Napakaliit na tao, pero napakadaming kailangan! Narito ang listahan ng mga dapat dalhin kapag magbabakasyon—out of town man o sa ibang bansa—kasama ang inyong baby o toddler.
May mga bagay sa listahang ito na maaaring wala sa pupuntahan o kung mayroon man, ay mamahalin. Hindi naman lahat ng ito ay kailangan. Tingnan pa rin kung ano ang naaayon sa pupuntahan at nakikitang kakailanganin ng anak.
Kapag kumpleto ang dala-dala, mas makakapag-enjoy ang lahat, dahil komportable at masaya si baby. Mas mabuti na ang laging handa, pero hindi rin naman makakatulong kung sobrang dami ng bagahe, e hindi naman pala kailangan ang laman nito.
Kung magbabiyahe sa eroplano, siguraduhing alam ang baggage limit ng checked in bags at carry-on. Kung naka-kotse o van, estimahin ang compartment at siguraduhing kasya lahat ng bagahe dito.
photo: shutterstock
Pangunahing kailangan
Isang maliit na bag para sa pagpapalit habang nasa biyahe
- lampin – tela at disposable
- diaper pad o mat
- plastik bag para sa gamit na diaper
- wipes
- diaper o nappy cream
- maliit na bote ng disinfecting hand gel, baby wash, at baby lotion
- tissues
Isang maliit na bag para sa biyahe (nakahanda): (Ihanda ang mga ito sa kaniya-
kaniyang ziplock bags para madaling hugutin sa byahe)
- isa hanggang 3 pacifiers (kung gumagamit si baby)
- mga laruan na paborito ni baby
- isa hanggang 2 set ng damit, medyas, sapatos, at sumbrero
- bibs
- feeding set kasama ang utensils at baby food
- formula milk o expressed milk ni Nanay
- tubig na nakalagay sa bote ni baby (kapag nasa tamang edad na si baby)
- juice, kung mahilig si baby dito
- paboritong meryenda ni baby na hindi makalat at madaling kainin
- magazine o coloring book kasama na ang crayons
Sa travel bag ni baby
- mga bote, tsupon, sippy cups
- paboritong pagkain ni baby
- breast pump (kung gumagamit)
- nightlight, para sa gabi
- First-aid kit
- pang-sanggol o pambatang pain reliever
- baby sling o front carrier
- kumot (3 hanggang 5, depende kung gaano katagal ang bakasyon)
- unan (if nasa tamang edad na si baby para gumamit nito, tulad ng 2 years old pataas)
- lip balm
- sunscreen
- moisturizer
- bedding o bed sheet
- kumot
- lotion panlaban sa lamok o insekto
Damit
Siguraduhing bagay sa klima o panahon ng pupuntahang lugar. Pumili ng mga kulay na maaaring pagbagay-bagayin at pagpalit palitin na hindi magmumukhang pare-pareho ang suot sa iba’t ibang araw. Magplano din ng mga “outfit” para sa mga espesyal na pupuntahan, kung mayroon man.
Sapatos
Siguraduhing nasukat na ni baby at kasya sa kaniya ang dalang sapatos at medyas. Iwasan magdala ng bagong sapatos na hindi pa nasusukat man lang, at baka masakit ito sa paa o hindi kasya. Ibagay din sa lugar na pupuntahan ang sapatos na dadalhin (tsinelas kung beach, boots kung malamig, atbp.)
Sumbrero at Sunglasses
Ang sumbrero ay pangunahing kailangan para kay baby. Ang sunglasses ay hindi naman gaanong ka-importante, pero kung mayron ka para kay baby, makakatulong ito.
Gamot
Kasama na ang mga bitamina ng anak, pagsamasamahin sa isang maliit na bag, at ilagay sa lalagyan na madaling abutin o kunin kung nasa eroplano kayo o nasa sasakyan.
Toiletries
Magdala lamang ng sapat sa kung ilang araw ang biyahe. Kung alam na may mabibili sa pupuntahan na hindi mahal, huwag nang magdala ng napakarami.
Kailangan sa paliligo (Ilagay ito sa kaniya-kaniyang ziplock bags para maiwasan ang pagtulo o leak)
- shampoo at conditioner
- toothpaste
- hair brush
- nail cutter
- bulak
- face towel
- alcohol
- cologne
- lotion at cream
- tuwalya
Malalaking gamit
- car seat
- collapsible stroller
- portable crib o play yard
- inflatable baby bathtub
- baby monitor
Iba pang kailangan para sa buong pamilya
- 2 hanggang 3 kopya ng Travel Documents: Passports, visas, itineraries, tickets, mapa, prescription para sa gamot kung mayron. Magdala din ng e-copy o kopya ng mga ito sa cell phone o laptop.
- International SIM Card. O kaya’y gawing roaming ang linya na gamit.
- Converters. Hindi ko rin alam kung gano ito kahalaga noon. Kung may dala ka mang charger ng cell phone at camera batteries, pero hind naman compatible sa saksakan sa lugar na pupuntahan, balewala ito. Magdala ng 3-prong, 2-prong, flat at pabilog.
- Camera (Video at Still), kasama lahat ng baterya at charger, memory card at kable para sa paglipat ng laman nito sa laptop.
- Cash. Alamin ang currency ng pupuntahang lugar at magdala na ng perang ito. Kadalasan ay US dollars pa din ang universal currency, kaya’t maghanda na nito kahit magkano lamang. Kung sa sariling bansa naman ang punta, siguraduhing may dalang cash sa biyahe para sa emergency. Ilagay ito sa isang lalagyan na maaaring isukbit sa leeg o katawan para hindi mawalay sa iyo.
- Inflatable Travel Pillow. Para sa mga magulang at sa mga bata.
Pahabol na tips
Ihanda ang bag ilang araw bago ang biyahe, at maghanda ng checklist para dito. Mas maiging alam mo na ang laman at lahat ng naihanda na, at para malaman agad kung ano pa ang kailangan. Gumamit ng diaper o baby bag na waterproof ang lining at may shoulder strap para madaling bitbitin.
Ang maliit na bag na nabanggit sa itaas ay para dalhin sa byahe, na nakatabi sa iyo o kay baby. Mahirap kung kakalkalin mo pa ang kailangan ni baby sa mga malaking bag na nakaimpake, lalo’t nasa eroplano o nasa likod ito ng kotse. Magdala din ng kahit isang extra na t-shirt o pantaas para sa ‘yo at kay Tatay, sakali mang masukahan o madumihan ni baby ang suot ninyo.
Ilista sa isang papel ang pangalan, phone number at address o pangalan ng clinic o ospital ng doktor ni baby, pati ang OB-Gyne ni nanay, at ilagay ito sa bag. Ilista din ito sa cell phone. Para ito sa mga hindi inaasahang emergency, o kung mayroong mga pagkakataon na kakailanganin ng payo ng doktor tungkol sa kalusugan ni baby.
source: Travels with Baby: The Ultimate Guide for Planning Travel with Your Baby, Toddler and Preschooler ni Shelly Rivoli
BASAHIN: Mga dapat malaman tungkol sa pagkuha ng unang passport ni baby
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!