Bakit maliit ang baby ko? Mga senyales na hindi lumalaki ang anak mo

undefined

Kung tila maliit si baby o ang iyong anak para sa kaniyang edad ay narito ang iba pang sintomas at dahilan na maaring makapagsabi na siya nga ay hindi lumalaki.

Bakit hindi lumalaki si baby o bakit maliit ang baby ko ba ang tanong mo? Narito ang mga posibleng sagot sa tanong na ito. At ang iba pang senyales na hindi nga lumalaki ang anak mo.

Bakit hindi lumalaki si baby o bakit maliit ang baby ko?

Hindi man natin gustong labis na mag-isip, hindi maiiwasan na bilang magulang tayo ay nag-aalala sa ating mga anak. Lalo na kung pakiramdam natin na sila ay malayo o tila naiiba sa mga bata na kaedaran nila. Tulad nalang sa kanilang laki o height na isa sa madalas na ginagamit na basehan sa gulang o edad ng isang bata.

Bakit hindi lumalaki si baby

Image from Freepik

Ayon sa mga eksperto, ang growth delay o ang pagiging maliit ng isang bata ay maaring namana niya lang sa kaniyang mga magulang lalo na kung kapwa maliit o hindi katangkaran ang mga ito. Ngunit ito rin ay maaring dulot rin ng isang health condition tulad ng sumusunod:

Mga dahilan ng delayed growth ni baby

  • Chronic medical conditions na naapektuhan ang major organs sa katawan tulad ng heart disease, asthma, celiac disease, inflammatory bowel disease, kidney disease, anemia, at bone disorders
  • Hormone deficiencies tulad ng hypothyroidism, growth hormone deficiency, diabetes, at cushing disease.
  • Genetic conditions kabilang na ang Down syndrome, Turner syndrome, Russell-Silver syndrome at Noonan syndrome at rare bone problems.
  • Isa pang dahilan kung bakit maliit ang baby o isang bata ay dahil sa kulang ito sa nutrisyon.
  • Maaring epekto rin ito ng gamot na kaniyang iniinom kung bakit hindi lumalaki si baby o isang bata. Tulad ng mga gamot na ginagamit para malunasan ang attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) at inhaled steroids para sa asthma.
  • Ang mga baby na ipinanganak na maliit ay may posibilidad rin na maging maliit o hindi kalakihan habang nagkakaedad.
  • Maaring matinding stress rin ang dahilan kung bakit hindi lumalaki si baby o ang isang bata.

Sintomas na may kaugnayan sa delayed growth ng isang bata

Bakit hindi lumalaki si baby

Image from Freepik

Kung ang bata o baby ay maliit base sa mga nabanggit na dahilan ay magpapakita rin ito ng iba pang sintomas. Ang mga sintomas na ito ay ang sumusunod base sa kondisyon na kanilang nararanasan:

  • Siya ay may kaliitan kumpara sa mga batang kaniyang ka-edaran.
  • Kung siya ay nakakaranas ng dwarfism, ang sukat ng kaniyang braso at binti ay hindi tugma o proportion sa kaniyang katawan.
  • Matamlay, may constipation, dry and balat at buhok at laging tila nilalamig ang mga bata namang may mababang level ng hormone na thyroxine.
  • Mukhang sobrang bata o tila hindi nagbabago ang mukha na epekto naman kapag mababa ang level ng growth hormone niya sa katawan.
  • Kapag ang delayed growth naman ay dulot ng stomach o bowel disease, makikitang may dugo ang kaniyang dumi. Nakakaranas siya ng pagtatae, constipation, vomiting o nausea.

Paano natutukoy kung nakakaranas nga ng delayed growth ang isang bata?

Sa oras na makitaan ng mga nabanggit na sintomas ang iyong anak ay mas mainam na dalhin siya sa doktor upang makasigurado. At higit sa lahat upang ito ay agad na maagapan. Dito ay sisimulan ng doktor na kumuha ng mga impormasyon na kaniyang kailangan upang maimbestigahan ang kondisyon ng bata. Tulad ng personal niyang impormasyon at health history ng inyong pamilya. Kabilang rin dito ang naging pagbubuntis sa bata, laki niya ng ipinanganak, laki ng inyong kapamilya at kung mayroon ba sa inyo na nakaranas rin ng growth delay ng tulad ng sa kaniya.

Maaring magsagawa rin ng X-ray at blood test upang ma-identify kung bakit hindi lumalaki si baby at ano ang tunay niyang kondisyon.

Bakit hindi lumalaki si baby

Image from Freepik

Paano ito nalulunasan?

Ang lunas o treatment sa batang nakakaranas ng delayed growth ay base sa kondisyon na nagdudulot nito.

Kung ang delayed growth ay naiugnay sa family history ng inyong pamilya o constitutional delay ay hindi magrerekomenda ng treatment ang doktor.

Kapag natuklasan namang ito ay dahil sa growth hormone (GH) deficiency, ang doktor ay maaring bigyan siya ng growth hormone injection. Ito ay normal na ginagawa isang beses sa isang araw na maaring mong gawin sa bahay. At maaring magtagal ng ilang taon base sa epekto sa isang bata. Ang dosage ng GH injection ay maaring dagdagan kung kinakailangan. Ito rin ang inirerekumendang ibigay sa mga batang may Turner syndrome.

Thyroid hormone replacement drugs naman ang inirerekumenda ng mga doktor sa mga batang nakakaranas ng hypothyroidism.

At para sa iba pang kondisyon ay may specific treatment rin na inirerekumenda ang doktor. Ngunit ito ay kailangang sabayan ng pagkain ng mga masusustansiyang pagkain. At tamang oras ng pagtulog na makakatulong rin sa kaniyang paglaki.

 

Source:

Healthline, WSJ, Healthy Children

Basahin:

COVID-19 bihirang maipasa sa baby habang buntis, ayon sa pag-aaral

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!