsasaluhan ng buong pamilya para mas maging memorable ang summer bonding sa isa’t-isa.
4. Pagpasyal sa isang themed park
Ang pagpasyal sa isang themed park ay hindi lang para sa mga bata. Puwede ring i-enjoy ito ng mga parents at ibalik ang child-like self nila. Sa ganitong paraan ay mas naaappreciate ng iyong anak ang iyong presence at mas naieenjoy niya rin ang summer vacation niya. Mas nagiging exciting rin ito dahil sa mga rides at iba pang activities na pwedeng gawin ng buong family sa loob ng park.
Translated with permission from theAsianparent Singapore