May mga bata talaga na parang hindi gaanong ma-express ng feelings. Bilang magulang, maaring masama ang dating nito sa iyo. Minsan ba ay natanong mo na kung bakit para hindi ka mahal ng anak mo?
Bakit hindi ako mahal ng anak ko?
Kadalasan ay mas nararanasan ng mga magulang ito sa mga teenager nilang anak. Pero posible ba na bata pa lang siya ay ganito na siyang makitungo sa iyo?
Bakit hindi ako mahal ng anak ko? Bilang magulang, masakit ito sa puso. Dahil bukod sa mga sakripisyo mo para sa kanila, ang iyong pagmamahal para sa kanila ay walang kapantay. Gayunpaman, hindi naman din nila kailangang ibalik sa iyo ito pero mas maigi pa rin kung kahit papano ay ma-appreciate nila ito.
Sa katunayan, mararamdaman mo pa nga minsan na parang may paborito siyang magulang. Marahil ay mas kasundo niya ang kanyang tatay o nanay — sa una ay mahirap talaga itong tanggapin. Pero di rin tatagal ay maiintindihan niya na pantay ang pagmamahal ng pareho niyang magulang sa kanya.
Pero kung ang sitwasyon ay hindi siya nagpapakita ng feelings sa parehong magulang? Para sa mga bata o toddlers, ang maaring dahilan nito ay coping mechanism. Maaaring inaalam pa nila kung paano ang mga bagay bagay. Inaaral pa rin nila kung paanong makitungo, kaya naman siguraduhin na nagsisilbi ka pa ring magandang ehemplo.
Mga bagay na ginagawa ng sanggol para magpakita ng pagmamahal sa ina
Baka naman ay nao-overthink mo lang ang mga ipinapakita ng iyong anak? Narito ang ilang bagay na ginagawa ng sanggol upang magpakita ng pagmamahal sa ina.
- Ang pag-ngiti ay isa sa pinaka napapansing paraan upang ipakita ng isang sanggol ang kanyang pagmamahal sa ina. Kaya kapag madalas ngumiti sa iyo si baby, siguradong mahal na mahal ka niya, at gusto niya itong ipakita sa ‘yo!
- Madalas, hindi sinasadya ng mga baby na gayahin ang iyong mga facial expressions. Bahagi ito ng kanilang paglaki, at normal itong response kapag nakikita nila ang iyong mukha. Ito rin ang paraan nila upang magpa-cute.
- Alam niyo ba na kahit sa murang edad ay alam na ni baby ang amoy mo? Kahit na wala ka sa bahay, basta maamoy nila ang iyong damit, o kaya kahit ang lotion o pabango mo, siguradong hahanapin ka nila!
- Minsan, napapansin mo siguro na kapag narinig ni baby ang boses mo, ay agad-agad siyang lumilingon papunta sa direksyon mo. Isa itong paraan na ipinapakita nila ang pagmamahal sa ina.
- Napapansin mo ba na todo ang pag-iyak ni baby kapag umaalis ka? Ibig sabihin nito ay mahal na mahal ka niya, at kailangan niya na palagi kang kasama.
Ginagawa ba ito ng iyong baby? Kung hindi at napapatanong ka pa rin kung bakit hindi ako mahal ng anak ko, paano naman kung sa pakiramdam nila ay mayroon ding kulang?
Bakit hindi ako mahal ng anak ko: Paano naman kung nararamdaman nila na hindi mo sila mahal?
Minsan, ang nagiging dahilan ng dibisyon sa magulang at anak ay ang pundasyon o klase ng relationship mo sa kanila. Ikaw ba ay open at nakikinig talaga kapag may sinasabi sila? O ikaw ba ay passive para maramdaman din nila na hindi mo sila mahal?
Puwede kasi na nararamdaman din nilang hindi mo sila mahal kaya naman ganito ang pakikitungo niya sa iyo.
Alam mo ba na kahit ang iyong mga salita ay nakakasakit ng bata? Lagi nating iniisip ang abuso bilang pisikal na pananakit o mga gawain na nagdudulot ng peklat sa katawan ng tao. Ngunit pagdating sa bata, madalas ang salita at mas malakas kumpara sa ginagawa at mas nakakasakit ng bata habang buhay.
Minsan din ay may mga nasasabi tayo na nakakapaglaro sa emosyon ng bata. Tulad ng pagpaparamdam sa kanila na may dapat silang gawin para mapasaya ang mga magulang.
Ano ang mga dapat gawin ng magulang para sa anak
Bilang magulang, maraming bagay ang dapat mong gampanan sa buhay ng iyong anak. Pero imbis na masyadong seryosohin at bigyan ng pressure ang iyong sarili, mahalaga rin na ma-enjoy mo ito. Hayaan mo silang lumaki at matuto sa kanilang mga pagdadaanan, ang kailangan mo lang gawin ay gabayan sila.
Minsan kasi, sa sobrang gusto nating umayos ang pagpapalaki sa kanila, nalilimutan na nating pakitaan sila ng affection at pagmamahal. Imbis na mag-focus sa pagdidisiplina sa iyong mga anak, mas kailangan mong palawakin ang iyong pang-unawa sa kanila.
Huwag din maging judgmental pagdating sa mga skills nila. Palakasin mo ang kanyang loob sa pamamagitan ng pag-focus sa kanilang strengths. Hindi mahalaga kung anong hindi nila kayang gawin. Iwasang ikumpara siya dahil hindi ito makabubuti sa kanya.
Source:
Basahin:
Ayaw ni nanay pero okay kay tatay? 5 dahilan kung bakit hindi dapat ito gawin