Narito ang mga dapat dalhin sa pag travel kasama ang buong pamilya para masiguradong mai-enjoy ninyo ang bakasyon ng magkakasama.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
Mga dapat dalhin sa pag-travel kasama ang buong pamilya
Ang pagbyabyahe ng sama-sama ay isa sa laging nilook forward ng isang pamilya. Ito kasi ang pagkakataon para magkaroon sila ng quality time. At higit sa lahat para magkaroon ng break sa mga stress at problema sa bahay at trabaho.
Isang masayang karanasan rin ang makasama ang pamilya sa pagbyahe. Pero maaaring maging stressful ito kung may makakalimutang mahalagang gamit. Para maiwasan ito, narito ang isang kumpletong listahan ng mga dapat dalhin sa pag travel para sa hassle-free at enjoyable na trip ng buong family.
-
Mahahalagang dokumento at personal na bagay.
Bago umalis, siguraduhing dala ang lahat ng kinakailangang dokumento upang maiwasan ang abala sa biyahe:
- Passport, ID, at travel documents kung lalabas ng bansa.
- Tickets (plane, bus, train) at booking confirmations.
- Cash at credit/debit cards.
- Travel insurance documents kung lalabas ng bansa.
- Contact list ng emergency numbers.
-
Damit at kasuotan
Mahalagang pumili ng tamang kasuotan depende sa panahon at destinasyon. Mabuting ihanda ang mga sumusunod:
- OOTD para sa bawat araw
- Extra damit para sa emergency
- Pajamas at damit panloob o underwear
- Jacket o sweater para sa malamig na lugar
- Raincoat o payong
- Swimsuit kung may beach o pool sa itinerary
- Sapatos, sandals, at tsinelas
-
Hygiene & toiletries

Dapat hindi rin malilimutan ang iyong toiletries. Panatilihing malinis at fresh ang katawan ng buong pamilya sa biyahe gamit ang mga sumusunod:
- Toothbrush, toothpaste, at mouthwash
- Shampoo, conditioner, sabon, at lotion
- Deodorant at pabango
- Facial wipes at tissue
- Hairbrush at hair ties
- Sanitary pads o tampons
- Shaver at nail cutter
-
Health & safety
Laging magdala ng first-aid at health essentials para sa anumang emergency. Pati na ang iba’t-ibang skin care items.
- Personal na gamot at vitamins
- First aid kit (band-aid, alcohol, antiseptic, pain reliever, etc.)
- Insect repellent
- Sunscreen at after-sun lotion
- Face masks at hand sanitizer
-
Para sa mga bata
Kung may kasamang bata, siguraduhin na may dalang gamit para sa kanilang comfort. Ang mga ito ang dapat dalhin:
- Diapers at baby wipes
- Gatas at bote ng baby
- Baby food at snacks
- Extra damit at lampin
- Laruan o libro para sa aliw nila
- Stroller o baby carrier
-
Pagkain at snacks
Mahalaga ang pagkain sa biyahe, lalo na kung may batang kasama. Lalo na kung bumabyahe papunta palang sa inyong destinasyon.
- Baon na pagkain upang maiwasan ang gastos sa labas
- Bottled water o tumbler
- Light snacks (biscuits, nuts, chocolates)
- Travel-friendly utensils at eco-friendly food containers
-
Gadgets & accessories

Para sa dokumentasyon, selfie at entertainment, huwag kalimutan ang mga ito sa tuwing bumabyahe:
- Cellphones at chargers
- Powerbank at extra cables
- Camera o GoPro
- Headphones o earphones
- Laptop o tablet kung kinakailangan
-
Entertainment & extras
Para hindi mainip sa biyahe, magdala ng pampalipas-oras. Ang mga ito ang mga dapat dalhin sa pag travel:
- Books, magazines, at activity books para sa bata
- Board games o playing cards
- Travel journal at ballpen
- Neck pillow, eye mask, at earplugs
-
Travel essentials
Para sa mas maayos na byahe, huwag kalimutan ang mga sumusunod:
- Backpack o day bag para sa lakad-lakad
- Eco-bag para sa pasalubong
- Ziplock bags para sa basang gamit
- Flashlight at extra batteries
- Travel lock para sa bagahe

Iba pang paalala sa tuwing magbibiyahe kasama ang pamilya
Para masiguradong maayos at masaya ang inyong biyahe, tandaan rin ang mga sumusunod:
- Planuhin ang itinerary nang maaga – Siguraduhing may sapat na oras para sa bawat aktibidad at may backup plan sakaling may hindi inaasahang pagbabago.
- Magdala ng sapat na pera at e-wallet – Mahalaga ang cash lalo na kung pupunta sa lugar na limitado ang ATM o card transactions.
- I-secure ang mga mahahalagang gamit – Gumamit ng travel pouches o anti-theft bags upang maiwasan ang pagkawala o pagnanakaw.
- Ituro sa mga bata ang safety measures – Ipaalala ang mahahalagang impormasyon tulad ng contact details at kung saan pupunta sakaling sila’y maligaw.
- Alamin ang lokal na batas at kultura – Maging pamilyar sa mga patakaran at kaugalian ng pupuntahang lugar upang maiwasan ang abala o hindi pagkakaunawaan.
- Mag-relax at mag-enjoy! – Huwag masyadong magmadali, i-enjoy ang bawat sandali kasama ang pamilya.
Mahalagang paalala: I-check rin ang weather forecast at itinerary bago mag-impake para siguradong tama ang mga dapat dalhin sa pag travel. Planuhin nang maayos upang maiwasan ang hassle at masulit ang biyahe kasama ang buong pamilya! Happy travels!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!