Matagal ko na naming tanong kung bakit ba hindi kami makabuo ng baby?
I want to share our pregnancy journey. Me and my husband decided to get pregnant after namin kinasal. Dalawang taon na naming sinusubukang magkaroon ng baby noon pero wala pa rin.
Bakit hindi kami makabuo ng baby?
Marami na sa kamag anak namin ang parati kaming sinasabihan wala pa ba? Kailan kayo mag-aanak? Baog ba ang isa sa inyo? Masakit pero sinasagot ko na lang sila in a joke way.
Minsan nape-pressure na rin kami. Pero palagi kong sinasabi sa asawa ko na,“Okay lang ‘yan, ibibigay rin ni Lord sa atin ‘yan.” One time, kinausap ko ang aking mister para magpa-check up at ayaw niya talaga.
Natatakot siya na malaman na may problema raw sa kanya pero binigyan ko siya ng assurance na ano man ang maging resulta ay wala namang magbabago sa pagtingin ko sa kaniya.
Lagi ko siyang kinukumbinsi pero ayaw pa rin niya hanggang isang araw napapayag ko siyang magpatingin sa doktor.
Nagpa-check up kami ako ‘yong unang tinignan ni Doc, lahat ng test sinunod ko naman at don nakita healthy naman ako. Next na tinignan ay ‘yong sa asawa ko.
Larawan mula sa Shutterstock
Unang test na ginawa sa kanya ay ‘yong ultrasound sa private part niya at doon nakita na may varicocele siya, similar ito varicose veins sa leg ‘yon nga lang ‘yong sa kanya sa left egg niya) siya. Iyon pala ang sanhi ng low sperm production niya.
Next na test na ginawa ay ‘yong spermcount doon nakita na 36% lang ‘yong chance namin na makabuo. Atleast we were thankful and blessed pa rin dahil sa 36% na chance. Binigyan kami ng doktor namin ng supplements at mga vitamins at ni-recommend din ni Doc na dapat tanggalin na ‘yong varicocele kaso ayaw ng asawa ko.
Pinasubok din kami ni Doc na mag-contact sa fertile days ko lang. Kaso kailangan na bumalik ng mister ko ng trabaho. By the way, he is a Seafarer at ako naman isang Private Teacher.
Akala buntis na ako pero hindi pa pala
Na-delay ako ng halos isang buwan, excited ako kaso wala pala, hindi pala ako buntis. Kaya ayon disappointed na naman. Sinunod lang namin ‘yong mga vitamins na binigay ng doktor namin.
Nagsimula rin kami na magkaroon ng healthy lifestyle, hindi kami umiinom ng soda at alak, tubig lang ang iniinom natin at kumain ka kami ng mga healthy na pagkain. Kasi desidido talaga kaming maka-buo ng baby.
Bakit hindi kami makabuo ng baby?
Six months lang ‘yong contract niya kaso nga lang na-extend siya kaya ‘yong uwi niya September 2019 na that time. Iyong first menstruation day ko ng September 5 kaya ‘yong fertile days ko ay nasa 20’s na timing lang sa dating ng mister ko.
Nag-Cebu kami September 24-26, pumunta kami ng Simala Church sa Cebu kasi andami na rin naming naririnig na miracle stories kaya nag-try na rin kami. Hiniling namin na sana bigyan kami ni Lord ng anak.
October 9 nag-half day lang ako sa school masama kasi ang pakiramdam ko. Umiikot ‘yong paningin ko na ‘di ko talaga maitindihan ‘yong nararamdaman ko.
Umiiyak na ko sa sobrang sama ng pakiramdam ko at bigla sinabi ng mister ko na “Ma, baka buntis ka.” at ang sagot ko “Pa, ayoko ma disappoint,” sa sobrang excited ng mister ko bumili siya ng pregnancy kit pero ang sabi ko sa kanya hintayin pa namin isang linggo.
Kasi baka dadatnan ako that time kasi September 5 pa ‘yong last menstruation ko. The next day pagtapos ng klase sinabi ko sa mister na maglakad-lakad lang kami pauwi.
Kasi feeling ko talaga dadatnan ako. Sumasakit na ‘yong puson ko kasi ang layo ng nilakad namin. Pagdating sa bahay pinamasahe ko pa ‘yong paa ko sa kanya.
Ayoko nang ma-disappoint ulit
Tapos ini insist niya talaga na mag-PT ako para malaman talaga namin kung buntis ba talaga ako o hindi. Natapos ang isang linggo at ni-remind ako ng asawa ko na mag-PT.
Nakita niya na sa paglabas ko malungkot ako napayakap ako sa kanya at sinabing,
“Ayoko ng ma-disappoint ulit pa ang sakit na.”
Pinakuha niya sa akin ang result binigay ko sa kanya at tiningnan niya at sinabi, “Ma, positive naman ito.” kinuha ko ito dali, dali sa kanyang kamay ang pregnancy kit at doon nakita ko ‘yong faint line sabi ko sa kanya,
Dati hindi talaga namin alam ang dahilan kung bakit hindi kami makabuo ng baby. | Larawan mula sa Author
“Pa, negative to kasi faint line lang to.”
Ini insist niya talaga na positive. Sinabihan ko na siya na magbihis kasi nga a attend pa kami ng binyag. Habang binabaybay namin ‘yong daan patungo sa pupuntahan naming binyag napaisip ako, “Oo nga kasi my mga symptoms din akong nararamdaman na parang sa buntis.” Hanggang makarating kami ng simbahan napa whisper na lang ako kay Lord sana ito na nga.
BASAHIN:
20 years naghintay para magka-anak, iniwan ng asawa dahil masyado nang “matanda”
My PCOS Story: Doctors told me,”Baka hindi ka na magka-anak.”
Para sa ‘yo na matagal nang nagnanais na magka-anak. Naiintindihan kita, kagaya mo ako noon.
Ang biglang pagbabago sa aming buhay
After namin sa binyag sinabi ko sa aking mister na umuwi na kami kasi masama ang pakiramdam ko pero laking gulat ko lumiko kami ng ospital.
Tinanong ko siya kung anong gagawin namin at sinabi niya na magpa-serum test for pregnancy daw ako. Sinunod ko ‘yong sinabi ng mister ko. After 3 hours pa lalabas ang resulta kaya naglibot-libot muna kami.
Binalikan namin ‘yong resulta sinabihan ko ‘yong asawa ko na ako na ang kukuha. At para akong tatalon sa tuwa hindi ako makapaniwala sa resulta, inayos ko ‘yong sarili ko at lumabas na ng ospital.
Tinanong ako ng mister ko, “Ma, ano na ‘yong resulta?” sabi ko sa kaniya sa bahay na natin i-open. Nakita niya na positive, buntis ako. Sa isip ko kasi gusto ko i-video ‘yong reaction niya. Nang makarating na kami ng bahay sa sobrang saya niya umiyak siya at naiyak na rin ako.
Grabe ‘yong saya namin hindi namin ma explain. The next day bumisita ako ng OB ko at nag-request siya ng ultrasound at sa resulta ng ultrasound wala pa makita na embryo.
Iyak ng iyak na naman ako siguro natural lang sa first time mom na mag-worry. Ang dami ko na naiisip hindi ko talaga mapigilan ‘yong sarili ko na mag-isip ng kung ano.
Larawan mula sa Shutterstock
Nagpabili ulit ako ng pregnancy kit sa asawa ko ayon positive naman. Magse-celebrate pa kami sana ng fourth year Anniversary nami sa Boracay kaso kinancel ko kasi nga buntis ako at ayoko kung i-risk ‘yong baby namin.
Larawan mula sa Author
After 2 weeks mag-repeat na lang daw at ‘yon nga may nakita na pero wala pa heartbeat. Napa-praning na ako iyak lang ako ng iyak mabuti na lang andyan asawa ko to comfort me.
Makalipas ang isang linggo pinatawag na ‘yong asawa ko para bumalik na nagtrabaho. I know nagwo-worry pa siya pero need na talaga niyang bumalik para na rin sa baby namin.
Hindi inaasahang biyaya ng Diyos
Makalipas ang tatlong linggo ayon nakita na na may heartbeat si baby. Binalita ko rin sa asawa ko na may heartbeat na. Sobrang saya na namin. Ginawa ko ‘yong mga bagay para maging healthy ako at si baby namin. Kumakain ako ng mga healthy foods at iba pa.
Mag-isa ako sa aking pagbubuntis sakto naman pagdating ng pandemic hindi na ‘ko nakakalabas. Kaya ‘yong exercise ko sa bahay lang. Tamang video call lang ang mister ko pagkinakausap ang tiyan ko.
Minsan nga nadulas pa ako nung 7months na ‘yong tiyan ko. Agad akong nagpa-schedule sa OB ko at sakto ni-request niya ako ng ultrasound at mabuti na lang okay ‘yong baby ko.
Iyong expected due date ko ay June 20 lumabas ‘yong healthy baby girl namin June 2, 2020. Habang nagle-labor ako hindi ko sinabi sa aking asawa kasi ayoko kung mag-alala siya.
Paglabas na lang ni baby at na sa room na kami doon ko lang sinabi sa kaniya. Umiyak na naman siya sa tuwa. Sa ngayon, nag-stop akong mag-work at isa na akong fulltime mom.Walang imposible kay Lord. Tiwala lang.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!