Plano niyo bang gugulin ang mga natitira pang araw ng bakasyon sa relaxing na lugar? Malapit na ulit na magpasukan ang mga bata. Kaya tamang-tama na mag-relax muna bago ang pagbubukas ng school year. Kung plano niyo ang out of town vacation, narito ang ilang bakasyunan sa Zambales na pwede niyong puntahan.
Bakasyunan sa Zambales
Indira Zambales Beach House
Kung malaki ang inyong pamilya, swak sa inyo ang Indira Zambales Beach House. Kayang-kaya kasing i-accommodate dito ang hanggang 14 na tao. Mayroon itong 10 beds at tatlong bathrooms.
Syempre, para relaxing, ang maganda sa bakasyunan na ito sa Zambales ay ang lokasyon nito. Nasa tapat lang naman ito ng dagat! Tiyak na magugustuhan ng pamilya ang magandang view sa balcony at bakuran ng bahay-bakasyunan.
Bukod pa riyan, meron ding swimming pool, sauna at fire pit! Kung trip niyo naman ang mag barbecue party, meron din silang barbecue grill at outdoor dining area. Kaya tiyak na enjoy talaga ang pamilya.
Balay Angkan
Instagrammable naman ang Balay Angkan sa Cabangan, Zambales. Kasi naman, mayroon itong 3 contemporary villas na may native interior design. Kaya feel at home ka talaga! Syempre, hindi rin ito pahuhuli sa scenery. Kaharap din nito ang dagat kaya relaxing sa pakiramdam. At pwede rin ito sa malalaking pamilya dahil kayang i-accommodate dito ang 16 na guest.
White House
Kung aesthetic ang pag-uusapan, hindi pahuhuli ang White House sa San Antonio, Zambales. Kayang i-accommodate rito ang hanggang walong tao.
Ano ang meron sa vacation rental na ito? May magandang swimming pool at mabilis na wifi connection. Kaya kahit nagbabakasyon at nag-eenjoy kasama ang pamilya ay maaari pa ring kumonekta sa internet world!
Syempre, airconditioned ang vacation house for rent na ito at may full-length glass walls. Kompleto rin ito sa entertainment amenities tulad ng 65-inch HDTV at marshall sound system. Tamang-tama kung may programa kayong gustong gawin for the family. At ang pinakamaganda, bukod sa pool ay may easy access din kayo sa beach!
The Green Tree House Subic
Pang nature lover naman ang peg ng The Green Tree House sa Subic. Relaxing ang ambience ng paligid dahil malapit sa kalikasan. Tree house ang tutuluyan ng pamilya. Pero kahit tree house ay airconditioned ang bahay. Mayroon ding bathtub, wi-fi, private backyard, hammock at barbecue pit!
Marcusito’s Beachfont Vacation Place
Gustong magbakasyon ng pamilya pero hindi maiwan ang mga fur baby? Pwede niyo silang isama sa Marcusito’s Beachfront Vacation Place!
Ang vibe ng lugar na ito ay talagang buhay sa probinsya dahil sa rustic industrial design nito. Simple man pero kakasya ang hanggang 12 tao rito. Mayroon itong anim na kama at apat na bathroom. Pwedeng isama ang pets at mag-enjoy sa malawak na bakuran. Akma rin ito kung nais niyong mag boodle fight!
At para kumpleto ang relaxing ambience, katapat lang nito ang dagat at tanaw na tanaw ang scenic view ng karagatan.
Mommy at daddy, ilan lamang ito sa mga magagandang bakasyunan sa Zambales na tiyak na mae-enjoy niyo at ng mga kids. Tandaan lang na laging bantayan ang inyong anak habang kayo ay nasa bakasyon. Magdala ng insect repellant at huwag sila pabayaan na walang kasamang adult sa swimming pool at sa beach.